Kabanata 13

190 8 0
                                    

Nang makita ni Lilia ang kaniyang sarili suot ang kaniyang damit na dapat ay matagal na niyang sinunog at ibinaon ay mabilis niya itong pilit na hinubad. Ngunit tila ba may sariling buhay ang damit na iyon at nilalabanan ang paghuhubad ng dalaga.

“Lilia, ano bang nangyayari sa’yo?” hawak pa ni Ryan ang magkabilag balikat nito pero para bang sinasapian ng masamang espirito ang dalaga at naitulak niya si Ryan ng malakas.

“Ano ba talagang kailangan niyo sa’kin?” malakas na sigaw ng dalaga habang pinaglalabanan ang mga nangyayari sa kaniya.

Naguguluhan man ang binata sa mga inaasta ng dalaga ay sinubukan niya muling lumapit dito.

“Lilia..” pilit niya pa itong niyakap, ngunit isang malakas na suntok naman ang natanggap niya sa dalaga.

Hindi man siya naniniwala sa mga masamang espirito, ngunit ngayong nakikita niya mismo si Lilia sa harapan niya na tila ba sinasapian ng kung anong elemento ay hindi na rin niya alam ang gagawin. Kitang-kita niya ang dalaga na halos manlisik ang mga mata at nakataas pa ang dalawang kamay nito.

May kung anong enerhiya ang bumabalot sa buong kabahayan. Namatay ang ilaw at ang ilang babasaging gamit ay nahuhulog sa sahig. Naisipan ni Ryan na tawagan na ang kaibigan ng dalaga na si Greta. Mariin naman niyang pinaliwanag dito ang kababalaghang nangyayari kay Lilia.

“Bantayan mo lang basta si Lilia. Huwag mo siyang hayaang makaalis ng bahay. Papunta na kami dyan.” Nanginginig pang tono ni Greta sa kabilang Linya.

Tulad ng bilin ni Greta, mabilis ngang isinara ni Ryan ang pinto upang hindi makalabas si Lilia. Nilakasan pa din ng binata ang kaniyang loob na lapitan si Lilia at pigilan ito sa pagwawala, pero sadyang napakalas ng dalaga upang muling itulak si Ryan at nauntog pa ang ulo sa pader. Nahihilo man ay pilit pa din na bumangon ang binata at nakita doon si Liliang animo’y nakalutang sa ere. Sinubukan niya muli itong lapitan at buong-lakas na sinangga ang mga babasaging tumatama sa kaniyang katawan. Pilit niyang inaabot ang dalaga at ibaba ito sa pagkakalutang. Wala na nga ito sa kamalayan at dahil doon ay lubos na kinabahan si Ryan.

Habang pilit na ibinababa ng lalaki si Lilia ay nakaramdam naman siya ng tila may sumasakal sa kaniya at napahiga siya sa sakit na’yon. Hirap na hirap siyang huminga dahil sa pagkakasakal na iyon sa kaniya ng hindi naman niya nakikita kung kaluluwa nga ito. Hindi niya magawang makabangon dahil sa napakabigat na nakadag-an sa kaniyang katawan.

“Ano bang kailangan niyo? Kaluluwa ko na lang ang kunin niyo. Hayaan niyo ang babaeng ‘yan.”

Naramdaman naman niya na ang biglang pagkawala ng kung anong espirito sumasakal sa kaniya. Narinig din niya ang pagkakabagsak ng katawan ni Lilia sa sahig. Pinuntahan naman niya ang dalaga at nakita itong walang malay. Tinapik-tapik niya pa ang mukha nito upang magising.

Ilang minuto pa ang nakalipas  at dumating na sina Greta at Janeth. Nagsama din sila ng isang pari na siyang magbabasbas sa kung ano ngang kababalaghan ang nagaganap. Malapit na din pumatak ang alas-dose kaya naman tahimik na ang buong lugar.

“Kailangan natin hubarin ang suot na damit ni Lilia. Dapat kasi matagal na niyang sinunog iyan.” Saad naman ni Greta

Tinulungan naman siya ng kaibigang si Janeth sa balak na iyon. Nang kanilang umpisahang hawakan ang damit ni Lilia, laking-gulat nilang nagkamalay ito at bigla silang hinawakan nito sa tig-isang kamay habang nanlilisik ang mga mata. Natatakot na nagsisigaw sina Janeth at Greta ngunit hindi nila magawa manlaban dahil bukod sa hawak ni Lilia ang kanilang mga kamay ay nanlalambot pa ang tuhod nila at hindi makagalaw. Tinulungan naman sila ni Ryan at inumpisan ng kasama nilang pari ang kaniyang pagdadasal.

Hindi halos maipaliwanag ang mga nagaganap sa mga oras na iyon. May iba ngang nakapasok sa katawan ni Lilia at ngayon ay itinulak niya ng malakas sina Janeth at Greta tulad ng ginawa niya kay Ryan kanina. Napakalas niya at kitang-kita nila ang madaming nakapalibot na kaluluwa sa kaniya. kasabay pa nito ang malakas na pagbuhos ng ulan at kumikidlat. Sa bawat kulog na kanilang naririnig ay kasabay noon ang sigaw ni Lilia na animo’y boses lalaki.

“May demonyo na ba sa katawan niya?” natatakot na tanong ni Janeth at kasabay noon ang pagyakap sa kaniya ng kaibigang si Janeth.

Isinisigaw nila paulit-ulit ang pangalan ni Lilia habang malakas na nagdadasal.

Mag-aalas-dose na ng mga oras na iyon at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong kabahayan. Patuloy pa din sila sa pagdadasal ng biglang matanaw ni Greta ang malaking salamin sa kaniyang tabi.

“Kandila. Kailangan ko ng kandila.” Malakas na sambit ni Greta.

Mabilis namang kinuha ni Ryan ang itinabing kandila ni Lilia sa may kwarto nito.

“Ano bang balak mo?”

“Hindi ko alam kung makakatulong ito, pero sa tingin ko ito na lang ang paraan.”

Napatingin naman sila sa pari na napatigil sa pagdarasal dahil mistulang sinasakal ito at hindi makapagsalita. Mabilis naman siyang tinulungan ni Ryan matapos maiabot kay Greta ang kinuha nitong kandila.

Kaagad na sinindihan ni Greta ang hawak na kandila at malakas ang loob na humarap sa salamin. Bilog ang buwan ng mga oras na iyon.

“Friend. Mas lalo ako natatakot sa gagawin mo.” Saad ni Janeth habang nakayakap kay Greta.

“Basta huwag kang titingin sa salamin.” Bilin nito sa kaibigan.

“Eh paano ka?”

“Alam kong hindi ako mapapahamak dito dahil ako ang may hawak ng kandila. Huwag kang titingin, Janeth.”

Mas naramdaman naman niya ang paghigpit ng pagkakayakap ni Janeth sa kaniya.

“Salamin, salamin. Kayong mga kaluluwa, lubayan niyo na..” Naputol naman ang kaniyang sasabihin ng makaramdam siya ng may malamig na humawak sa kaniyang kanang paa, at tingnan niya iyon ay isang babaeng walang mata. Napa-upo naman siya dahil doon at namatay ang sindi ng kandilang hawak niya.

Nilapitan naman siya ni Janeth na naiiyak na sa takot. Nilingon niya sina Ryan at ang kasamang pari na patuloy pa din pinaglalabanan ang espiritong sumasakal dito.

Kitang-kita niya ang mga kaluluwang nakatingin sa katawan ni Lilia habang nakalutang ito sa ere. Halos mabaliw siya sa mga nasasaksihan ngunit alam niyang kailangan ay hindi siya maging mahina sa mga oras na ito. Pinilit ni Greta na muling tumayo kahit na halos manlambot ang kaniyang mga tuhod. Hinanap niya ang lighter na kaninang inalagay niya sa bulsa ng makita niya sa harapan niya ang isang lalaking tila naagnas na ang mukha. Naiiyak na siya dahil sa ilang sentemetro nitong layo sa mukha niya.

“Janeth. Kunin mo ang kandila at ikaw na ang humarap sa salamin.” Utos niya sa kaibigan kasabay ang paghagis sa kaibigan ng hawak niyang lighter.

“Natatakot ako.” sigaw ni Janeth

“Gawi mo na, kundi mamatay tayo sa takot lahat dito.” Saad ni Greta na halos hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.

Nanginginig ang mga tuhod ni Janeth habang tumatayo at humaharap sa salamin. Makailang beses niyang sinubukan sindihan ang hawak na kandila ngunit napakalakas ng hangin at namamatay iyon.

Halos mapa-upo siya ng maanigan niya sa salamin ang mga kaluluwang katabi nakapalibot na din kay  Greta.

“Greta. Sino iyang mga nasa tabi mo?” hanggang sa tuluyan ng nawalan ng malay si Janeth.

Kababalaghan Ni Lilia (Soon to Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon