Kabanata 8

252 13 0
                                    

Matapos hubarin ni Greta ang suot na damit ay itinapon lamang niya iyon sa sahig. Patuloy pa din sa pagsisigaw ang dalaga hanggang sa makalabas na ito ng bahay ni Lilia.

"Uuwi na muna ako, Bes. Mababaliw ako dito." Saad ni Greta

"Bes, walang mangyayari sa'yo. Susunugin natin iyong damit." Pilit na pinapakalma ang kaibigan at saka sinusundan ito na sa ngayon ay nasa gitna ng kalsada.

"Mamaya na tayo mag-usap, Bes."

Lumingon pa ito sa kaibigan ng hindi namalayan ang biglang pagbunggo ng paparating na motor sa kaniya.

Halos manlumo si Lilia ng makita ang kaibigan na duguang nakahiga sa gitna ng kalsada at walang malay.

Mabilis nila itong dinala sa hospital at kasalukuyang naka-upo lamang siya sa sahig malapit sa E.R. habang hinihintay ang paglabas ng doctor doon at malaman ang lagay ni Greta.

Labis-labis niyang sinisisi ang sarili sa mga nangyayari.

"Ano ba itong nangyayari sa inyong mag-kakaibigan. Parang mistualang may malas sa inyo." Narinig niyang saad ng kapit-bahay nila.

Nagising naman ang diwa niya ng marinig ang salitang "Malas". Doon ay nagdesisyon siyang umuwi ng bahay at hanapin ang naiwang damit na itinapon ni Greta kanina sa may sala.

Pagkarating niya sa bahay ay wala siyang sinayang na segundo upang hanapin ang damit na iyon. Ngunit, ilang beses man niyang hinanap sa buong kabahayan ay hindi niya iyon makita. Hinalungkat din niya ang kaniyang mga damit sa cabinet, pero wala din doon.

"Tao po." Narinig niyang wika mula sa labas ng bahay niya.

Unti-unti naman siyang napasilip sa bintana at nakita roon ang dalawang pulis na nakatayo sa labas ng gate. Lumabas naman ang dalaga upang harapin ang mga pulis at malugod na pinapasok ito. Nagtatanong lamang sila tungkol sa nangyaring aksidente kay Greta. Sinabi naman ng dalaga na hindi niya nakita ang mukha ng lalaking nakabunggo sa kaibigan. Hindi rin niya natandaan ang plaka nito kaya wala siyang maibibigay na impormasyon.

"Sige, Miss. Tawagan mo na lamang kami kung sakaling may maalala ka." Saad ng isang pulis. May katandaan na ito.

"Anong nangayari dito sa bahay mo? Ninakawan ka ba?", tanong naman ng isa pang pulis na kasama nito. Hitsurang bata pa ito at bago lamang sa serbisyo.

"Wala naman, may hinahanap lang ako." paliwanag naman ni Lilia

"Nag-text na si Chief, pinapabalik na tayo sa prisinto. Dito ka lang ba muna o sasama ka na?", tanong ng isang pulis sa nakakabata nitong kasama.

"Susunod na lang ako, Sir. Mukhang kailangan pa ni Lilia ng kasama dito."

Nagtaka naman ang dalaga dahil sa pagbanggit ng pangalan niya. Tuluyan ngang umalis ang kasamahang pulis nito at naiwan silang dalawa doon.

"Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" pagtatakang tanong ni Lilia.

"Nabasa ko sa record." Paliwanag naman ng binatang pulis.

"Ganoon ba." Ipinagpatuloy ni Lilia ang paghahanap sa damit. Alam niyang ito ang puno't dulo ng nangyayari ngayon kaya naman kailangan niya itong makita at sunugin na matagal na dapat niyang ginawa.

"Ano ba kasing hinahanap mo? May maitutulong ba ako?" tanong naman ng pulis.

"Kuyang pulis, alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Pero alam mo ba iyong kasabihan na kapag nakita ka ng isang tao na walang ulo ay may mangyayaring masama sa'yo?"

"Bakit may nakakita na ba na wala kang ulo?"

Napatigil naman ang dalaga sa ginagawa niya at napalapit sa kasamang pulis.

"Kung sasabihin kong oo, matatakot ka ba?"

"Pero wala pa namang nangyayaring masama sa'yo, hindi ba?"

"Iyon nga ang pinagtataka ko. Walang nangyayari sa'kin, pero ang mga kaibigan ko ang napapahamak." Naiiyak na tugon ni Lilia

Bigla naman niya naramdaman ang pagyakap sa kaniya ng binata. Hindi niya alam kung bakit tila ba wala siyang lakas upang itulak ito papalayo sa kaniya. Siguro nga, sa mga panahong iyon ay kailagan niya ng karamay kundi para na siyang masisiraan ng ulo.

"Nandito lang ako, Lilia." Saad ng binata

Naitulak naman niya ito at naitanong, "Bakit pakiramdam ko, kilalang-kilala mo ako? Sino ka ba talaga?"

"Ryan. Ryan Batalla. Schoolmate tayo noong high school. Matagal na kitang kilala at matagal ko na din gustong magka-usap tayo tulad nito"

May pagtataka namang tiningnan ni Lilia ang lalaking kaharap niya. Matangkad ito at talaga namang matikas dahil sa kaniyang propesyon. Sa dami ng estudyante doon noong high school siya ay hindi niya akalain na matatandaan at makikilala pa pala siya nito.

Ilang sandali pang nagkatitigan ang dalawa hanggang sa isang tunog mula sa telepono niya ang pumutol dito.

"Tumawag na ba si Misti sa'yo 'nak?" boses ng Ina ng kaibigan niya sa kabilang linya.

"Tita, hindi pa rin po."

"Nagpunta ako sa mga pulis kanina, wala naman silang magawang aksyon dahil wala pa raw bente-kwatro oras nawawala ang anak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lilia. Natatakot ako lalo na't nabalitaan ko ang nangyari kay Greta." Naiiyak na boses pa nito.

Natapos ang tawag na iyon na parang naubos ang lakas ni Lilia. Paano nga ba matatapos ito? Saan niya matatagpuan ang damit niyang nawawala? Bakit ba ang mga kaibigan niya ang siyang napapahamak?

"Lilia, matanong ko lang. May kasama ka bang lalaki dito?"

Napalingon naman siya kay Ryan dahil sa sinabi nito.

"Wala naman, bakit?"

Nagulat naman siya ng makitang biglang inilabas nito ang baril patungo sa kwarto niya.

"May nakita kasi akong lalaking pumasok sa kwarto mo."

Pinagpawisan naman siya ng malamig sa sinabi ng binata at nag-umpisa na namang kabahan.

"Nakita mo ba ang mukha niya?" hinarap niya pa ang binata sabay hawak sa magkabilang balikat nito.

"Hindi masyado. Ang napansin ko lang halos matakpan ng buhok nito ang mukha niya. Mu...multo ba iyon?" Napaatras pa ito dahil sa takot.

Bigla namang pumasok sa isipan niya ang lalaking nakasabay niya sa jeep na si Benson dahil sa sinabing buhok nitong halos matakpan ang mukha.

"Kailangan mo akong samahan sa lumang-bahay namin. Wala ng dapat pang mapahamak dahil sa'kin." Sabay higit niya sa binata.

Wala namang nagawa ang kasama niyang pulis at sinamahan na lamang si Lilia. Mabilis nitong pinaharurot ang motor patungo sa sinasabing bahay ng dalaga. Nang marating ang lugar ng lumang-bahay nila, dumiretso agad siya sa tapat ng bahay ni Benson at makailang-beses na tinawag iyon. Malayo-layo na ang ilan pang kapit-bahay nila kaya wala siyang mapagtanungan kung nakita ba nila ang binata. Idagdag pa dito ang malapit ng dumilim kaya wala masyadong dumadaan sa lugar na iyon.

Naisipan naman niyang pumasok muna sa loob ng lumang-bahay nila at humarap sa salamin.

"Kung si Benson nga ang susunod, makikita ko ang kaluluwa niya sa salamin." Sambit ni Lilia

Tahimik lamang siyang sinasamahan ng binatang pulis habang naghahanap ng kandila sa may kusina at saka sinindihan iyon.

"Salamin, salamin. Ipakita sa'kin kung sino ang susunod na kukunin."

Pagkasabi ni Lilia ng mga katagang iyon ay tila ba may kung anong umihip na malamig na hangin at namatay ang sindi ng hawak na kandila.

Sa muli niyang pagtatangkang pagsindi ng kandila, bigla siyang napaatras ng makita ang isang kaluluwa ng lalaki katabi ang kasama niyang pulis.

"Ryan." Pagtawag niya sa binata. Nakatingin lamang ito sa salamin at kitang-kita pa din doon ang repleksyon ng kasama katabi ang kaluluwang iyon.

"Huwag kang aalis sa pwesto mo at huwag na huwag kang titingin sa salamin." Tugon niya sa lalaking kasama.

"Ano bang nangyayari, Lilia?"

"Si Benson. Nakikita kong katabi mo si Benson."

Kababalaghan Ni Lilia (Soon to Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon