Prologue

13 1 0
                                    

Prologue


I stared at my reflection on the mirror to admire myself, I'm wearing a long fitted mermaid gown that's hugging my curves, it's just a plain black but the long slit on my right leg gives justice everytime I walk. I looked like a sophisticated and stern woman with my fierce make up and red lipstick. My hair tied up into a messy but elegant bun. Napangiti ako sa sarili at naglakad na patungo sa pinto upang lumabas.






Nang makalabas ako sa aking kwarto ay narinig ko ang tatlong magkakasunod na doorbell kaya binilisan ko ang lakad. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Eandrix na naka-all black tuxedo. Like his usual style, his hair is a bit messy but appealing. He looks like a badboy because of his hyptonic eye and fetching diamond earing on his right ear. This man is a drop dead gorgeous. Tuluyan na 'kong lumabas at humarap sakaniya.




Napaawang ang labi niya habang tinititigan ang kabuuan ko, napalunok pa sya at maya maya'y umigting ang panga at ngumisi sa akin.




"Wow..." He said in amazement.




"Hi, beautiful." He greeted me in a husky voice. I smiled.





"Hey, handsome." I greeted back.




"So...let's go?" Aniya at inilagay ko ang kamay ko sa braso niya.




"I'm so proud to be your date tonight, Sha-sha." Bulong niya.




"My pleasure, Mr. Villegas" I chuckled.



Nang makarating kami sa lobby ay halos mabali ang leeg ng mga tao sa paglingon sa amin. Taas noo lang akong naglakad habang may mayabang na ngisi naman ang katabi ko. Napapailing nalang ako sa kayabangan niya. Nang makalabas kami ng building ay naghihintay na ang valet niya at ibinigay ang susi ng BMW kay Eandrix.




Perfect na sana ang paglabas naming dalawa ngunit hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng walangya. Napaka-ungentleman talaga! Napairap nalang ako at binuksan ang pinto ng front seat at padabog na sumakay. Humalakhak siya kaya tiningnan ko siya ng masama.




"What?" Natatawa niyang tanong pero umirap lang ako.




He maneuvered the car and drive swiftly. Tinatapik tapik pa niya ang steering wheel at naghahum habang nag-da'drive. Kinakagat pa niya ang pang-ibabang labi para supilin ang ngisi. Umirap nalang ako at tumingin sa labas.




Mabilis kaming nakarating sa hotel na pagdadausan ng party. Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit mabilis na lumabas si Eandrix at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inirapan ko siya kaya natawa siya. Hinapit niya ang baywang ko at inilagay duon ang kamay niya.




Nagsimula na kaming maglakad at sumakay sa elevator. Pagbukas ng elevator ay mga flash ng camera ang bumungad sa amin kaya ngumiti ako ng pagkatamis. Naglakad kami sa red carpet nang hindi inaalis ang ngiti. Maraming nakipag-kamay at nakipagbatian sa amin ni Eandrix bago kami makaupo sa presidential seat.



"Hija, Zenaida! You look gorgeous there." Bati sa'kin ng Mom ni Eandrix. I smiled at her genuinely.



"Thank you, Tita, you look beautiful po." I said while giving her a cheek to cheek.




"The program is about to start, hija, I have to go." Aniya at tumango ako. Pumunta na si Tita Marian sa gilid ng stage upang simulan ang program.




Maya maya pa ay umakyat na si Tita sa stage at may mga sinabi about the program. Mabilis lang iyon kaya hindi nakakainip at sinimulan na rin ang party.




Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon