Chapter 11

3 0 0
                                    

Chapter 11

Falling...

It's been a month. And I can't say anything bad about Peace, he's a good person.

Peace is a gentleman, he's sweet and protective, that's what I saw. Nasanay na'ko sa kaniya, and his sweet gestures. Me and Yves are his closest friend. Lagi kaming magkakasamang tatlo, well, he also hang around with his guy friends and other groups of friends but most of the time, with us. Of course, we have this extraordinary bond.

"She's Maia, block mate ni Peace, she likes him. It's obvious." Ani Yves nang dumaan kami sa quadrangle at nakita namin si Peace with that 'Maia'

Nagkibit balikat ako. Should I care? No, I shouldn't. Why would I anyway. He acts sweet but...

"Oh? 'Di mo pupuntahan si Peace?"

"Bakit ko naman siya pupuntahan?" Tanong ko, nakakunot ang noo.

"Nothing." She shrugs. "I just feel you have the right to, he's our friend and there's a thing between you two?" Dagdag niya, umiling nalang ako.

"Let him talk to his other friends, don't act like we've known him for years, it's just two months you know and I don't think" umiling ako, there's a thing between us? Naiirita ako kay Yves, pumapapel? Tss.

Medyo malayo kami kay Peace, so he won't be able to hear us. Tinitigan ko sila nung Maia na 'yun, she's beautiful, bagay sila. Maybe he's courting her? I cringe at the thought.

Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi ang iniisip.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad kaysa pansinin pa ang mga sinasabi ni Yves. Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butchi ng babaeng 'to, I'm fine with this situation! Wala namang problema. I think Peace is cool with it too, I hope so. Tinapik ni Yves ang balikat ko at sumenyas na uuna na siya, I nodded, then she left.

Liliko na sana ako sa pasilyo nang marinig ko ang malalim na boses ni Peace.

"Zen," Tawag niya at hinawakan ang braso ko. Nilingon ko siya. He's still with Maia.

"What?" Kunot-noong tanong ko.

"Ang taray." Aniya, natatawa. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad, kinuha niya ang mga librong dala ko at ipinatong ang braso sa balikat ko. Napatingin ako roon at kita ko rin ang pagdapo ng mata ni Maia roon, nagkatinginan kami ni Maia. Nagtaas ako ng kilay at agad din iniiwas ang tingin.

"Masyado kang busy." -Peace.

"Yeah, third year na kasi, may OJT pa 'ko." Sagot ko.

Hindi ako komportable sa presensiya ni Maia pero hindi ako nagsalita kahit gustong-gusto ko ng tanungin kung ano pang ginagawa niya rito gayong mukhang wala na naman silang pag-uusapan ni Peace.

"So, mawawalan ka na ba ng time sa'kin nan?" Natatawang tanong ni Peace. Tiningala ko siya at inirapan.

"I'm always in your house, I'm just really damn busy right now, masakit sa ulo ang engineering eh." Sagot ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Maia sa kabilang gilid ni Peace kaya nilingon ko siya. She's looking at us, while arching her left eyebrow.

"Nyx, I think, Facade is better." Biglang sabi niya.

"No, I like the classic one." Sagot naman ni Peace.

"Ah! Zen, we have a group meeting later sa bahay, punta ka? Sama mo si Yves." Sabi ni Peace.

"Group meeting isasama mo 'ko?" Tanong ko, nakakunot-noo.

"Please." Aniya.

"Okay, then classic. But with a touch of modern ha?" Nabaling na naman ang atensyon ko kay Maia. She's rude, I'm talking to Peace here. Bakit ba kasi nandito pa siya?

Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon