Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3

Curious



Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa'kin ay si...si...what the hell. Si Peace. Kumurap-kurap ako pero hindi parin nawawala ang nakakunot na noo ni Peace habang nakatingin sa'kin.




"How are you feeling?" He asked.




"Why are you here? Uh, no Why am I here?" Litong tanong ko at sinubukang bumangon, tinulungan naman niya 'ko.





"You passed out, over fatigue daw. " aniya.





"Why are you here?" I asked again.





"I was strolling and then I saw both of you walking. Lumabas ako ng kotse ko to greet you but when I'm closed, you collapsed. " He explained. Binalingan ko siya at kita ang pagod sa kaniyang mga mata.





Oh. He's the guy who caught me...when I'm about to fall on the ground.





I wanna thank him but I feel uneasy and embarrassed.





"Zen!" Gulat na bungad ni Yves nang dumating siya. "Are you okay?" Taranta niyang tanong. I just nodded.





"Pwede ka na daw i-discharge." Nangingiti niyang saad. Bumuntong hininga ako, and where the hell are we gonna stay? Fuck. Sinundan ko ng tingin si Peace nang lumabas siya.





"Fix yourself. We're leaving." Sambit ni Yves ng may ngiti.




"San tayo?" Tanong ko pero umiling lang siya.





"You'll know." Sambit niya.




Tinulungan ako ni Yves na ayusin ang sarili ko, hindi na 'ko nagtanong about sa bill nang basta nalang kami lumabas. May mga sinabi lang ang doctor bago kami umalis.





Napasinghap ako nang makita si Peace na nag-aantay sa may lobby, kinuha niya ang mga dala ni Yves at lumabas na. Sa labas nandoon ang sasakyan niya. Inilagay niya sa compartment ang gamit at pinagbuksan kami ng pintuan.





Kahit lito ay 'di nalang ako nagtanong kung saan kami pupunta. Though, I have an idea at the back of my mind but I ignored it. No way.





"So he saw us. He's good at timing when he caught me huh." Bulong ko kay Yves.





"I told you, he's a prince charming." sagot niya.





"'Yung kotseng papadating kanina? Siya 'yun." Dagdag niya.







I know. He told me. I want to say but I didn't.



Nanahimik nalang ako at pinanood nalang ang mga sasakyang dumadaan sa labas.






Lutang ako buong biyahe. Hindi na nga ako nag-isip ng kung ano-ano at hinayaan nalang ang desisyon ni Yves. I'm too tired to even think. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa pamilyar na daanan.






Nilingon ko si Yves at nadatnan kong nakatingin din siya sa'kin.
Hindi ako nagtanong ngunit nag-antay ako ng sagot sa kaniya. She sighed heavily.






"I have no choice. Just let me make this decision for now and by the way, nasabi mo na ba sa parents mo ang nangyari? I didn't call them kasi baka magalit ka." Aniya ngunit tinitigan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa kalsada hanggang sa unti-unting tumigil ang sasakyan at napansin kong nasa basement na kami ng building ng condo ni Peace.





Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon