Chapter 1

2 0 0
                                    

Chapter 1

Lost



"Ate..." Tawag ko sa kapatid kong may isang oras na yatang umiiyak.




"Hayop siya! Magsama silang mga hayop sila! Mamatay na siya!" Sigaw niya sa basag na boses at humagulhol ng iyak. Nag-buntong hininga ako at umiling nalang.




She's crying because she caught her boyfriend cheating with our cousin. Yes, our cousin. Bitch.




"'Yan! Sinabi na kasing 'wag mag-boyfriend, hindi nakikinig! Tapos ngayon iiyak-iyak, kaya ikaw Zen, hanggat nag-aaral, 'wag muna." Litanya ni Mama habang iiling-iling.





Gabi gabi, naririnig ko ang iyak ng kapatid ko. Ilang araw rin siyang walang gana at lutang. Madalas matulala at 'di makausap ng tama, minsan nga iniisip ko na nababaliw na siya. I can't blame her though, four years of relationship, end up like that is a bull. I just don't understand, dapat ay magsaya siya dahil pinakawalan na niya ang gago, its the guy who should suffer, not her.




Nang makalipas ang isang buwan, naging maayos na naman siya, pero hindi na kagaya ng dati, she changed.





'Isang lalaki, nagpatiwakal umano dahil iniwan ng kasintahan'





Sabi ng reporter habang nanonood ako isang araw. Umiling ako at pinatay ang TV. Nagkulong nalang ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang gitara at nag-strum, sinubukan kong libangin ang sarili ko sa paggigitara ngunit mababaliw ako dahil hindi matahimik ang utak ko dahil sa mga tanong na hindi ko rin naman alam ang mga sagot.





Binitawan ko ang gitara at humiga nalang sa aking kama. I stared at the ceiling for like hours, thinking about something I don't even know why I'm thinking.




How does it feel to love? I thought, its all positive things, happiness, care, and all. Then why do people cry because of that? Is that really hurts that bad? To the point that you will just hurt or kill yourself just to end the pain?   Hindi ko maintindihan. Then it's scary huh. To love someone because they might hurt you or worse destroy you.





Humiga ako sa sun lounger at kinuha ang fresh buko sa tabi ko. Umihip ang malakas na hangin kaya sumabog ang buhok ko. Tanaw ko sa 'di kalayuan si Yves na naglalangoy sa kulay asul na dagat.





Ayoko pang lumangoy dahil masakit pa sa balat ang init ng araw. Huling araw na ito ng isang linggong bakasyon namin ng pamilya ni Yves sa isang sikat na beach resort dito sa Palawan. Lulubus-lubusin ko na dahil sa isang araw, balik na naman kami ni Yves sa Maynila para sa aming pag-aaral. We're from the Province of Laguna, kaya nag-do'dorm lang kami ni Yves.




"Too deep." Tulala ako sa kalawakan ng dagat kaya 'di ko napansin ang pagdating ni Yves. Hindi ko pinansin ang sinabi niya ngunit napalingon ako nang mag-buntong hininga siya.




"What?" Kunot-noo kong tanong.



"Pagkatapos nito, siguradong mamamatay na tayo." Tumawa siya. Umiling nalang ako habang nakangiti. Yes, we'll die, Civil Engineering is kinda tough.





"Two years nalang. Ang bilis." I said.




"Yeah, third year college na agad tayo."




Kinalkal ko ang bag kong nasa buhanginan para kunin ang librong dala ko. It's my hobby, to take books wherever I go. Reading fictional books takes me to a new world.





Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon