Chapter 8

2 0 0
                                    

Chapter 8

Problem

"Zen? Are you okay?" Tanong ni Yves mula sa likod ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko at lumingon sa kaniya.

"I'm going home, Yves." I said.

"Yes, we will, bukas nang umaga."

"No, I'm going home. Right. Now."

"Bakit? Gabing-gabi na ah? Bukas nalang"

"Tumawag si Ate Cleo, I need to go home, may problema yata sa bahay." Ilang sandali lang niya 'kong tinitigan bago tumango.

"Okay, sasama na 'ko." Aniya at nagmadali ng pumunta sa kwarto.

Hindi ko na rin binalikan ang pagkain ko at naghanda nalang para makaalis na. Sabay lang kaming lumabas ni Yves ng kwarto at handa ng umalis. Kumunot ang noo ni Peace nang makita kaming dalawa.

"You did not finished your food." Baling niya sa'kin.

"I need to go home, Peace. Tumawag ang Ate ko." Paliwanag ko. Gaya ni Yves, ilang segundo muna niya 'kong tinitigan bago tumango.

"I'll drive you home." He said.

"If that's what you want." I answered. Mabilis siyang tumango at sumenyas na mag-aayos lang. Nagtungo siya sa kwarto niya.

Mabilis lang siyang natapos at agad naman kaming nakaalis. Sa biyahe, pare-pareho kaming walang imik kaya nakakabingi ang katahimikan at ang tanging maririnig lang ay ang radio na mahinang tumutugtog. Nakatanaw ako sa labas at sunod-sunod na napapabuntong hininga dahil sa hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.

"What happened?" Binasag ni Yves ang katahimikan.

"I don't know. Tumawag lang si Ate Cleo at sinabing sa General Hospital ako dumeretso." Sagot ko.

"Sinong na-ospital? Oh my god." Aniya pero nanatili nalang akong tahimik. Pinagmasdan ko naman si Peace nang may ginalaw siya sa GPS.

"General Hospital, Zen?" Si Peace. Mahina naman akong tumugon.

"Thanks, Peace." Usal ko at agad na bumaba ng sasakyan. Nagmamadali akong pumasok ng hospital.

"Miss? Saan ang room ni Cleosiah Victoria Sia?" Tanong ko sa information desk. Naghanap naman siya sa log book.

"Ma'am, wala pong Cleosiah Sia, ang nandito lang po ay si Patricia Sia."

Si Mama...

"Saang room Miss!?" Aligagang tanong ko.

"Room 206, 2nd floor, Ma'am."

"Thank you,"

Nagmamadali kong hinanap ang kwarto at 'di naman ako nahirapan. What the hell happened to you, Mama? Shit...

'Di na 'ko nag-abalang kumatok at basta ko nalang pabagsak na binuksan ang pinto.

"Zen!" Gulat na usal ng mga naroon. Ang mga kapatid ko at si Dada.

"Mama!" Tawag ko at nagmamadaling lumapit sa hospital bed niya. Natutulog siya at may dextrose.

"What happened to Mama, Ate Cleo? Ate Danie? Dada?" Nag-aalala kong tanong, hindi inaalis ang tingin kay Mama.

"Stressed daw sabi ng doctor, tumaas ang dugo kaya inatake. Don't worry, Zen, she's okay now. Pahinga lang ang kailangan." Paliwanag ni Ate Danie.

"She collapsed, hindi namin alam kung bakit siya na-stress, okay naman kaming lahat sa bahay." Dagdag pa ni Ate Cleo.

Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lang si Mama. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay iyon sa pisngi ko. Pumikit ako at nagdasal sa Diyos na sana okay lang ang Mama ko. Maya-maya dumating ang doktor, sinabi niya ang mga bawal kay Mama at nagbigay ng mga reseta, okay naman na daw si Mama kaya pwede na siyang i-discharge. Gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papano. Inasikaso na ni Ate ang mga papers para makalabas na si Mama, lumabas naman ako para tawagan ang driver namin at magpasundo.

Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon