Chapter 14

8 0 0
                                    

Chapter 14

Terrified

Tulala ako sa kwarto ko habang nakatingin sa cellphone kong may message ni Mave.

Mave:
I'll fetch you tonight, 6pm. Thanks, Zen.

Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa katangahan ko. Why did I agree to this, anyway? At anong sasabihin ko? Masakit ang tiyan ko? May lbm ako? May lakad ako? Shit?

Tumayo nalang ako at nag-desisyon na 'wag siyang indianin. Just tonight, wala naman sigurong masama d'on. I took a light shower. I wore my beige lace shift dress, and paired it with my closed toe three inches heels.

Nag-ayos ako ng mukha at hinayaang nakalugay ang buhok ko. Nang marinig ko ang sasakyan sa labas, lumabas na'ko ng apartment pero nang makalabas ako, parang gusto kong pumasok ulit dahil si Peace pala ang dumating. If he's looking for Yves, Yves is not around, she's in the market for groceries.

Naglakad na siya palapit sa apartment at madilim ang mukha niya. Nilagpasan ko lang siya at thanks for Mave dahil sakto namang dumating siya. Hindi ko na nilingon si Peace. Lumabas si Mave sa sasakyan niya at pinag-buksan ako ng pinto sa front seat.

"Thanks." Ngiti ko.

Ngumiti rin siya at pumunta na sa driver's seat. Nagsimula ng umandar ang sasakyan. Medyo close kami ni Mave kaya hindi naman naging awkward ang biyahe.

"Si Peace 'yung nakita ko 'di ba? What is he doing in your place?" He suddenly ask.

"I don't know, maybe for Yves?" Sagot ko.

"I really thought you two were together, he's sweet to you, he's like your boyfriend." Aniya habang tumatawa at naiiling. Hindi ako naka-imik.

"He's usually sweet. Ganun din siya kay Maia." Sinabi ko nalang, napatingin naman siya sa'kin kaya yumuko ako. Pakiramdam ko mali 'yung sinabi ko.

"He's harsh to Maia, and snob to other girls." He said. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil parang may nagdiwang sa loob ko.

"Ah." Tangi kong nasambit. Naging tahimik muli ang sasakyan.

Maya-maya, napansin kong tingin siya nang tingin sa side mirror. Lilingon na sana ako pero bigla siyang lumiko. Binilisan niya rin ang patakbo at lumiko kung saan saan. Nilingon ko ang likod pero wala naman kaming kasunod, bumagal na ang patakbo niya at bumalik na kami sa Highway.

Halos kalahating oras ang naging biyahe. Agad kong binuksan ang pinto para 'di na niya 'ko pagbuksan.

"I wanna close it again and open it for you." He chuckled. Umiling nalang ako habang nakangiti.

Iginiya niya 'ko papasok ng isang building, sumakay pa kami sa elevator bago marating ang isang fine dining Italian restaurant. Sinalubong kami ng isang waitress pagkapasok namin.

"Mave Andrada Velasco, Sir? Here's your reservation." Nakangiting saad nung waitress at itinuro ang table sa pinaka dulo na overlooking ang citylights. Pinaghila ako ni Mave ng upuan bago siya umupo.

I roamed me eyes around, The ambiance is so romantic, formal ang mga tao, nagpapasalamat naman ako at bumagay ang suot kong damit. Maya-maya, dumating na ang dalawang waiter na may dalang appetizer at juice.

Nag-usap lang kami habang kumakain tungkol sa kung ano-anong bagay.

"Ilan na naging boyfriend mo?" Bigla niyang tanong habang kumakain kami ng main course.

"Wala." Sagot ko. Natawa siya at umiling.

"Hindi ako naniniwala, sa ganda mong 'yan wala? Impossible." Sabi niya at iiling-iling. Lumang banat na yan.

Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon