Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 9

Separate

Linggo ng umaga nang magising ako sa ring ng phone ko dahil sa isang tawag.

"Hello?" Sinagot ko iyon nang hindi tinitignan kung sino. Inaantok pa 'ko at hindi pa masyadong nagigising ang tulog kong diwa.

"Hija, Zen, Si Ate Mei ito!" Bigla akong napabangon nang marinig ang masiglang boses ni Ate Mei sa kabilang linya. Oh...

"Ah opo, Ate," sagot ko at kinusot-kusot ang mata. Bumangon ako at tumingin sa gilid ko kung saan naroon si Yves at mahimbing pa ring natutulog.

"Hija, may available ng kwarto para sa inyo ni Yves, umalis kagabi 'yung isa sa mga dormers namen, e' dalawa naman 'yung kama kaya puwede kayong dalawa ni Yves doon." Aniya sa masayang tinig.

Hindi ako nagsalita o sabihin nalang natin na natahimik ako sa hindi malamang dahilan. I should be happy! May matutuluyan na kami ni Yves, tatlong linggo na rin kami dito sa condo ni Peace, nakakahiya na. So I should be grateful right? Then why does it feel the opposite?

"Hija? Zen? Nandyan ka pa?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Ate Mei sa kabilang linya.

"Ah opo opo, Ate, so kelan po kami puwedeng lumipat?" Tanong ko nang makabawi.

"Mamaya din, Hija ay pupuwede na kayong maglipat. Ihahanda ko na ang kwarto at iintayin nalang kayo, ano?"

"Okay po. Mamaya..."

"Oh siya sige, ibababa ko na at madami pa 'kong gagawin ha?"

"Sige po, Ate. Salamat po." I said and hung up.

I'm happy. Yes, I'm happy! Of course, may malilipatan na kami ni Yves, sa wakas! Maybe I just feel down right now because Ate Mei disturbed me from my sleep. Yes, that was kinda annoying that's why I feel annoyed today. Okay...So why the hell am I convincing myself? This is insane lol.

Tuluyan na 'kong tumayo at nagtungo sa banyo. Naligo ako at paglabas ko ng banyo ay nagkukusot na ng mata si Yves. Kumunot ang noo niya sa'kin.

"Ba't ang aga mo?" Takhang tanong niya. I shrugs.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na 'ko ng kwarto. Tulog pa rin si Peace kaya ako na ang nagluto. Madami akong niluto, this is our last day together so it should be unforgettable.
Pagkatapos kong magluto ay inayos ko lang ang dining table at kinuha ang phone ko. Tinawagan ko ang kapatid ko at nangumusta. Maayos na naman daw sa bahay, Mama and Dada were doing fine. Naayos na ang mga dapat ayusin and that lighten up my mood. Nawala ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko pagkatapos kong makausap ang kapatid ko. Thanks God.

Nang lumabas si Yves sa kwarto ay dumeretso siya sa kusina, mga ilang minuto lang din ay lumabas na rin si Peace.

"Good Morning." Si Peace habang pinupunasan ng towel ang buhok niyang tumutulo pa.

"Morning," sabay naming sagot ni Yves.

Tumawa si Peace nang makita ang mga pagkain sa lamesa.

"Any occasion?" Tanong niya at umupo na sa madalas niyang upuan. Umiling lang ako.

"Anong meron, Zen?" Naguguluhang tanong ni Yves habang nakatingin sa mga pagkain.

Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa kanila. I suddenly feel sad for a moment when I recall the reason of this. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"This day must be memorable," I paused. Nakatingin lang sila sa 'kin at iniintay ang sunod kong sasabihin. But I decided not to tell them yet. Mamaya na.

Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon