Chapter 4

2 0 0
                                    

Chapter 4

Girlfriend

"Oh my god! First day of school na talaga! Third year na tayo, Zen!" Sigaw ni Yves habang naglalakad kami papasok ng campus.




Umirap lang ako sa kawalan at nauna ng maglakad sa kaniya. Hindi naman kami classmates sa first subject kaya't humiwalay na ako sa kaniya.





"Zen!" I heard her call my name a couple of times but I ignored her. Kumaway lang ako habang nakatalikod at tinahak na ang building papunta sa first subject ko.




My first day went smooth and fine. May mga kakilala na naman ako kaya hindi na mahirap mag-adjust ngayon kahit first day pa.




Napagdesisyunan namin ni Yves na magkita sa tapat ng AgriBiz building para lakarin nalang namin ang daan papuntang condo ni Peace.




"Ang sama tignan, 'no?" Baling ko kay Yves habang naglalakad kami. Nagtaas siya ng kilay as if asking 'What?'





"We're living in a same roof with a...stranger." Dugtong ko at nakita ko lang ang pag-irap niya.




"Who knows we're strangers, unless you tell everyone. And we're not strangers anymore, duh!" Kibit balikat niya.




"Kahit na, e' kung friend naman, pangit pa rin tignan coz he's a guy. Kelan lang natin siya nakilala..." Giit ko.





"Nah. Malicious ka lang talaga. And I don't really care about what other's think, I mean..This is our goddam life, they shouldn't give a shit." Aniya. Hindi nalang ako nakipagtalo, it's no use anyway.





Nang makarating kami sa may ground floor ng building ng condo ni Peace, Hindi muna kami umakyat. We roamed around the building. May one-stop don, gym, pool, at restaurant.





"Sa second sem, lilipat na tayo. Nakausap ko 'yung May-ari nung dorm malapit lang sa school na 'pag may umalis, reserved na para sa'tin." Sabi ko kay Yves habang nasa elevator kami. Hindi siya umimik.





Pagdating sa condo, naamoy ko agad ang mabangong ulam. He's here then. Dumeretso kami ni Yves sa kwarto para mag-bihis. Tahimik kaming dalawa hanggang sa lumabas sa kwarto at nagtungo sa dining area, and there I saw him preparing the plates for us.




"Hey." I greeted and he greeted back too.





I sit on my usual seat. Six seater ang dining table. Yves sat beside me and Peace is in front of me.






"Tomorrow, I'll cook." Sabi ko sabay tingin kay Peace. Ngumiti siya at tumango and then we started to eat, nilagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko at si Yves nag-sandok ng kanya. I didn't mind tho.





"Yves don't know how to cook, kaya alternate nalang tayong dalawa." I added.





"Tss. You don't have to tell him!" Angil ni Yves sa'kin. Peace chuckled. Pinag-taasan ko naman ng kilay si Yves, and I mouthed, 'Why?'





"Huh?" Takhang tanong niya at umiling ako.





"Why won't I tell him?" I asked. I'm bored, and I want to trip her.





"Huh? Natural! Nakakahiya kaya!" Sabi niya at umirap pa, binalingan ko si Peace, umiiling siya habang natatawa.




"This is so unusual thing, ikaw mahihiya? Maybe you like him, he's your crush?" I asked in a curious tone like it's just a normal question tapos uminom ako ng tubig.





Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon