Chapter 13

0 0 0
                                    

Chapter 13

Snob

"Bye, Peace! Thanks for the ride!" Pahabol na sigaw ni Yves at humarurot na ang sasakyan ni Peace.

Pamula pa kanina nang umalis kami sa condo niya, wala na'kong imik. I am so preoccupied, hindi mawala sa isip ko 'yung pinag-usapan namin and everytime I think of it, naiinis ako sa sarili ko. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at binuksan na ang gate ng bahay namin.

"Ma, Da, Ate! Nandito na po ako!" Sigaw ko at mabilis naman silang naglabasan sa mga kwarto nila.

Nagmano ako kay Mama at Dada. Niyakap ko naman si Ate.

"Tita, dito po ako matutulog." Dinig kong masiglang sabi ni Yves, sumang-ayon naman si Mama.

Nagtaka ako kung bakit dito siya matutulog pero binaliwala ko nalang.

"Ma, tataas na 'ko. Pagod sa biyahe 'e." Sabi ko at umakyat na at nagtungo sa kwarto ko.

"Ba't parang matamlay si Zen? May nangyari ba Yves?"

"Ah! Wala po, pagod lang po 'yan. Sige po, Tita, sundan ko na ho."

Dinig kong usapan nila bago ako pumasok ng kwarto ko. Sinaraduhan ko ang pinto at humiga. I stared at the ceiling.

Ilang minuto ang lumipas, dumating si Yves. Humiga siya sa tabi ko. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko na may gusto siyang sabihin. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

"That was a big blow." Aniya, nakatitig sa kisame. Hindi ako nagsalita.

"Zen, hindi ka naman bulag 'di ba? 'Di ka manhid at lalong 'di ka tanga." Mariin niyang sabi. Nanatili akong tahimik.

"You know he feels something for you...then you told him that you two were just friends." Nahihimigan ko ang inis sa tono niya. Ayoko nang makinig sa susunod pa niyang sasabihin, I wanna cover my ears. Hindi na nga ako makahinga, hindi ko alam kung bakit.

"Zen...sinaktan mo siya." Sambit niya.

"Action without words are confusing." I replied.

Gusto kong bumangon dahil sa paninikip ng dibdib ko pero 'di ko ginawa. Naramdaman ko na lang ang likidong dumadaloy sa pisngi ko. Why am I crying?

Kinagat ko ang labi ko sa takot na may makawalang hikbi at malaman pa ni Yves na umiiyak ako. Tatanungin niya lang ako kung bakit ako umiiyak. Hell. Kahit ako hindi ko alam, I don't even wanna know why.

Nang hindi ko na nakayanan, nakawala ang impit na hikbi ko kaya tinutop ko ang bibig ko. Mabilis namang bumangon si Yves at tinignan ako. I covered my face with both of my hands at umiyak.

"Oh...my...god" Dinig kong bulong niya.

"Zen, I-i'm sorry. Hindi ko alam na iiyak ka, I'm just–I'm just telling you na 'wag mo siyang paasahin. I know that you're not ready for that, and I understand...I just...I just" Hindi na niya alam ang sasabihin niya, at halatang natataranta na siya. Lalo namang lumakas ang iyak ko.

"Shit!" Aniya at niyakap nalang ako.

"Hindi ko siya pinapaasa, You know that, Yves... Yes he shows that he likes me but did he say it? Even once? No." I said even my voice are already shaking.

She will be furious of course, this is the first time she saw me cry. I don't cry in front of anyone.

"I'm sorry, Zen...I'm sorry!"

"I am hurting, Yves...I don't know why...I don't wanna know why! I hate this! I fucking hate this!" Garalgal ang boses ko habang nagsasalita. Hindi siya nagsalita, hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya hanggang sa kumalma ako.

Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon