Chapter 2

3 0 0
                                    

Chapter 2

Peace



I'm doomed. I don't know what to do. Kasalanan 'to lahat ni Yves e'! Ang sabi ko kase dapat bakasyon pa lang, nag-pa-reserve na kami sa dorm pero niyaya niya pa 'ko sa lintek na bakasyon na 'yun!





"What now, Zen?" Tanong sa'kin ni Yves. Nakaupo kami dito sa sidewalk malapit sa Teacher's village, may dalang maleta at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Dala ko pa ang gitara ko.





"I don't know..." Mahina kong sagot. I don't wanna blame her really. Pero 'pag kasi ganito na, sa isang araw na ang first day e' gusto ko nalang manakal.





"E' kung uwian ka—" Before she could continue what she's about to say, I cut her off.





"UWIAN?! WHAT THE HELL, YVES? 3 TO 4 HOURS, YVES! TAPOS UWIAN? Patatlong taon na naten dito tapos uwian!?" Angil ko sa kaniya. Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha dahil sa nararamdamang inis. Ilang sandali siyang nanahimik hanggang sa magsalita muli.





"Bumalik kaya muna tayo sa campus? Hingi tayo ng tulong." Aniya at humikab pa. Kanina pa kami palakad-lakad at tanong nang tanong kung saan pa may bakanteng apartment o dorm pero puro full na.





Tumango nalang ako at tumayo saka pumara ng sasakyan. Pagdating sa campus, umupo muna ako sa isang bench d'on para magpahinga. Sumasakit ang ulo ko.





"Let's go." Yaya ko kay Yves at tumayo na. Tamad din siyang tumayo at naglakad. Pumunta kami sa office ng kilala naming dean.




"Maraming condo units na malapit dito, 'yun nga lang hija medyo may kamahalan, siguro magkakaroon ng available rooms sa teacher's village sa next semester pa." Yan ang sagot sa'min ng dean nang magtanong kami sa kaniya. Pagod akong ngumiti sa kaniya at tumango.





"Thank you po, Mrs. Argana. Maghahanap na lang po kami." Sambit ko at tumango siya. Nagpaalam na kami ni Yves at lumabas na sa office niya. I'm exhausted.





"Kasalanan mo 'to e'!" Pagmamaktol ko kay Yves at mabilis na nag-martsa palabas ng building. Hinabol niya 'ko.




"Hoy, hoy, Zen walang sisihan! Excuse me ha, sa pagkakatanda ko, nag-enjoy ka naman sa bakasyon." She said but I just rolled my eyes. I know,  I just really want to blame someone because I'm really really exhausted right now as hell.





"Just shut...the hell up." Madiin kong sabi sa kaniya. Alas quatro na at saan kami pupulutin? Baka matulog kami sa kalsada ng bruhang 'to.





Bumalik kami sa bench na inupuan namin kanina.




"Akala ko ba maghahanap tayo, Zen?" Tanong ni Yves, umiling ako.





"It's useless, buong araw na tayong naghahanap, may nakita tayo? Wala. Naghanap na rin tayo kahapon pagkadating natin kahit walang pahinga but we found nothing. Dammit." Sagot ko at sumandal sa bench na inuupuan saka ipinikit ang mata. Ni hindi pa nga nagsisimula ang klase, stress na stress na 'ko.




Ilang minuto akong nakapikit hanggang sa magpasyang dumilat. Tumunganga ako sa paligid.





"Haaay. Sana dumating ang prince charming ko para iligtas tayo. Maggagabi na oh." Inirapan ko si Yves nang bigla siyang nagsalita. Kaka-break lang nila nung ex niya, naghahanap na naman ng bago.





"Alam mo na-iimagine kong kahihinatnan natin mamaya?" Tanong ko sa kaniya. Bumaling siya sa'kin at nag-antay sa sasabihin ko.





Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon