Chapter 6

1 0 0
                                    

Chapter 6

Blessiah

Hinila ko ang kumot ko para itaklob sa mukha kong nasisinagan ng araw mula sa bintana. Tanghali na pero kulang na kulang parin ako sa tulog. Ewan ko ba pero halos 'di ako nakatulog kagabi.

"Kuyaaaaa!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang matinis na boses ng isang batang babae sa labas. Kumunot ang noo ko at napilitang bumangon.

"Peace," Dinig ko naman ang boses ng isa pang babae.

"Ate, Love," Tinig ni Peace.

Okay? What would I do now? That must be his sisters.

Tumayo na'ko at may nakitang note sa bedside table.

Hindi na kita ginising, you look stressed x -Yves

Inilapag ko ang note sa mesa at nakitang Quarter to 9 na. Pumasok na 'ko sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo, umupo muna ako sa kama  hindi malaman kung lalabas ba o ano.

Paikot-ikot na 'ko sa labas ng pinto dahil hindi ko alam kung lalabas ako. Naririnig ko parin ang boses ng dalawang kapatid niya.

"Engineering stuffs 'to, right?" Boses ng Ate ni Peace. Nanlaki ang mata ko at naalala ang mga gamit kong hindi ko naligpit kagabi.

"Yeah." Peace said in a bored tone.

"Kanino?"

"Kay Blessiah." Lalong nanlaki ang mata ko, kilala ako ng Ate niya?

"Kuya! Kaya nga pala kami pumunta dito is because of her, We want to meet her!" Si Love, bunsong kapatid niya.

"What?" Iritadong tanong ni Peace.

"C'mon, umuwi na kayo, Ate? Please..." Dagdag pa niya.

"I just want to meet her, kasi kahit sinabi mong you just want to help them, I know that there's something with Ate Zen." -Love.

"Shut up." Si Peace.

"I'm gonna tell her, you like her if you won't wake her up." Banta ni Love.

"Fine!" Si Peace, iritado.

I heard three consecutive knocks on my door and for unknown reason, I panicked! What the hell?

"Blessiah? Blessiah? Are you awake? Let's eat, tanghali na." Malumanay na boses ni Peace.

Kinagat ko ang labi ko bago bumuntong hininga.

"What? Y-yeah, susunod ako." Sagot ko at nagpanggap pa na bagong gising ang boses. What the hell, Zen?

I tied my hair into a messy bun, tinignan kung maayos ba ang mukha ko at naglagay pa ng lipbalm. Ilang minuto akong nagpaikot-ikot sa kwarto bago lumabas. Nagulat naman ako dahil nakaabang 'yung batang babae na sa tingin ko'y si Love.

She tilted her head like she's examining my face. Maya-maya'y ngumiti ng pagkalawak.

"Stop that, Love." Saway ni Peace. Hindi niya pinansin ang kapatid, bagkus iniabot sa'kin ang kamay.

"I'm Peace Sardonyx' youngest sister, Lovelle Amethyst Velania." Naiilang ko namang inabot ang kamay niya at ngumiti.

Tumayo naman ang panganay na kapatid ni Peace at lumapit sa'min.

"I'm her Ate, Divine Sapphire Velania." Aniya at inabot din ang kamay na mabilis ko namang kinuha. Ngumiti ako sa kanila bago bumaling kay Peace.

Hindi siya makatingin sa'kin,nakatungo lang at nakahawak sa sentido.

Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon