Chapter 10

2 0 0
                                    

Chapter 10

Can't help...

"Ang sakit naman sa ulo nito." Sabi ni Yves habang nakatunganga sa yellow paper na puno ng computations.

Nagbuntong hininga ako at hinilot ang sentido ko. Ang hirap na nga ng problem, mala-nobela pa ang solution. Ang sakit sa ulo. Kelan ba kami masasanay dito? Dalawang taon na na puro ganito ang ginagawa at sa awa ng Diyos, hindi naman kami bumabagsak. Medyo nanganib nga lang ako last year sa engineering drawing dahil hindi ko kaagad naipasa 'yong panghuling plate pero naayos ko naman.

"Ayoko na, naiiyak na 'ko..." Sabi ni Yves habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya. Tunay ngang nakakabaliw ang engineering...

"Magsagot ka nalang kasi." Sabi ko sa kaniya at ipinagpatuloy na ang pagsusulat ng nobelang ito este solution ng problem na ito.

Kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog. Sabi nila, mas nakakagana raw gumawa kapag may music, at sa tingin ko ay effective 'yon sa 'kin dahil wala pang thirty minutes ay natapos ko na ang sinasagutan ko. I sighed in relief, sobarang sarap sa pakiramdam nang makatapos ako. Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nilingon ko si Yves na tumatayo na rin at inaayos ang mga gamit niya. Tapos na rin siya!

Kinuha ko ang phone ko at pinatay na ang tugtog. Binasa ko ang mga messages na naroon, medyo madami na rin 'yon dahil halos dalawang araw ko nang 'di nagagamit ang phone ko sa sobrang dami ng ginagawa sa school. Mga pangungumusta lang nila Ate at iilang mga kaibigan. Isa isa ko iyong nireplayan. May mga message rin galing kay Peace na agad kong binasa.

Peace:
Such a busy person. Haha!

Peace:
Nakakalungkot sa bahay, ang tahimik.

Peace:
I miss you.

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiting pilit kumakawala sa labi ko. Nagsimula na naman sa pagtambol ang walanghiya kong dibdib. Ano bang irereply ko dito?

Dalawang linggo na simula nung lumipat kami dito sa dorm. Tuwing umaga ay dadating si Peace para sabay-sabay na kami sa school, at tuwing hapon ay iniintay niya rin kami ni Yves para ihatid dito sa dorm. Halos hindi rin kami magpangita sa campus dahil magkaiba naman ng building at schedules. Wala ng oras sa bonding at focus muna sa pag-aaral kaya hanga rin ako kay Peace at nagagawa pa niyang mag-text. Graduating siya, kaya malamang ay madami rin iyong ginagawa. Baka nga mas busy pa at madami silang pinupuntahang sites.

Tumunog muli ang phone dahil sa isang text message galing kay Peace.

Peace:
Open the door.

Kumunot ang noo ko at biglang may kumatok. Oh he's here...

Tinignan ko ang suot kong pajamas at inayos ang buhok, I suddenly feel conscious. What the hell. Pagbaling ko kay Yves na nakadapa sa kama niya ay nakakunot ang noo niya sa 'kin.

"May inaasahang bisita?" Tanong niya pero nag-iwas lang ako ng tingin at tumingin sa pinto.

"Ikaw na ang magbukas." Utos ko sa kaniya at umayos ng pagkakahiga. Bumalik nalang ako sa pag-se'cellphone na kunwari ay walang pakialam. Ba't kasi may pagpunta pa si Peace e' maggagabi na.

Bumango na si Yves at binuksan ang pinto. Nang makita niya ang tao roon ay pinapasok niya at tumingin sa 'kin habang nakangisi. Hindi ko siya pinansin at kung ano ano nang ginawa ko sa cellphone ko para lang may gawin.

"Kaya pala..." Bulong bulong ni Yves habang natatawa.

"Miss kana ni, Zen, Peace!" Bungad ni Yves at 'di ko pa rin pinansin. Mahigpit na ang hawak ko sa phone ko dahil gusto ko na itong ibato sa kaniya. Bwiset na babaeng 'to.

Ineluctable CordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon