"Okay ka lang ba talaga girl?" tanong ulit sa akin ni Aphrodite. Nakailang tanong na siya sa akin niyan, siguro magsasampu na, hindi pa rin siya nagsasawa. Nandito na nga pala kami sa condo, umakyat na kami after nu'ng incident kanina.
"Okay lang ako, thanks to you." I finally decided to answer her question.
Niyakap naman niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya pabalik. Now this is more comfortable than a fluffy bed. We may not be blood related but at least, tinuturing namin ang isa't-isa bilang isang kapatid. We've been together since we were kids and I think kamatayan nalang ang makakapaghiwalay sa'min. Pero wag muna, sayang naman ang beauty ko kapag nagkataon. Mababawasan nanaman ng maganda sa mundo.
"Kain tayo. Hindi pa ako nag-aalmusal at nanananghalian. Du'n na tayo mag-kwentuhan sa kusina." sabi ko sa kanya pagkatapos namin magyakap.
"Sige, nagugutom na rin ako, hindi pa ako kumakain simula nu'ng umatake 'yung mga 'yun sa school. Buti nalang talaga at nakaligtas ako." sabi niya. Ngayon gulong-gulo na talaga ako. Ano ba talaga 'yun? Kanina pa lutang ang isip ko dahil sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari dito sa siyudad ng Atenas.
Dumiretso na kami sa kusina para magluto ng makakain namin. Kahit noodles lang, keribells na, wag nang maginarte.
Habang nagpapakulo ako ng tubig, naisip ko nanaman 'yung scenarios kanina sa labas. Lalo na nu'ng pinalo ni Aphrodite ng baseball bat sa ulo si Manong Guard. Ew, just, ew. Pano ba naman labas 'yung utak at umaagos 'yung dugo, ew talaga.
Nilagay ko na 'yung kumukulong tubig sa dalawang cup noodles. Then, pumunta na ako du'n sa lamesa kung nasan si Aphrodite at mukhang balisa habang nakatingin sa cellphone niya. Okay, mukhang seryoso talaga ang sitwasyon ngayon, kung hindi kasi, tatawanan lang niya 'to.
"Girl, ito na oh. Kumain muna tayo ta's ikwento mo sa'kin kung ano ba talagang nangyayari." sabi ko sa kanya sabay higop sa sabaw ng noodles. Gutom na gutom na ko 'no!
"Cas, sa totoo lang hindi ko alam ang nangyayari. Basta may mga weird na bagay nalang na nangyari habang nasa school ako. Si Venus kasi kanina, habang nagkaklase si Ma'am, biglang sumuka ng dugo. As in dugo! Tapos ang putla-putla pa niya kanina. Edi ayun, pinahatid na siya ni Ma'am, pero guess what?" pagkukwento niya sa'kin.
"She bit Ma'am Santiago on her neck." walang kagatul-gatol na sabi niya sa'kin. What the hell?
"What?! But why? What the heck is happening?!" naguguluhan na talaga ko. Feeling ko anytime sasabog na 'yung utak ko.
"I don't know! Nu'ng kinagat ni Venus si Ma'am, nagkagulo. 'Yung iba nagsigawan, nagiyakan, naguunahan palabas, ta's yung iba, hindi pa rin maka-react sa mga nangyayari. Nakaupo lang habang shocked pa rin. Kasama ako dun. Hindi ko alam ang gagawin. Pero natauhan ako nu'ng may inatake nanaman si Venus. Isa nating kaklase, 'yung nerd. Jusko muntik na kong masuka kasi nginunguya niya talaga 'yung laman at balat nu'ng nerd. So lalong nagkagulo, 'yung iba tumalon na ng bintana sa sobrang frustation. Tapos nakita ko 'yung magkakambal na sina Castor at Pollux, du'n sila dumaan sa fire exit, nakalimutan na ata nu'ng iba 'yung daan na 'to sa sobrang panic nila. Edi 'yun, tinawag ko sila. Sabi ko antayin ako. Inantay naman nila ko." huminto siya sandali para humigop ng sabaw sa noodles niya.
Tumayo naman ako para kumuha ng tubig sa ref, pagbalik ko, sinisimot na niya 'yung laman ng cup noodles. Oh, great. With matching slurping sound pa! Feel na feel ng ate niyo.
"Oh uminom ka muna ng tubig dahil mukhang mahaba pa 'yang kwento mo." sabi ko sa kanya sabay abot ng isang basong tubig.
"Thank you, Cas."
"Anong thank you?! May bayad 'yan! Hahaha." natatawang sabi ko sa kanya, pero syempre joke lang 'yun.
"Bruhilda ka talaga." sabi niya sabay lagok sa tubig. Uhaw na uhaw naman 'tong babaitang 'to.
BINABASA MO ANG
The Apocalypse (HIATUS/EDITING)
HororWhat if one day, you found yourself surrounded by the undead? Would you freak out? Would you fight or flight? Sharpen your knives, load your guns, and get ready yourselves. It's kill or be killed. Because now, you're in the midst of THE APOCALYPSE.