Chapter 3

1.1K 36 11
                                    

Nagkatinginan kami ni Aphrodite, nangungusap ang mga mata namin. Bubuksan ba namin ang pinto o hindi?  Hindi pa rin tumitigil sa pagdamba sa pinto kung sino o ano man 'yung nasa labas.

Paulit-ulit niyang pinipihit 'yung seradura ng pinto, ta's pagkatapos niyang pihitin, kakampalagin niya 'yun. Sino ba 'to? Napaka-kulit ah. Jombagin kita eh.

"Sino 'yan?!" sigaw ko, dahil nasusura na ko.

Lumapit na ko sa tapat ng pinto, habang nasa likod ko naman si Aphrodite, mukhang takot na takot ang babaita. Akmang bubuksan ko na 'yung pinto nang may marinig kaming magsalita sa labas.

"Oy! Cassiopeia! Buksan niyo 'tong pinto!" sigaw nung nasa labas. Boses lalaki... hindi kaya 'yung magkakambal 'to?

"Oo! Teka!" sigaw ko pabalik at dali-daling binuksan 'yung pinto, bumungad sa'kin 'yung takot na takot na mukha ni... ay sino ba 'to sa magkakambal?

Pumasok siya sa loob sabay sara at lock ng pinto.

"Wait, sino ka ba sa dalawa? Castor o Pollux? At paano mo nahanap ang unit ko? Stalker ka 'no!" walang preno 'yung bibig ko, nakakaloka ha.
"Wait, wait lang. Pahingi muna ako ng tubig." pagod na pagod na sabi niya, parang hinahabol siya ng sampung kabayo ah.

"Dite, kuha mo nga ng tubig 'tong lalaking 'to." sabi ko kay Aphrodite.

Pero ang loka naman parang natuod sa pwesto niya. Nakatitig lang du'n sa lalaki, jusko na-in love ata!

"Huy! Kuha mo kako ng tubig 'to!" nilakasan ko ng konti 'yung boses ko para matauhan naman 'to. Lutang na lutang eh.

"Ah! Oo! Wait!" namumulang sabi niya at tumakbo na papunta sa kusina.

"May idea kami ng kakambal ko sa mga nangyayari." sabi niya.

"Tara, du'n tayo sa sala mag-usap."

Dumating naman agad si Aphrodite na may dalang isang baso at isang pitsel ng tubig. Umupo kaming tatlo sa sofa. Awkward silence...

"Si Castor ako, si Pollux naman dumiretso sa bahay." binasag ni Castor ang katahimikan.

"Wait, what do you mean by si Pollux, dumiretso sa bahay?" tanong ni Dite.

"Sinundan kita, nung humiwalay ka sa'min, sinundan kita kasi alam kong delikado." sabi ni Castor, kung hindi kinwento ni Aphrodite 'yung nangyari sa kanya kanina, siguro OP ako sa dalawang 'to.

"So, paano mo nalaman 'yung unit ko?" baka mamaya stalker ko 'to eh, hahabulin ko siya ng itak.

"Pumunta ako sa control room, tinignan ko 'yung mga footage ng CCTV cameras." sagot niya sa tanong ko.

Sabay naman kaming napa-oh ni Dite.

"You said earlier na alam mo 'yung mga nangyayari. Ano ba talagang namgyayari sa mga tao? Bakit ganun sila? Cannibal ba sila or what?" sunod na sunod na tanong ko sa kanya.

"We are in the midst of a zombie apocalypse." seryosong sabi niya sa'min.

Saglit na nagprocess sa utak namin 'yung nangyari, tapos nagkatinginan kami ni Aphrodite.

"What?!" sabay naming sabi.

"'Yung mga nakita niyong tao na parang wala sa katinuan at kinakain ang mga kapwa nila... they're infected by an unknown virus. Look, buksan niyo 'yung TV. Nang mapadaan ako kanina sa isang appliances store, nakita ko 'yung mga headlines ng news." sabi niya kaya tumayo ako para buksan 'yung TV.

Agad bumungad samin 'yung mga balita na may outbreak daw na nangyayari. Hangga't maaari daw ay manatili lang sa bahay, at i-lock ang mga pinto. Huwag daw lumapit sa mga infected people, zombies. What the fuck? Totoo ba 'to? Tapos, wag daw magpanic. Sinong hindi magpapanic kung muntik ka nang makain ng mga nilalang na 'yon?! Parating na daw 'yung tulong. Jusko kailan darating? Kapag patay na kaming lahat?

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon