A/N: Nagulat lang ako nung last UD ko saglit lang, ambilis dumami ng reads. xD Nagulat talaga ko. xD Siguro nainip kayo kakaantay sa UD no? HAHAHAHA! XD Nga pala, hindi ba masyadong korni 'tong kwento na 'to? Ako kasi nakokornihan eh. xD Dejowk lang. xD BTW, special mention. @superjelly siya po yung otor ng The XL Beauty na sikat na sikat na ngayon. Ms. Jelly, salamat talaga ah? Sa lahat lahat. isa ka din sa mga inspiration ko sa pag-gawa ng kwento na 'to. T^T Sana makabalik ka pa sa mundo ng wattpad. At maituloy mo po yung TXLB:DB.. Ingat po palage!
~~Play the video on the right side. When you're gone by Avril Lavigne. Kung di man kumasya sa yung kwento sa kanta, bagalan niyo nalang yung pagbasa. XD~~
Kylie's POV
Nagpapanic na sila Ate Avril at si Kuya Danielle. Si Kuya Dylan pinapalipad na 'tong kotse. Para na nga kong nasa rollercoaster eh. Nakagat kasi ng mga damuhong zombie na 'yun si Kuya Mark eh. Pati ako nagaalala syempre! Tinatalian ni Kuya Danielle ng sinturon si Kuya Mark dun sa pagkatapos ng part na nakagat siya.
Pero, parang, hindi na kami aabot eh. Makikita mo umuungol na ng malakas si Kuya Mark. Unti-unti nang nagiging kulay gray yung mata niya. Nawawala na yung kulay black sa mata niya. That means na..... kapag hindi pa kami umabot..... matutuluyan na siya.
"Mark! Mark! Kaya mo pa ba? Konting tiis na lang. Makakarating na tayo sa ospital..." maluha-luhang sambit ni Ate Avril kay Kuya Mark.
Lalo pang hinigpitan ni Kuya Danielle yung nasa braso niya.
Natatanaw na namin yung pinakamalapit na clinic dito sa siyudad. Hindi na kami pumunta sa ospital. Baka mapahamak pa kami lalo. Baka mas maraming zombies doon. Mas malaki yung ospital, ibig sabihin, mas malaki yung lilibutin namin para sa paghahanap ng gamot.
Dito nalang kami sa clinic bumaba, tutal, kumpleto naman lahat ng kagamitan dito.
Akay akay nina Kuya Danielle at Ate Avril si Kuya Mark papasok sa clinic. Si Kuya Dylan naman, binubuksan yung nakakandadong pinto. Naka-lock pa kasi tsaka naka kadena kaya mahirap buksan.
Kumuha siya ng malaking bato at pinukpok doon sa padlock, medyo nasisira na siya.
Lumingon ako kila Kuy Mark, nagsusuka na siya ng dugo ngayon. Medyo nagga-gray na din yung kulay ng balat niya tapos pitch gray na yung mata niya. Ganto pala yung transformation ng tao sa pagiging zombie.
All of us were filled with despair. Despair na pwedeng makapagpatumba samin. Despair na pwede kaming matalo kahit anong mangyari.
Pagkalingon ko kay Kuya Dylan nabuksan na niya yung pinto, naghahanap na siya nung higaan na pang emergency. Tinulungan ko na din siyang maghanap. Ayokong maging pabigat sa kanila. Ayokong maging sagabal sa kanila. Kahit sa murang edad kong ito. Marami na kong kayang gawin.
Kailangan naming matapos 'to dahil may misyon pa kong hindi pa natatapos. Ang paghahanap sa nawawala kong kapatid. Si Kyle.
Pero bago pa man kami makahanap ni Kuya Dylan ng higaan na pang-emergency...... nadinig na naming nagwawala na si Kuya Mark. Wala na talaga kaming pag-asa.
"Ate Avril!!! Ano nang nangyari?!" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo papunta sa kanila. Naramdaman ko namang nakasunod sakin si Kuya Dylan kaya hindi ko na siya tinawag.
"Si Mark... Si Mark... Wala na siya...." umiiyak na sambit sa'kin ni Ate Avril. Pagkalingon ko kay Kuya Mark, nakahandusay na siya sa sahig. Wala nang buhay. Pinukpok na siguro ni Kuya Danielle nung nagwala na siya.
"Avril.... tayong dalawa na lang ang natira sa magbabarkada. Yung promise natin na sabay-sabay tayong makakaligtas dito sa apocalypse na 'to.. kailangan natin matupad 'yon.... dahil parang dinisappoint na rin natin sila..." first time kong marinig magsalita si Kuya Dylan ng matagal. At ang madidinig ko pa yung may malamig at walang tonong boses. Hindi ko namalayan may tumulo na rin na luha mula sa mga mata ko.
"HINDI KO NA KAYA!!! BAKIT PA KASI NANGYARI 'TONG OUTBREAK NA 'TO??!! HIRAP NA HIRAP NA KO!!!!" humahagulgol na si Ate Avril habang binibigkas niya yung mga salitang 'yan. Kahit saglit ko lang nakasama si Kuya Mark parang ang gaan na ng kalooban ko sa kanya. Kaya siguro ramdam ko din yung mga salitang binibitawan ni Ate Avril...
"Ate Avril.... tama na..tahan na..." hinihimas ko yung likod niya para mahimasmasan naman siya kahit konti.
"Alam mo yung feeling na kailangan mong maging matatag para sa mga taong mahal mo? Yung tipong hindi mo na kayang mabuhay ng wala sila? Siguro this time, kailangan na naming magpakatatag para sa barkada. Siguro kung susuko kami ngayon, hindi sila magiging masaya dahil don. Ito yung pinakatatakutan ko sa lahat eh. Bago mag apocalypse nagpromise kami sa isa't-isa na walang anuman o walang sino man ang makakapaghiwalay sa'min..... Fear is not evil, it tells you what your weakness is. And once you know your weakness, you can be stronger as well kinder." lahat kami nakikinig lang kay Ate Avril. Walang nagsasalita ni isa sa'min.
"Tara na umalis na tayo." malamig na tugon ni Ate Avril sa'min. Sumunod naman kami sa kanya papunta sa kotse. Pero, tinakpan muna namin ng mahabang tela si Kuya Mark at dinasalan bago umalis.
Sumakay na kaming lahat sa kotse at pinaandar na namin ito. Lahat kami tahimik lang. Walang umiimik. Lahat kami pagod na. Lahat kami gutom at nauuhaw na.
"Dumaan muna tayo sa convenience store. Para makakain na rin tayo. Maggagabi na rin kasi. Mahihirapan na tayong maghanap ng pagkain lalo na't nagkalat na yung mga zombie sa labas kapag kumagat na yung dilim." sabi ni Kuya Danielle kay Kuya Dylan sabay turo doon sa daan papunta sa convenience store.
Sinunod naman ni Kuya Dylan yung daan na itinuro ni Kuya Danielle. Pagkaliko namin, nakita na agad namin yung convenience store na itinuturo ni Kuya Danielle. Malapit lang naman pala eh.
Bumaba na ulit kami sa kotse. Pero pagkabukas namin ng pinto, tumunog yung chimes na nagecho sa buong convenience store.
"Patay." yan nalang ang nasabi namin nang may makita kaming zombie na naglalakad papunta sa'min. Mga sampu siguro yung nagising. Nakahiga lang naman sila dyan kanina eh.
"Avril at Kylie, kayo na kumuha ng pagkain at tubig. Kami na bahala dito." mahinahong sabi sa'min ni Kuya Dylan habang inaayos yung baril niya. Sumunod naman kami at tumakbo papunta sa likod ng convenience store ng hindi gumagawa ng kahit na anumang ingay.
Kumuha kami ni Ate Avril ng basket na nakatabi malapit sa mga grocecies. Nagsimula na kaming maghakot ng mga pagkain. Mga biscuit, tinapay, chichirya, at yung mga delata. Kumuha din kami ng tubig. Halos maubos yung tinda nung convenience sa bandang dulo. Muntik na ngang malaglag yung mga dala namin.
Pagkarating namin dun isang zombie nalang ang natira at binaril na 'yun ni Kuya Dylan.
"Tara na." sabi ulit sa'min ni Kuya Dylan kaya sumunod na lang kami sa kami sa kanya.
Minsan naiiisip ko na..... ilan tao pa kaya ang mawawala sa'min? Ako kaya pag nawala.... anong mangyayari? Siguro kabayaran na 'to sa lahat ng mga nagawang nating kasalanan sa Diyos. Siguro nga ito na ang katapusan..... I feel so depressed. I feel so exhausted, lonely, I feel like I'm going to die at any moment. Pero paano nalang kung wala ako? Baka maapektuhan si Kyle. Hahanapin pa pala namin siya.....
A/N: Sorry wala munang masyadong patayan. XD Pasensya na. Next UD, puno ng patayan, magsawa kayo. XD

BINABASA MO ANG
The Apocalypse (HIATUS/EDITING)
HorrorWhat if one day, you found yourself surrounded by the undead? Would you freak out? Would you fight or flight? Sharpen your knives, load your guns, and get ready yourselves. It's kill or be killed. Because now, you're in the midst of THE APOCALYPSE.