XIV.Opposite Attidute

498 13 0
                                    

A/N: Dahil wala akong magawa dito sa loob ng kotse... MaguUD ako.. Hihi. © to Hiro Mashima kasi yung mga apelyido nila galing sa Fairy Tail.  Yung mga lugar din dito. Yung pandemonium na galing din sa Fairy Tail (Grand Magic Games arc.) Enjoy reading. Hahabaan ko na po. :3 Dahil hindi na masakit ang ulo ko. :)

Jiroh's POV

"Sino kayo?" tanong ko doon sa dalawang bata. Isang babae isang lalaki. Magkapatid siguro 'to.

"Ako si Kyle!" masiglang sigaw nung batang lalaki.

"Kylie." sabi nung babae then she rolled her eyes. Aba. Maldita 'to ah!.

"Liligtas niyo po ba kami?!" tanong naman ni Kyle then nag puppy eyes siya. Ang cute naman nila. ^_^

"Oo. Kaya nga kami hindi nagdalawang isip na pumunta dito eh. Teka. Nasan yung pagkain?" loko talaga 'tong Danielle na 'to eh. Naubos na nga yung pagkain namin kanina tapos ngayon pagkain na naman ang hinahanap? Sus. Antakaw.

"Aray!" sigaw niya nang kutusan ko siya. Nakakahiya naman sun sa dalawang bata. Mukhang naguguluhan kay Danielle.

"Bakit mo ko kinutusan?!"

"Kakaubos mo lang nung pagkain natin, pagkain na naman ang hanap mo?? Tsaka mahiya ka ng dyan sa dalawang bata!"

"Ah...eh... sorry! Hehe... ^^'"

"Mga bata pagpasensyahan niyo na si Kuya Danielle niyo ah? Ganyan lang talaga yan. Ako nga pala si Kuya Jiroh." sabi ko kay Kyle dahil siya yung pinakamalapit sa'kin. Yung isa nakaupo pa rin dun. Masungit siya ah. >.<

"Kuya Jiroh! Nandun yung pagkain sa mesa!! May tubig din dun!!" sigaw sa akin ni Kyle. Bibong bibo tong batang 'to oh!

"Sige. sige. Sama na kayo kay Kuya Danielle niyo! Punta na kayo dun sa mga ate niyo. Danielle! Mauna na kayo! Ako na bahala!" tumango naman siya bilang tugon. Bakit kaya mabait siya ngayon at sumusunod sa'kin?! XD

"Sige po!" sigaw ulit ni Kyle sakin habang yung Kylie naman naglalakad lang at cool na cool na para bang walang nangyayaring apocalypse.

Kinuha ko na yung mga pagkain. 2 paper bag yung mga canned goods,tinapay,tsaka kung ano-anong kukutkutin. XD 2 paper bags din sa mga tubig at iba pang beverages. Pero walang gamot. Hala. Baka mataas na ang lagnat ni Almyra.

Yung pagkamatay ni Xiaoyou? Masakit yun para sa'min pero hindi lang namin pinapahalata. Masakit mawalan ng kaibigan na nagsakripisyo para sa'min... Sa tingin ko si Almyra ang pinakanasaktan dahil pinakaclose niya 'to sa'ming lahat... Mangiyak ngiyak na nga sila ng kapatid niya nung narinig yung announcement eh. Pero kailangan naming lumaban. We need to be strong. Si dra...

Si Xiaoyou... dalawang buhay na ang nasayang dahil sa'min. Pero ginawa nila 'yun para pagpatuloy yung buhay namin. Salamat sa kanila. 

Yan yung mga katagang nasa utak ko habang naglalakad ako pabalik dun kila Almyra...

"Jiroh! Sobrang init na ni Ate Almyra" sigaw sa akin ni Althea pagkalabas ko dun. Agad akong tumakbo papunta kay Almyra at hinawakan ko ang kanyang noo. Napakainit na nga niya...

"Danielle! Basain niyo 'to!" sabay abot nung tela na nilagay ko sa noo ni Almyra na ngayo'y tuyo na. Kinuha naman niya kaagad yung tela at tumakbo papuntang lababo. Habang si Althea naman pabalik pabalik. Lakad ng lakad. Nakakahilo. Halatang di siya mapakali..

"Jiroh woh!" sabay hagis sakin nung tela. Hinilamusan ko yung mukha niya. Yung leeg niya. Paulit ulit ko lang yun ginawa.

"J-j-Jiro-oh..." salamat naman at nagising na siya. Pero mukhang masakit na masakit pa rin ang ulo niya.

"Wag mong pilitin ang sarili mo... Mahiga ka pa.. Magpahinga ka pa..." sabi ko sa kanya sabay halik sa noo niya. Hindi ko kayang makita si Almyra na nasasaktan. Hindi na. Yung mga bata naman nakahiga doon sa bed. Kasama si Scooby. Namiss niyo ba si Scooby? Sensya na di ko na namemention. XD

"Jiroh... Pulang-pula na ang mukha ni Almyra oh.." sabi ni Danielle dahil kumuha ako ng tubig para ipainom sa kanya. Nakakahiya naman kay Danielle na siya na lang lagi ang uutusan ko. Agad akong tumakbo sa sofa at binuhat siya na parang pang bride's? Ewan ko pero parang ang awkward. -_-

"Hoy Jiroh,hindi pa kayo ikakasal! XD"  matawa-tawang sambit ni Danielle sa'kin. Pag ito talaga nabusog, asahan mo! Madadala ko na 'to sa sementeryo. Condolence na lang. Binigyan ko naman siya ng death glare at ibinaba ko na siya sa kama.

"Ayos ka na ba?" bulong ko sa kanya... tumango naman siya bilang tugon sa tanong ko.

"Meron ba kayong gamot dyan? Paracetamol. Hindi bababa ang lagnat ni Almyra kung hihilamusan ko lang siya!!" tanong ko sa kanila pero biglang tumayo si Kylie at lumapit sa'kin. May dinukot siya sa bulsa siya at binigay sa'kin. Nakaplastic.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya giving her a confuse look.

"Paracetamol. Ano pa?" ay oo nga no? Suplada talaga 'tong batang 'to. Parang yung binabasa ko sa wattpad. Yung mataba pero maganda? Pero maldita? Ano nga ulit title 'nun? XD

"Salamat." bumalik na siya sa upuan nila ng kapatid niya.

"Almyra, oh. Uminom ka na para humupa na 'yang lagnat mo."  Kumuha ako ng tubig at iniabot na sa kanya yung gamot. Pinahiga ko muna siya. Gising na siya pero pinahiga ko pa ulit siya. Si Althea di pa rin mapakali. Parang balisang balisa. Bakit kaya?

"Althea? Bakit ba paikot-ikot ka? Ano bang nangyayari sa'yo? Parang mas balisa ka pa sa ate mo eh?" pagtatanong ko sa kanya. Pero patuloy siyang paikot-ikot sa buong kwarto namin. Hindi naman kami makaalis dahil nga ang taas ng lagnat ni Almyra.

"Kasi nangyari na 'to kay ate dati eh!! Hindi to normal na sakit o lagnat! Ate is cursed!" nagulat ako dun sa sinabi ng kapatid ni Almyra. I don't believe on that supernatural thingy. Kasi hindi naman kapani-paniwala. Si Danielle ang mahilig dyan. 

"A-anong c-cursed?" 

"Sinumpa si Ate!!"  pagkasabi niya 'non bigla na lang siyang umiyak. Buti at lumapit si Danielle para i comfort siya. Parang takot na takot siya dahil dito sa cursed na 'to. Bakit kaya?

"Bakit siya sinumpa? Napigilan niyo ba ito noon? Bakit 'to bumalik na naman ngayon?" sunod-sunod kong tanong sa kanya dahil nag-aalala na talaga ko kay Almyra.

"Napigilan na namin 'to noon. Pero isang napakagaling na mangagamot,ispiritista,astrologer lang ang nakapagpagaling sa kanya! Hindi ko pa alam kung bakit ito bumalik ulit. Cinurse si ate dahil sa matinding pagseselos! Hindi pa namin siya nakikilala hanggang ngayon! Hindi ko alam kung nakasurvive ba yung gumamot kay ate! Pano na 'yan!?"  naghihisterikal na sabi sa akin ni Althea sabay iyak ulit. Siguro matagal na 'tong nangyari. At may masamang nangyari dito dahil sa cursed cursed na 'to? 

"Wag kang mag-alala Althea, hahanapan natin ng solusyon yung sakit ng kapatid mo.." sabi namn ni Danielle kay Althea.

"Ahh.. Kuya JIroh? magiging ayos lang po ba si Ate Almyra?" tanong sa akin ni Kyle dahil mukhang nag-aalala pa rin siya.

"Magiging okay din siya, Kyle. Wag kang magalala."  nginitian ko namn siya at binalik din niya iyon sa akin.

Pero... bigla nalang may kumalampag sa pinto. Halatang pilit na pumapasok.. NAgkatinginan na lang kami sa isa't-isa....

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon