XVI.Can you still Fight?

511 13 0
                                    

A/N: Yes! Update na ulit! :) Sorry kung nou UD this past days. Nakakatamad eh. Tsaka busy ako sa pagiging OP. ^_^ Sige na Enjoy Reading. Tsaka mahirap pong magisip ng plot eh. XD Basta may naisip akong plot, tuloy-tuloy po ang UD nun. XD 

Jao's POV

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na ligpitin mo na sila!!" sabi ni master sakin na galit na galit. Nandito ako sa pinaka headquarters namin. Hindi niya alam may plano pa kong mas masama sa kanila! Buwahahahaha!! *evil smile*

"Pasensya na po..." sabi ko sa buwisit na master namin.

"Pasensya!? Pasensya?! Eh pinabayaan mong makaligtas ang grupo nila Jiroh!!

" Hindi na po mauulit..." 

"Siguraduhin mo lang Jao! Kung hindi ikaw na ang ipapalapa ko sa mga halimaw na yan!!"

Umalis na ko pagkatapos niya kong sermunan. Walang kwentang master. Siya kaya ang gumawa ng mga inuutos niya? Nakakabuwisit lang talaga. Pag ako nainis. Tignan niya ang mangyayari sa kanya.

Dumiretso na ko sa kwarto ko at natulog nalang. Nang mawala tong badtrip na 'to..

.

.

.

.

.

.

.

.

"Daddy! Daddy! Laro tayo!" sabi ko sa daddy ko na nanonood ng t.v.

"Hindi pwede anak, may ginagawa pa si daddy eh..." wala naman siyang ginagawa eh. Nanonood lang siya ng t.v.! Bakit ganon?! Pagka si Kuya Jiroh ang nagaaya sa kanya maglaro hindi na siya nagpapatumpik tumpik pa?! 

" Daddy, bakit pag si Kuya Jiroh ang nagaaya sa inyo naglalaaro kaagad kayo?" tanong ko kay daddy.

"Ah... anak, dun ka muna sa kwarto mo. Dun ka nalang maglaro wah?" buwisit talaga. Buwisit siya. Padabog akong pumasok sa kwarto ko. Pero hindi ko yun sinarado at sinilip si Daddy. Mag-aalastres na. Maya-maya nandyan na si Kuya.

"Nandito na ko!" sabi na eh. Hindi ako pwedeng magkamali sa oras ng dating niya galing eskwelahan.

"Oh? Anak, nandyan ka na pala! Halika dito maglaro tayo!" sabi na eh!! Pagdating kay Kuya Jiroh naglalaro kagad sila! Bakit pagdating sakin madalang pa sa patak ng ulan?! Ano bang meron ako na wala siya!?

.

.

.

.

"Wwwwaaaahhhh!!!" pangatlong beses ko na yan napapaniginipan. Ayoko na. Bakit ito pa.

Althea's POV

Una akong nagising sa aming lahat. Katabi ko si Danielle and si Ate ay kata--?!!

Katabi niya si Jiroh at magkayakap pa sila?! Namamalikmata lang ba ako?! Kinusot ko yung mata ko pero ganun pa din. o_O

Ginising ko si Danielle. Inalog alog ko siya at sinampal sampal. XD At pagkagising niya halata sa mukha niya ang pagkainis. Hahaha. Sinenyasan ko naman siya na wag maingay

"Tignan mo si Ate at Jiroh. Hihihi."  sabi ko sakanya ng pabulong.

"Hahaha! Gulatin natin!" tuwang-tuwang sabi ng lalaking 'to.

"Ssshh.. wag kang maingay." tumahimik naman siya pagkasabi ko sa kanya niyan.

Dahan dahan kaming naglakad patungo sa hinihigaan nila at sabay namin silang ginulat! Wahahahhahahah! Kung makikita mo yung mukha nila. XD Nanlaki yung mata at nagyakap pa sila. XD

"Ehem.' ubo ko para matauhan sila sa mga pinaggagagawa nila.

Mukha naman silang natauhan at bumitaw sa pagkakayakap sa isa't isa. Namumula sila ngayon! XD hahaha. Ang cute nila tignan.

"Jiroh, bakit ka namumula? Hahaha!" matawa-tawang sabi ni Danielle kay Jiroh sabay upo sa tabi nito. Siguro matagal na nga silang magbest-friend?

"A-al-alt-thea..." nako. Malala na to. Kailangan na naming maagapan ito.

"Jiroh! Kailangan na nating maagapan yung sakit ni Ate! Kailangan nating i-check yung bahay nung astrologer na gumamot sa kanya non! Danielle! Gisingin mo na yung mga bata!!"

Jiroh's POV

Kailangan na naming magmadali dahil baka hindi na makayanan ng katawan ni Almyra 'to. Binuhat ko siya at lumabas na kami dito sa Slaughter House. Ang dala-dala nila Danielle at Althea yung mga gamit namin. Yung dalawang magkapatid nagdala rin ng kaunti. Yung aso namin nauuna pa samin. XD

Kinuha ko yung susi ng van na sinabi ni Jao sa bulsa ko.

'Guys bilisan natin!" sigaw ko sa kanila.

Takbo 

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

Malapit na kami sa front door. Sana naman tumupad si Jao sa pangako niya na nandito na yung van.

"Malapit na tayo! Konti nalang! sabi ni Jao nandyan na daw yung van pagkalabas natin." tumatakbo pa rin kami habang sinasabi yan. Nahihirapan ng huminga si Almyra. Kailangan naming bilisan pa!

Nandito na kami sa harap ng pinto pero ayaw mabuksan. Tinulak ko na pero ayaw pa rin.

"Danielle! Sipain natin!" dali-daling pumunta si Danielle sakin. Binaba ko muna si Almyra at sabay naming sinipa yung pinto. At biglang may nalaglag na papel mula sa taas.

Pinulot ko ito at binasa.  Nasa huli ang pagsisisi. 'yan lang yung nakalagay.

Pinasa ko yun kay Danielle at halatang naguluhan siya. Pinapasa-pasa namin hanggang sa lahat ay nakabasa na. Lahat kami ay naguguluhan.... ng biglang may parang tumatakbo galing sa labas.

.

.

.

.

.

.

.

.

At bumulaga samin ang napakaraming zombie.... kaya pa kaya naming lumaban??

"Kaya niyo pa ba?" tanong samin ni Danielle at inihanda na ang kanyang sledgehammer...

"Kaya ko." sabi ko sa kanila. At inihanda na ang katana ko.

"Ako din." hinanda na rin ni Althea yung dalawang patalim niya.

A/N: Sorry na kung pangit, maiksi at natagalan ang UD. T^T. HUHU. Next time bawi ako.

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon