A/N: Wwaaahh!! Binasa ko nang buo yung story ko and napagalaman ko na maganda din pala siya! Haha. Kasi akong author nakalimutan ko na yung sinulat ko a mga first chapter ehh. Tapos happy 200+ reads wattpad readers! Yehey! *sabog confetti* Oh wag kakalimutang magcomment ah? Vote and share the story. :) Enjoy reading the third part of chapter ten. Dito na magaganap o magsisimula ang magandang part ng story! :)
P.S. Yes! Nagsisimula palang ako sa story ko! Buwahahaha expect more twists and turns as you read the story.
Jiroh's POV
Magsisimula na ang game. Kinakabahan ako. Sobrang kaba. Parang kahit anong oras dito lalabas na yung puso ko. Bakit pa kasi to nagawa ng kapatid ko?! Siya pa mismo ang gagawa sa amin nito? Wala naman akong nagawa sa kanya ah?
"Pano kung natapos na'min 'to? Anong premyo ang matatanggap namin?"
seryoso at galit kong wika sa kanya.
"Maililigtas niyo ang dalawang taong pumasok dito pero hindi natapos yan at pinagbigyan ko lamang sila. At bibigyan ko din kayo ng maraming pagkain, tubig, damit at ibibigay ko sa inyo ang van ko. Pero tandaan niyo, wala pang nakakatapos niyan! Buwahahahaha!!" nung sinasabi niya yan sa una para siyang anghel pero nung na sa bandang dulo na ng kanyang pananalita bigla siyang naging tono ng isang demonyo!
"Simulan na natin to. Kaya natin 'to guys. Marami na tayong pinagdaanan at hinding hindi kailanman tayo susuko." sabi ni Danielle sa'min then he gave us all a kaya-natin-to look. Lahat kami binigyan siya ng smile. Smile with full of hope.
"Magiingat tayong lahat guys. Mananalo tayo dito." sabi ko sa kanila sabay grip sa katana ko.
"Tama na ang drama! Simulan na natin ang laban!" pagkasigaw nun ni Jao bigla siyang may pinindot na remote na may red button sa gitna.
Pagkapindot niya non biglang may lumabas na napakalaking temple. Parang ancient na ancient siya tapos maririnig mo yung ungol na zombie at mga pagtapak nung mga higante. Lahat kami seryoso. We're all trying to collect energy as much as possible para pagdating sa loob kayang kaya namin to.
"Okay. Danielle Fullbuster. Ikaw ang number one diba? Pwede ka nang magsimula-- Pero teka. Kung mamatay man kayo sa loob niyan lahat ng zombie na hinamon ninyo ay mawawala."
"Danielle. Magiingat ka. I-i l-love you Danielle!" pagakasabi non ni Althea ay bigla siyang umiyak sa dibdib ni Danielle. Hinimas naman niya ang likod nito.
"Don't worry I'll be fine. ;)" kumalas na sa pagkakayakap ang dalawa at pumasok na si Danielle sa loob ngayon kailangan namin siyang antayin hanggang makalabas siya. Sana nga makalabas siya. Hindi namin alam kung anong nangyayari sa loob.
"Guys. Kailangan natin magpray na sana makaligtas na tayong lahat dito..." sabi ni Almyra.
"Tama siya." Ako. Naghawak hawak kami ng kamay at nagform ng circle. Habang ang magkapatid ang naglelead ng prayer. Si Scooby naman nakadapa sa may lap ko at nakapikit din. Para talagang nakakaintindi ang asong to.
Danielle's POV
Mahaba ang daan sa mismong parang arena na paggaganapan ng laban nami ng mga zombie. Hanggang ngayon naglalakad pa rin ako sa red carpet na to na patungo nga doon sa arena.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Nakakasilaw. Sobrang nakakasilaw. Ito na ba ang arena? Para siyang pabilog. Tapos may nanonood sa gilid. Pero lahat ng iyon ay mga manequin lang.
BINABASA MO ANG
The Apocalypse (HIATUS/EDITING)
HororWhat if one day, you found yourself surrounded by the undead? Would you freak out? Would you fight or flight? Sharpen your knives, load your guns, and get ready yourselves. It's kill or be killed. Because now, you're in the midst of THE APOCALYPSE.