XIX.The Rescue

469 11 1
                                    

A/N: Hello~ Malapit na ang pasukan! Pero baon, welcome back! XD Malapit na tayong maka-1K reads. Salamat. ;) Nga pala, sila Danielle at Kylie muna ang lalagyan ko ng highlight wah? Kasi puro si Jiroh nalang may POV. Baka sabihin niyo favorite ko. XD

Kylie's POV

Buwisit yung lalaking 'yun. Gaganyanin niya kami nung una tapos ngayon i-rerecruit niya kami? Just a waste of time. Wala akong pake kung masaktan man siya sa mga sinabi ko dahil dapat lang 'yun. 

Sa ngayon naglalakad pa rin kami sa gubat na pinagdaanan namin kanina. Yung parang forest. Pero walang nagsasalita sa amin ni Kuya Danielle dahil baka makaattract kami ng zombie.

"Kung dire-diretso lang tayo at hindi gagawa ng ingay, makakarating tayo doon ng walang kinakalaban na zombie." pabulong na sabi sa akin ni Kuya Danielle. Tumango na lang ako bilang tugon.

Pero bigla nalang akong may nasipang lata. Putek naman.

"Sh*t..." yan nalang ang nasabi ni Kuya Danielle nang may makitang zombie na papalapit sa'min.

Bakit ko pa kasi nasipa 'yun?! Bahala na nga! 

Binunot ko yung survival knife na nasa hita ko at tinulungan na si Kuya Danielle na pumatay. Gamit niya ang sledgehammer niya.

"Wag kang gagamit ng baril wah?" sabi niya sakin sabay hampas ng sledgehammer niya sa kalaban.

"Oo." tipid kong sagot sa kanya. Sinasaksak ko na yung mga zombies na nasa harapan ko. Pero palakas ng palakas yung ungol nila. Causing other zombies from the forest to get out... 

Saksak dito, saksak doon.

Hampas dito, hampas doon.

Talsikan ang mga malalalansang dugo ng mababahong zombies na'to! Ang baho-baho ko na! Ilang araw na kong di nakakapaglinis! Puro hilamos lang! 

Hindi pa kami nakakakain simula nung umalis kami sa l*ch*ng bahay na 'yon! Nakakairita lang talaga! Kaya wag na wag lang talaga nila ako mapapagalit dahil hindi nila ko kilala! 

(A/N: Kylie, bakit napakasungit mo ngayon? XD) 

Manahimik ka nga dyan otor!!!

(A/N: Okay. Okay. XD)

Nilabas ko na yung baril ko dahil padami na sila ng padami. Mukhang hindi na namin makakayanan. Kinuha ko yung dalawang pistol ko tapos nagsimula na kong bumaril. Tinuruan naman kami ni Lolo kaya marunong kaming humawak ng baril ni Kyle.

Kasama sa US Military ang lolo ko... Kaya marami kaming baril. 

Sakto naman sa ulo nila ang baril ko pero di pa rin sila maubos-ubos. Napapalibutan na nila ako ngayon... Nagpatuloy lang ako sa pagbaril, pero di na talaga kinaya... 

 Pati si Kuya Danielle, napapalibutan na din ng mga zombies na 'to. 

Wala na.

Wala na kaming pag-asa.

Bigla nalang akong may narinig na tunog na nagpreno na sasakyan. To be more specific, nagdrift yung sasakyan malapit sa'min ni Kuya Danielle dahilan para tumalsik 'yung ilan sa mga zombies.

Biglang may bumaba sa sasakyan.... dalawang lalaki at isang babae, sino nanaman kaya 'to?!

Hindi pa rin kami tumitigil sa pagpatay sa mga zombie na 'to.

"Yo. Need some help?" pa-cool pang sabi nung isa sa kanila. Sus! Kala mo naman kung sino.

"Ay hindi! Papakain nalang kami sa mga zombies na 'to no?" naiinis kong sabi sa lalaking 'yun. Hirap na hirap  na nga kami dito eh, pa-cool-cool lang siya diyan.

"Hahaha. Chill down, Miss. We're here to save you and your friend." 

"How come you'll help us when you guys are just standing there and just saying stupid things."  inirapan ko nga sila.. 

"Aaaaahhhh!!!!" muntik na kong makagat nung zombie na nasa paa ko... Buti nalang binaril nung lalaking 'yun.  Nagsimula na ring bumaril yung dalawa pa niyang kasama... 

Lumapit ako kay Kuya Danielle at parehas lang kaming nakanganga at pinapanood sila. Sa isang idlap naubos nila yung mga zombie na kanina pa namin kinakalaban. 

"Sakay na kayo sa'min." nakangiting sambit sa'min nung babae. Tumango naman kami ni Kuya.

"By the way, ako nga pala si Avril!" sabi nung babae sa'min pagkapasok namin sa kotse nila. Nakipag-shakehanda siya sa'min. 

"Siya nga pala si Mark." turo niya dun sa nagda-drive, siya din yung pachill-chill lang kanina. -.- Nagsmile siya sakin sa mirror sabay kaway. Inirapan ko nalang siya.

"Nakahanap ka ata nang katapat mo Mark wah?" natatawang sabi ni Avril dun sa Mark na 'yun.

Tumawa naman siya. May isa pang hindi napapakilala sa'min, yung katabi ni Mark, para siyang emo. I guess?

"Oh! Siya nga pala si Dylan!" napansin siguro ni Avril na nakatingin ako kay Dylan. 

"Ako nga pala si Kylie Strauss. Siya naman si Kuya Danielle...." hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang sumabat si Kuya Danielle. And, hindi ko pa alam yung mga apelyido nila.

"Danielle Fullbuster. Nice to meet you all." nakangiting sambit ni Danielle dun sa mga bago naming nakilala.

"Uhhmmm... Pagdating sa city, pwede na ba kaming bumaba?" tanong ni Kuya kay Mark. Sa tingin ko nasa mga 18 nadin sila eh..

"Hindi ba masyadong delikado kung kayo lang dalawa lang ang magkasama? Mas maganda kung sumama nalang kayo sa'min." sabi samin ni Avril.

"May grupo kasi kami eh... May mission talaga kami, kaya kami napadpad dun dahil may kumidnap sa'min." 

"Ahh, ganon ba? So, ilan kayo sa grupo niyo?" 

"Bale anim kaming lahat. Yung kapatid ko kasi nawawala kaya namin siya hinahanap." napatango naman siya bilang tugon. Medyo malayo pa siguro kami sa city, kamsi puro puno parin ang nakikita ko eh.

"Pwede bang sumali kami sa grupo niyo?" tanong samin ni Mark.

"Si Avril at Dylan pwede pero ikaw hindi." sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Haha. Pagpasensyahan niyo na 'tong si Kylie wah? Medyo may pagkasuplada kasi 'to eh. XD" natatawang sabi ni Kuya Danielle sa kanila. Buwisit talaga. "By the way, oo naman pwede kayong sumali lahat. Mas mapapadali ang pagsurvive natin sa apocalypse kung sama-sama tayo." 

Tuwang-tuwa naman si Mark sa narinig niya. Seriously? Isasama natin 'tong mokong nato? Arrrgghh!!

"Gusto niyo matulog muna kayo? Malayo pa tayo sa city eh." sabi naman samin ni Mark.

Natulog nalang ako kesa sa makita ang pagmumukha niyan. Si Kuya Danielle, natulog din. Pano ba naman we're very exhausted. 

Si Avril hindi pa rin natutulog, nakatingin pa rin sa bintana. Ganun din si Daryl. 

Ano ba meron kay Daryl? Bakit sobrang tahimik niya? May problema kaya? Bakit niligtas nila kami nang walang alinlangan? Bakit sobrang bait nila sa'min? Si Kyle kaya, ayos lang? It's been two days na since nung nawala siya. Okay lang kaya siya?

Haayy~ Bukas ko na nga lang iisipin 'yan. Matutulog muna ko.

A/N: Oh ano? Nagustuhan niyo ba ang katarayan ni Kylie? XD Well, may bago na naman tayong characters. XD Bagong personality na naman. Hahaha! Nako malapit nang magpasukan! Bitin ang bakasyon! Haha! Babye~

The Apocalypse (HIATUS/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon