A/N: Yehey!! Kaunti nalang at makaka-150 reads na tayo!! Thanks sa support. Tsaka bakit walang nagcocomment?? Please naman magcomment naman kayo!! Huhuhu. T^T nagmamakaawa na ko sa inyo! Please!! Tsaka vote na rin po! Share the story...
P.S. Yung mga nahihiya na magcomment i-PM na lang ako. :) Enjoy Reading wattpad readers! ;)
Almyra's POV
Magiisang oras na din simula ng tumakas kami sa Archaedia. Hindi pa rin ako makagetover sa mga nangyari kanina. Wala pa rin nagsasalita sa amin. Walang umiimik. Nakakabingi ang katahimikan dito sa loob ng kotse. Pero nagtataka pa rin ako sino yung naglagay ng pagkain,tubig at daggers dito sa loob ng kotse? Alam niya kaya na maaambush kami pagdating ng araw nato? Ang gulo. Sobrang gulo. Si dra. kaya? Hindi ata. Di ko namalayan na gabi na pala. Tulog na ang iba kapera sa akin at kay Jiroh.
"Sa tingin mo bakit may nagiwan ng pagkain at daggers diyan? At sino kaya yun?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ang sakit na talaga ng utak ko. Oo utak hindi ulo.
"Hindi ko alam kung sino at hindi ko rin alam kung bakit? Siguro gusto niya lang tayong tulungan. Nakita niya siguro tayo na inambush ng mga zombies sa Archaedia." Sagot niya sa tanong ko. Hindi na ko nagsalita pa dahil napakasakit na ng UTAK ko. Mas pinili ko nalang na matulog.
ZzzzZZzz...
Jiroh's POV
Kanina pa ko nagdadrive. Inaantok na ko. Gusto ko nang ipikit ang mga mata ko. Hindi ko naman mahinto itong kotse dahil baka atakihin kami ng zombie dito edi patay kaming lahat. Wala na kaming baril puro melee weapons nalang ang meron kami. Kaya mahihirapan na kaming kalabanin sila. Pero may nakita akong note sa may mirror. Nakaipit color pink. At ito ang nakalagay.
Tanggapin niyo yang pagkain at tubig na yan. Dinagdagan ko na rin ng daggers. Hindi niyo pa oras. Hindi ko kayo tinutulungan. Hindi kailanman. Maghaharap pa tayo.
Yan yung nakalagay. Napaka weird. Buti ang walang mga zombie sa daan. Nang bigla akong may maalala.
(Flashback)
Nandito ako ngayon sa may terminal ng jeep. Nagaantay ng jeep na hindi puno nang makauwi na. May bigla na lang sumulpot na matanda sa gilid ko. Namamalimos. Normal lang naman yan eh. Pero hindi siya humihingi ng pera sakin. Kinakalansing lang niya yung baso niya. Pagkatapos non, biglang may dumaan na matabang babae. At pagkalagpas niya dun sa matanda, eto ang sabi nung namamalimos.
"Baboy.". nagulat ako dun. Siya na lang namamalimos siya pa nanlalait. At may dumaan pang isang businessman na matangkad at pormal ang suot.
"Tao.". sabi niya. Malamang tao yun. Hanggang sa makauwi ako yun pa din ang iniisip ko. Hindi.maalis sa isipan ko yun.
Lumipas ang mga araw nandun lang lagi siya at mga sinasabi niya ay mga pagkain. Katulad ng patatas. Tinapay. Baka. Hanggang sa isang araw dumaan ako sa harap niya at naghulog ng barya.
"Ano po yung mga sinasabi niyo kapag may dumadaan?" tanong ko sa kanya.
"Itlog.". yan muna ang sinabi niya.
"May kapangyarihan ako.". ano naman po ang kapangyarihan niyo?
"Ang malaman ang huling kinain ng isang tao.". yan ang sagot niya sa akin. Iniwan ko na lang siya dun at iniisip na walang kwentang psychic power.
(End of Flashback)
Pero may sinabihan siya na tao na kumain ng tao. o_O.
Oo nga pala. May dumaan na business man noon at sinabihan niya ng tao. Eh ang kapangyarihan niya ay malaman ang huling kinain mo?!
BINABASA MO ANG
The Apocalypse (HIATUS/EDITING)
HorrorWhat if one day, you found yourself surrounded by the undead? Would you freak out? Would you fight or flight? Sharpen your knives, load your guns, and get ready yourselves. It's kill or be killed. Because now, you're in the midst of THE APOCALYPSE.