Kyle's POV
"Kyle, dito ka na maupo!"
"Nakakarindi yang boses mo Ron!" Pang aasar ko at naupo sa tabi niya.
Haaay! Panibagong araw na naman sa bahay ampunan.
15 years na pala ako dito at malapit na rin akong matapos nang 3rd year highschool. Konting kembot pa!
Kumain lang kami ng almusal ng mga kaibigan kong sina Ron, Patrick, Theo at James bago pumunta sa classroom namin.
Yep mag kakaklase kami. Yung eskwelahan na to ay puro taga bahay ampunan ang nag aaral kaya naman sawang sawa na kami sa mukha ng isa't isa. Hahaha! Char lang.
Wala kasing umampon samin nung baby pa kami. Ampapanget siguro namin kaya walang nangahas na kumuha samin.
Anyways joke lang yun. Kasi naman, mga gwapings tong mga bestfriends ko at may taglay din akong kagandahan na sarili ko lamang ang nakakakita. LOL! Sabi ng mga kaibigan ko maganda naman talaga ako, humble lang daw talaga ako. Pwe! Syempre mga kaibigan ko yang mga yan kaya kahit pangit ako, sasabihan pa rin akong maganda.
Dito sa bahay ampunan, halos lahat ng lalake ay ka-close ko. Hindi naman ako malandi, sadyang mas madali ko lang akong makipag kaibigan sa mga lalake kasi walang arte arte. Pero di ko sinasabing maaarte ang mga babae dito sa bahay ampunan, may mangilan ngilan din akong mga kaibigan na babae.
"Mag fo-fourth year na tayo, ano mga plano niyo?" Tanong ni Theo.
Mag chichikahan muna kami habang wala pang teacher.
"Kami lang ang mag fo-fourth year. Ikaw, mag stay sa pagiging 3rd year." Pagbibiro ko kay Theo na ikinatawa namin maliban sa kanya.
"Ha ha funny." Sarkastikong sagot niya.
"Nakakatanga naman kasi yang tanong mo Theo, dito pa rin naman tayo pag dating ng fourth year so malamang tayo pa rin ang mag kakasama." Tatawa tawang sabi ni Patrick.
Gwapo tong si Theo pero mejo bopols rin.
"Hello hindi niyo ba naisip na baka bago tayo matapos ng 3rd year highschool ay may umampon satin?" Pagpapaliwanag ni Theo.
"Kahit siguro tumambling tayo sa harapan nila, hindi na nila tayo kukuhanin no!" Pambabara ko sabay tawa ng malakas.
Tumawa rin ang mga kaibigan namin.
Umiling iling na lang si Theo dahil alam niyang wala siyang matinong kausap.
-----
Nagising na lang ako ng may sumiko sakin. Pag tingin ko ay si James lang pala. Nakatulog pala ako habang nag di-discuss si sir.
"As I was saying, can you please solve the equation on the board Kyle?"
So nahuli niya pala akong natutulog? Lol!
May pag ka kumag din tong si sir e. Dapat ang sinabi niya 'Kyle, solve this equation on the board.' Kahit naman kasi humindi ako sa tanong niya ay ipagpipilitan niyang ako ang mag solve nun dahil nahuli niya akong natutulog. Nakakatanga din to si sir e.
Ayun na nga, pumunta na lang ako sa board at sinagutan ang pinasasagutan niya. Easy lang naman. Tss!
Chineck ni sir at nakita niyang tama ang ginawa ko. Ayun pahiya! Lol.
"Go back to you seat."
Bumalik na ako sa upuan ko at natulog ulit. Bastos na kung bastos e sa inaantok pa ako e.
Kahit naman ganito akong loko loko at natutulog sa klase, hindi naman pahuhuli ang grado ko dahil ginagamit ko ang utak ko. Katunayan, simula nung pumasok ako ay lagi akong top one. Panis!
-----
Lumipas ang buong mag hapon at natapos ang klase.
Dumiretso muna kami sa kanya kanya naming kwarto.
Tinapos ko agad ang mga assignments ko at nag basa ng libro hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
*tok* *tok* *tok*
Nagising ako nang may kumatok sa maliit na pinto ng kwarto ko.
Pag mulat ko, si sister Ali pala.
"Baba na at mag hahapunan na tayo. May sasabihin ring mahalaga si mother sa inyo."
Tumango na lang ako bilang sagot.
Ano kayang sasabihin ni mother earth? Na nalugi na ang bahay ampunan at palalayasin na kami? LOL hindi naman siguro.
Nang makababa ako ay agad akong tumabi sa mga bestfriends ko.
Habang kumakain kami ay nag ku kwentuhan rin.
Nang matapos kumain ay nag salita na si sister Ali.
"Mga bata, maaari ba munang tumahimik kayo? May mahalagang sasabihin si mother sa inyo."
Agad naman kming tumahimik maging ang mga kasama namin.
"Bukas ay darating ang may ari ng bahay ampunan kasama ang mga kaibigan nila. Mag ayos kayo ng mga kwarto niyo at maging nang sarili."
Huminto muna si mother at uminom ng tubig. Shet! Mukhang marami ang speech ni mother earth.
"Limang pamilya ang kasamang darating ng may ari nitong bahay ampunan at base na rin sa sinabi nila, mag aampon sila. Hindi lang yun dahil kasama rin nila ang mga anak nila. Ngayon maaga kayong matulog nang maaga rin kayong magising bukas."
Natapos rin ang speech ni mother earth. Wooh! Akala ko mag so-SONA na siya.
Wala naman talaga akong paki kung may dumating at mag ampon. Hindi naman ako interesado maging sila James, Patrick at Ron. Si Theo lang naman ang gustong mag paampon. Hindi ko siya masisisi kasi siguro nag hahanap siya nang kalinga ng magulang. Kami rin namang apat kaso wala e, sarili nga naming magulang pinaampon kami. Tinanggap na lang naming apat na ganun talaga at masaya na kami dahil hindi man kami blessed sa magulang, sobrang blessed naman kami sa kaibigan.
"Oh Theo, mag ayos ayos ka na para bukas." Pagbibiro ni James.
"Mag practice ka na ring tumambling para mapansin ka." Dagdag pang asar ni Patrick na ikinatawa naming lahat.
"Ewan ko sa inyo!" Pikon na sabi ni Theo sabay alis.
Tingnan mo tong Theo na to? Napaka pikon. Daig pa babae kung umasta LOL!
"Good night guys! Dun tayo sa tambayan bukas." Nakangiti kong sabi kila James, Ron at Patrick.
Tumango lang sila at pumunta na sa kani kanilang kwarto.
Tumungo na rin ako sa kwarto at nang matutulog na sana ako ay may narinig akong kumatok sa pinto.
Pumasok sa maliit kong silid sila sister Ali at mother earth.
Sa pag kakatanda ko ay wala naman akong ginawang kalokohan. Ano ba yan!
"Gusto kang kausapin ni mother nang sandali."
Tumango na lang ako kay sister Ali.
"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Kyle, simula nung pumasok ka sa eskwela ay hindi ka na nawala sa pagiging top one kaya naman isa sa mga pamilyang pupunta bukas ay gusto kang ampunin. Kaya mag ayos ka bukas at mag bait." Nakangiting sabi ni mother at nauna nang lumabas.
Sa sinabi ni mother parang napaka salbahe ko ah. Pffft!
Kuntento na ako dito sa bahay ampunan kaya LAKOMPAKE sa mga pamilyang pupunta bukas.
"Sige na iha. Matulog ka na at sundin mo ang mga sinabi ni mother."
Ay andito pa pala si sister.
"Sige po." Pag sang ayon ko nang matapos na ang usapan.
Nang makaalis na si sister ay humiga na ako sa maliit kong kama.
Bahala na sila bukas.
Isip dito isip doon hanggang sa makatulog na ko.
YOU ARE READING
Kyle & Avery
Teen FictionMag papauna na po ako. :) This is a girl to girl love story. Pipz who are not comfortable reading this kind of story, please don't bother to click. Ciao! :) ----------------------- Kuntento na ako sa kung anong meron ako dati. Lumaki man ako sa baha...