Kyle's POV
"Gabby! Kaylangan ba talagang mag lagay ng ganito? Ang init init naman nitong uniform."
Eto ako reklamo ng reklamo sa uniform. Pano ba naman parang korean style e, ang daming ek-ek. Long sleeve na white, necktie na red, blazer na gray, coat na gray at palda na gray. Kulang na lang pati panty ko gray. LOL!
Tss! Ang init, mamaya ko na lang isusuot yung coat.
And yes, balik na kami sa dati. Kinwento ko kila mommy, daddy at Gabby ang nangyari nung wala sila. Of course, nagulat sila at natakot rin sila na baka raw maisipan kong iwan sila. Ayaw ko naman mag salita ng tapos kaya hinayaan ko na lang muna sila. Pag katapos kong ikwento ang lahat, naging maayos na ule kami. Pero may something kila mom and dad na nakita ko sa mukha nila, pag aalangan at takot. Hindi ko na lang pinansin yun dahil okay na kaming apat.
At ngayon first day of school na. Graduating na ako, kami ni Gabby. Mag kikita na rin kami ni Patrick, yes!
"Give me your neck tie. Ako na mag aayos. Ganito lang yan.." sabi ni Gabby habang binubuhol yung tie sa leeg ko.
"Ayan! Ayos na." nakangiting sabi niya. Ipinaloob niya ang necktie sa loob ng blazer ko at pinagpag ang uniform na suot ko.
"Sasabay ka ba sakin Gab or mag papahatid ka sa driver?"
May sasakyan tong si Gab kaso hindi marunong mag drive. Madalas puro pahatid siya sa driver kapag may pupuntahan. Tamad din tong babaeng to e.
"Sorry Kyle, may usapan kasi kami nila Avery at Chelsea na sabay sabay kaming papasok ngayon. Gusto mo bang sumabay samin?"
"It's okay and no hindi ako sasabay sa inyo. Para naman mapakinabangan ko yung gift ni dad." nakangiting sabi ko.
"Okay basta after school, umuwi ka na."
Nag thumbs up na lang ako kay Gab at bumaba na.
Maaga pa naman pero gusto kong pumunta sa school ng mejo maaga para maikot ikot ko yung campus. Anong malay ko baka andun na din bespren ko. I'm so excited!
-----
Naka park na ko sa school pero hindi pa rin ako bumababa.
Sinuot ko muna ang ID ko na may nakalagay na 3 gold stars sa lace at sa gilid nun ang pangalan ng school, Ravenwood Academy.
Ito ang pinakasikat at pinakamagandang school sa Pinas, purong mayayaman at anak ng mga makapangyarihan ang nag aaral dito kaya alam kong marami rin ang sira ulo dito.
Bumaba na ako sa sasakyan, sinabit ko sa balikat ko ang bag ko, inilagay ko naman sa braso ko ang coat ko at nag simula ng mag lakad.
-----
In a matter of minutes, marami akong napuntahan sa campus. Well ang una kong hinanap ay kung saan pwede akong tumambay. Just in case gusto kong mag cutting, may tatambayan ako. Don't judge, high school lang ako, nakakaramdam ng katamaran. Hahaha! Anyway, meron na akong nakita. Napuntahan ko na din ang cafeteria na pag kalaki laki, maging ang gymansium na akala mo MOA arena sa laki, nakapasok rin ako sa library na sobrang daming libro.
Sa pag iikot ko, isa lang ang pinag tataka ko. May mga estudyante akong nakita na merong 2 gold stars at 1 gold star sa mga ID laces. I know these stars has meaning pero hindi ko alam kung ano. Nakita ko rin ang ID lace ni Gab na may 3 gold stars. Tanong ko na lang maya.
Tiningnan ko ang orasan ko at shet! 2 minutes na lang mag start na ang klase, andun na siguro si Gabby at ang mga magiging kaklase namin. Masyado akong nalibang sa pag iisip at pag lalakad.
Tinakbo ko na ang building sa tapat ko. Shet! Sa 4th floor pa naman ang room ko.
Hingal na hingal na tumapat ako sa pinto. Bago ako pumasok, niluwagan ko muna ang necktie at inalis ko rin sa pag kakabutones ang isang butones para makahinga ako ng maluwag. Inayos ko muna ang palda ko bago buksan ang pinto.
Pag bukas ko, bumungad sakin ang magandang babae na sa tingin ko ay nasa 25 to 30 years old. Sa tingin ko, ito ang adviser namin.
Kamot batok akong pumasok.
"Good morning ma'am. Sorry I'm late." nahihiyang sabi ko.
Maalala ko si Patrick. Tiningnan ko ang buong klase at ayun ang putragis kong bespren nakangiting nakatingin sakin, wala siyang katabi sa isang gilid, pwede siguro ako dun umupo.
"Since you're late, can you sing for us? Any song would do." nakangiting sabi ni ma'am.
Nag bibiro ba to? At dahil sa hindi ako makapaniwala, tiningnan ko lang siya ng naka kunot noo.
"I'm not kidding, you may start anytime." nakangiti pa ring sabi niya.
Aba aba! First day of school na ganito agad ako. Ampotpot!
Pumwesto ako sa gitna at nilagay ang kanang kamay sa dibdib ko. Ginusto nila to e. Bahala na!
Iniisip ko pa lang yung kakantahin ko, natatawa na ako.
Hindi pa man ako nag sisimula, nagtatawanan na ang mga kaklase ko.
"Bayang magiliw
Perlas ng silanganan.."
Kinanta ko ang pambansang awit sa harap nila mula umpisa hanggang dulo.
Nahihiya man, wala akong magawa.
Nagtatawanan pa rin ang mga kaklase ko hanggang ngayon, buset na Patrick to. Tawa din ng tawa, hindi man lang ako sinamahan sa kahihiyan. Maging yung teacher namin, tumatawa tawa din.
Mukhang wala silang balak tumigil kakatawa kaya nag salita na ako.
"Ma'am, kota na po kayo sakin."
Lalo lang nag tawanan ang mga kaklase ko sakin.
"Okay okay, you may take your seat." tatawa tawa niyang sabi.
Tumungo agad ako sa likod at umupo sa tabi ni Patrick.
"Isa ka talagang legend, Kyle!"
Hayup to! Hindi ko alam kung nang aasar o ano.
"Akala ko bespren kita? Hindi mo man lang ako dinamayan dun!" inis kong bulong sa kanya.
Natigil lang kami sa bulungan nung muling mag salita si ma'am.
"Bago ako mag pakilala, I will have you introduce yourself first. You may start Miss Singer." sabi niya sabay baling ng tingin sakin at ngumiti. Maging ang mga kaklase ko ay napatingin sakin, yung iba ay tatawa tawa pa.
"I'm Kyle Alexis Clayton, 16 years old." pag papakilala ko.
Tumahimik naman bigla ang mga kaklase ko.
"Clayton? How are you re--" naputol ang sasabihin ng teacher namin nang may nag salita.
Pag tingin ko, si Gabby pala.
"She's my sister."

YOU ARE READING
Kyle & Avery
Teen FictionMag papauna na po ako. :) This is a girl to girl love story. Pipz who are not comfortable reading this kind of story, please don't bother to click. Ciao! :) ----------------------- Kuntento na ako sa kung anong meron ako dati. Lumaki man ako sa baha...