Kyle's POV
Ugh! Nasan na ba yung mga kumag na yun? Pati mga buhok ko sa kili kili na i-stress na. Lalong nagungulot!
Kanina pa 'ko nag hihintay dito sa tambayan namin.
Dumating na't lahat lahat yung may ari ng ampunan maging ang mga kaibigan nilang mag aampon, wala pa din sila Ron, James at Patrick.
Nag bago na ba ang isip nila? Katulad na kaya nila si Theo? Gusto na rin kaya nila mag paampon?
Tss! Bahala sila.
Nandito ako sa ilalim ng puno na may kalakihan. Hindi naman mainit at ang sarap ng simoy ng hangin.
Bago ako pumunta sa tambayan, may na ready akong snacks at tubig. Girl scout to eh! Kung sakali mang mag tagal ang bisita, pwede akong mag pagabi dito. Ayoko talaga mag pakita sa kanila. Sasaluhin ko na lang ang sermon ni mother at ni sister mamayang gabi.
Kinuha ko ang guitara ko at nag isip ng kantang gigitarahin at kakantahin. Bahala na ang mga bespren ko, kung gusto nila mag paampon.. Edi wow! LOL.
Nag simula akong mag strum..
You can't walk the streets at night
You're way too short to get on this ride
No I'm not, no I'm not, they're tryin' to tell me that I
I gotta be home when the street lights glow
You can't watch your TV show
I will watch what I wanna watch
No, I won't listen to you
Do what I wanna do
** chorus
And I will walk this road ahead
One hundred miles on my hand
Do I need to show you
Guess I gotta show you
And if you don't believe me now
I'll flip the whole world upside down
Do I need to show you
Guess I gotta show you
Bago ko pa maituloy ang second verse, may mga pumalakpak ng mahina sa likuran ko. Oo mga sila kasi 4 sila. Isang babae na nasa 30 to 35 years old at yung tatlong babae ay parang kasing edad ko lang.
Napatayo ako at humarap sa kanila.
Yayamanin sila bes! Porma palang at sa mga kutis pa lang nila, alam kong hindi sila taga bahay ampunan. Mga kapamilya to ng mga mag aampon.
"Magandang um--"
Hindi ko pa natatapos ang pag bati ko nang biglang nag salita si sister. Uh oh.
Paktay!
"Nandirito ka lang pa lang bata ka. Kanina pa kita hinahanap maging ni mother. Kung hindi ko pa kinulit mga kaibigan mo hindi pa sila aamin kung nasan ka."
Napakamot na lang ako sa noo kasi nahuli ako. Buset yung mga yun, inindian na nga ako sinumbong pa. Pffft!
"Hindi ka naman prepared nyan at may dala dala ka pang basket ng pagkain."
Talaga naman si sister. Hindi niya ba nakikitang may ibang tao? Kakahiya! Ampotpot. Narinig ko pang tumawa ng mahina yung tatlong ka edaran ko lang.
"Pasensya na po kayo ma'am Clayton. Eto po kasing batang to ang gustong ampunin ni sir Clayton."
Pag papaliwanag ni sister.
"Mi, siya pala yung gustong kuhanin ni dad. Yes!" Nakangiting sabi nung maikli ang buhok na naka skirt.
Wow! Ngayon ko lang napag masdan ang mukha niya. Maganda siya pati naman yung dalawa niyang kasama. Pero mas maganda pa rin ako. Charot!
"Matalino na, magaling pa kumanta, saka hot pa." Dugtong pa niya.
Nag tawanan naman yung dalawa niyang kasama maging ang tinawag na ma'am Clayton ni sister ay napangiti at umiling iling.
"Ako po si Kyle." Pag papakilala ko.
"Pasensya na po kung hindi ako sumalubong sa inyo kanina at piniling huwag mag pakita. Ayaw ko po kasing mag paampon." Diretsang sabi ko.
Nakita ko namang lumungkot ang mukha nung babaeng maiksi ang buhok na nag sabing hot ako. LOL!
"Pasensya na po kayo madam. Kuntento na po kasi ako sa bahay ampunan."
-----
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pag uusap namin ni ma'am Clayton at ni sister sa tambayan namin.
Mabait si ma'am Clayton dahil nirespeto niya ang desisyon kong manitili na lamang sa bahay ampunan. Siya na rin raw ang bahalang mag sabi sa asawa niya.
Isang linggo na rin akong kinukulit ni Gabby na tumira na ako sa kanila.
Si Gabby yung babaeng tinawag akong hot. HAHAHAHA! Pusta ko malabo mata nun.
Mabait naman siya kaso ayaw ko pa rin pakampante. May trust issues ako e. Ewan ko basta ganun ako, ayaw kong mag tiwala agad.
"Sige na kasi. Ayaw mo bang maranasang pumasok sa mamahalin at magandang eskwelahan? Hindi mo ba pinangarap na makatapos sa sikat at magandang school?"
Eto na naman tong si Gabby, nangungulit.
Wala naman akong magawa kasi sila Theo, James, Patrick at Ron ay kinuha nung apat na pamilyang pumunta dito. Pamilyang Harris ang kumuha kay Theo, Adam naman kay Ron, Ziegler naman kay James at Levesque naman kay Patrick.
Ang mga Levesque ay kamag anak ng pamilyang Clayton.
"Ayaw mo bang makita ang bespren mong si Patrick? Hindi mo ba siya namimiss?"
Miss na miss ko na sila kung alam mo lang. Ang balita niya sakin nung nakaraang araw ay pare parehas nag punta ng States ang pamilyang umampon kina Ron, James at Theo kaya naman si Patrick na lang ang naiwan sa Pinas.
Ugh! Konti na lang makukumbinsi na niya ako.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Sige na, Gabby." Sabi ko sabay tayo.
Tiningnan niya ako ng may pag tataka kaya naman nag salita ulit ako.
"Pumapayag na ako." Nakangiting sabi ko.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Gabby at biglang yumakap sakin ng mahigpit at tuwang tuwa.
"Yes! May kapatid na ako!"
Sigaw niya habang yakap yakap ako.
-----
Tiningnan kong muli ang bahay ampunan bago sumakay sa kotseng nakaparada sa harapan ko.
Ang dami kong ala ala dito. Mga masasayang ala ala at meron ring malulungkot.
Siguro nga kaylangan ko ng lumabas sa comfort zone ko.
Nakita ko pang kumaway sila sister at ang iba ko pang kaibigan sa bahay ampunan bago tuluyang umalis ang sasakyan.
Napabuntong hininga ako at marahang pinikit ang mga mata ko.
Halu halo na ang nararamdaman ko. Lungkot, saya, kaba, excitement.. Parang feeling ko sasabog ako.
Ganito man ang nararamdaman ko, alam kong dito mag sisimulang mag bago ang buhay ko.
This is it!
YOU ARE READING
Kyle & Avery
Teen FictionMag papauna na po ako. :) This is a girl to girl love story. Pipz who are not comfortable reading this kind of story, please don't bother to click. Ciao! :) ----------------------- Kuntento na ako sa kung anong meron ako dati. Lumaki man ako sa baha...