Chapter 4

21 0 0
                                    

Avery's POV

Tiningnan ko lang siya habang tumatakbo palayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi na siya muling lumingon pa sakin.

Ewan ko kung bakit pero may konting lungkot akong naramdaman.

Tumalikod ako at nag simula ng tumakbo.

Napangiti ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, may malaki siyang part na gagampanan sa buhay ko. Kung ano iyon, yun ang hindi ko alam. Am I overthinking? Maybe.

She's actually beautiful.

Black straight hair, mahahabang pilik mata na bumagay sa brown eyes niya, matangos na ilong, red lips. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang girl abs niya dahilan kung bakit nag init ako sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi rin nakatulong ang pag tulo ng pawis niya mula mukha pababa sa leeg. Geez, I must admit she's hot!

Woah! Am I attracted to her? This is new. I just laughed mentally.

I have a strong feeling that we will meet again, Kyle.

-----

"Morning couz!" Bati sakin ni Chelsea pag balik ko sa bahay.

She's my cousin slash bestfriend slash sister. We grew up together and we're neighbours back when we were in States. She knew me very well. I have a brother and he's helping dad with his business and stuff. Pareho rin silang nasa States. My mom died when she gave birth to me. Wala namang alitan samin nila dad at kuya, they're just too busy with business and I understand the fact na hindi nila ako masyadong naaasikaso. When I told them I want to be a chef and I will be taking culinary after highschool, they told me whatever makes me happy they'll just support me. And so kahit na hindi ko kasama sila Papu at kuya Avi, I'm happy.

I am living with Chelsea dito sa malaking bahay na pinatayo nila dad para sakin.

Wala rin naman kasi ang mga magulang ni Chelsea dito. Nasa probinsya sila at inaasikaso ang ekta-ektaryang lupain nila.

3 years na rin kaming nakatira dito sa bahay nang dalawa lang kami ni Chelsea well aside from maids and driver of course.

"Morning too couz!" I greeted my cousin back.

"What's with the mood?" Sabi niya.

"You look so happy. Is there anything you would like to share?" Pahabol niya.

Ngumiti lang ako at kinwento ko ang nangyari.

Nanlaki naman ang mata niya nung dinescribe ko ang features ni Kyle. Well, my cousin is a bisexual. I don't mind even her parents don't mind. Tinanggap namin siya ng buong buo. Eh ikaw? Ganun ka din ba kaya ka naattract dun sa babae kanina? Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.

Truth is I don't know. It's too early to tell and so what if I am like my cousin? I don't think there's a problem with that? Wala naman problema diba? Wala siguro? Haay ewan!

"I want to meet her!" Sabi niya at nag niningning pa ang mga mata.

I just laughed at my cousin's reaction.

"Ano ka ba Chels, she only gave her name not her number." Natatawang sabi ko.

She just frown.

"Tss. Ang hina mo naman! Sana kinuha mo agad number." Pag bibiro niya.

Umiling iling na lang ako sa kakyutan ng pinsan ko. She can be adorable sometimes.

"Anyway, punta tayong mall mamaya. Dun na rin tayo mag lunch."

I just nod and went to my room.

-----

"Ave, nag text nga pala sakin si Chie kanina. Tumatawag raw si Clark sayo pero out of coverage ka raw." Chelsea said.

We're currently inside the mall, in a restau to be exact waiting for our food.

I just laughed at what Chelsea informed me.

Matagal nang may gusto si Clark sakin at matagal niya na rin akong gustong ligawan kaya lang kahit gwapo pa siya, wala akong gusto sa kanya so I always turn down his offer. Mas lalo rin siyang kumulit nung natapos na kami nang 3rd year highschool, text ng text at tawag ng tawag. One word to define Clark, annoying.

Kaya naman pinalitan ko na ang number ko nang hindi ko sinasabi sa kanya.

"I changed my number na couz." Sabi ko sabay tawa.

"Bad gal!"

I just laughed and then the food arrives.

-----

Nag lalakad na kami sa mall ni Chelsea nang may nahagip ang mata ko na pamilyar na pigura ng tao. Nakatalikod sila at tinutulak ng babaeng maikli ang buhok ang isa pang babae na mejo may kahabaan ang itim na buhok papaloob sa shop ng mga dress.

"Gabby, ayoko nga.."

"Pumasok ka na. Sayang ang ganda mo."

"Hindi naman mababawasan ganda ko kung hindi ako mag susuot nyan e."

Napatigil ang babaeng maikli ang buhok sa pag tulak sa isang babae at tumayo ng tuwid.

"Isa Kyle!" Narinig kong sabi nung babaeng maikli ang buhok.

I knew it!

"Ave? Kulang ba kinain mo kanina at ngumingiti kang mag isa jan?" Sabi ni Chelsea sa tabi ko.

Ngumiti lang ako sa sinabi niya at hindi na sumagot.

Nag lakad ako patungo sa direksyon nila Kyle at nung babae na ngayon ay balik sa pagtutulak kay Kyle paloob.

"Where are you going? Are you goin' to buy a dress?" Rinig kong sabi ni Chelsea na sinusundan ako sa pupuntahan ko.

Tumigil ako sa likod nila habang sila ay hindi pa rin tumitigil sa pag tutulakan.

"Kung gusto mong bumili, ikaw na lang." Kyle said.

"Bibili ako para sayo, kaya pasok na." The other girl said.

"Hindi nga ako nag susuot ng ganyan. Gagawin mo lang akong barbie doll e." Kyle said.

Nakakatuwa sila. Para silang mga bata. Nakangiti lang ako habang pinag mamasdan sila.

Maya maya pa ay tinawag ako ni Chelsea.

"Avery!"

Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Gosh! Pinahabol mo pa ako alam mong ang liliit ng biyas ko." Sabi niya.

Pag lingon ko sa likod ko ay nakatingin na rin samin sila Kyle at ang kasama niyang babae. Halata sa mukha ni Kyle na nagulat siya pero maya maya ay ngumiti na. Gosh! I would love to see that smile everyday.

Mukhang wala siyang balak mag salita so I started.

"Hi Kyle!"

Kyle & AveryWhere stories live. Discover now