Chapter 10

25 0 0
                                    

Avery's POV

Matapos ang introduce yourself part, inulan ng tanong si Gabby mula sa mga kaklase namin.

"Gab! Is she really your sister?"

"Only child ka lang di ba? Is she adopted?"

"Nag bibiro ka lang di ba babe?"

Ilan lang yan sa mga nakakairitang tanong kay Gabby.

Bakit ba kasi napaka pakielamara at pakielamero nila? Tss.

"And what's in it for you if she's my sister? If she's adopted or what? And YOU, don't ever call me babe. Hearing it from you makes me want to puke. Got it?" mataray na sabi ni Gab.

Yan kasi mga ngenge!

Tumango yung iba at yung isang lalake ngumisi lang.

Wala pa kasi yung susunod na teacher kaya kami ganito.

Tumayo yung lalake at hinawakan si Gabby sa braso. Anak ng isang mayamang businessman kaya malakas ang loob pero di hamak na mas mayaman naman sila Gabby sa kanila.

"Alam mo ang pakipot mo! Akin ka lang tandaan mo yan!" sigaw nung lalake kay Gabby. Sa lakas ng sigaw niya, napatahimik ang klase. Isa kasi tong stupid na to sa mga siga sa school.

Bago pa maka sagot si Gabby, may humatak na sa braso nung lalake na nakahawak sa braso ni Gabby. Pag tingin namin, si Kyle.

"Hoy! Wag na wag mong hahawakan ang kapatid ko ha? Wag na wag mo ring masabing pag mamay ari mo siya dahil hindi pumapatol ang kapatid ko sa mukhang SINGIT!" galit na sigaw ni Kyle kay Dave.

Kitang kita sa mga mukha ng mga kaklase namin na gusto nilang tumawa ng malakas ngunit pinipigilan lang nila.

"Anong sabi mo!?" galit na sabi Dave.

Ngunit hindi naman nag patinag si Kyle.

"Alam mo bagay sayo yang buhok mo e, alam mo kung bakit? Mukha ka kasing singit tapos yang buhok mo parang pubic hair."

At sinabi ni Kyle na yun, hindi na namin mapigilan ang pag tawa. Ang lakas ng tawanan sa loob ng classroom.

Epic ng mukha ni Dave. Namumula na sa galit. Kung lalake lang si Kyle baka sinapak na siya ni Dave. LOL

"Pre ang epic ng mukha ni Dave."

"You go girl!"

"Lakas tama tong si Kyle!"

"Shet idol ko na tong si Kyle!"

Yan ang maririnig mong sinasabi ng mga kaklase namin habang nag sisitawanan. Maging kaming tatlo nila Chelsea at Gabby ay tumatawa ng walang humpay.

"Hindi mo ba ko kilala!? Anak ako ng isang mayaman ikaw ampon lang!"

Sa galit ni Dave ay nakakuyom na ang mga kamay nito na kahit anong oras ay maaari siyang manapak. Hindi na ata maganda to. Muling bumalik ang katahimikan sa classroom at para bang hinihintay ang isasagot ni Kyle.

"Anak ka ba talaga ng mayaman? Bakit parang hindi mo alam mag sipilyo? Amuyin mo nga yang hininga mo, para kang walking septic tank!"

Muling nag tawanan ang mga kaklase namin na parang wala ng bukas.

Gosh! Naiiyak na ko kakatawa. Hindi na makahinga ng maayos si Chelsea at pulang pula naman ang mukha ni Gabby.

Kyle, you're really one of a kind!

Ngunit nagulat kami sa sunod na ginawa ni Dave, sinuntok niya si Kyle sa mukha dahilan para mapaatras siya. Tumayo ako at tumakbo para tingnan ang mukha ni Kyle, gosh pumutok yung gilid ng labi niya. Hinawakan ko sa braso si Kyle ng akmang susugurin niya si Dave.

Kyle & AveryWhere stories live. Discover now