Chapter 6

21 0 0
                                    

Kyle's POV

Nagising ako sa tunog ng napakalakas kong alarm clock.

Usual morning routine. Hilamos, mag toothbrush, jogging tapos mag gi-gym bago mag almusal.

Di ko pa rin makalimutan ang regalo ni dad sakin kahapon. Meron na akong sariling sasakyan ngayon. Sobrang saya ko lang.

Hindi pa rin pala kami ayos ni Gabby. Kasi naman e..

Kukulitin ko na lang siya mamaya na makipag bati na sakin.

-----

Kapagod!

Andito ule ako sa kwarto ko, nag papahinga bago maligo.

Nakita ko si Avery kanina nung nag jogging ako sa labas, masaya akong nakita ko siya kaso biglang nalungkot din kasi may kasama siyang lalake. Sweet sila sa isa't isa, siguro boyfriend niya yun. Sa sobrang sweet nga nila, hindi niya ako pinansin nung binati ko siya ng good morning. Buti na lang dala ko iPod ko kanina, sinalampak ko na lang sa tenga ko at tumakbo. Kinuha niya din number ko kahapon tapos hindi naman nag text, ano kaya yun?

Eh bakit ganito ako mag react? Buhay niya yun at dapat wala akong pake sa mga gagawin niya sa buhay niya. Right! DAPAT wala akong pake.

Ampon lang naman ako ng mga Clayton so malamang sa malamang walang gugustong maging kaibigan ako lalo na ang mga katulad ni Gab, Avery at Chelsea. Ano bang aasahan ko? Haaay! Miss ko na mga bespren ko. Insecurities, please lubayan mo ako. Ang aga aga, nalulungkot ako.

Makaligo na nga lang.

-----

"Good morning Kyle honey."

"Good morning anak!" masiglang bati nila mom and dad.

"Good morning din po." walang gana kong sabi.

"Oh bakit ganyan itsura mo?" tanong ni dad sabay higop ng kape niya.

"Kulang lang sa tulog dad." sagot ko sabay ngiti ng pilit.

Nawala ako sa mood. Kung sana hindi ako pinaampon nuon siguro wala akong nararamdamang ganito. Wala naman akong reklamo kila mommy Gale at daddy Gabriel, mabait sila, maunawain, mapagmahal. Kaso iba pa rin siyempre pag tunay mong magulang ang kasama mo.

"San nga po pala si Gabby?" tanong ko sa kanila.

Usually, ganitong oras bumababa na yun at sumasabay mag almusal samin. Bakit wala pa siya?

"Maagang umalis ang kapatid mo. Hindi ba niya nasabi sayo kahapon?" tugon ni mommy.

Ha? San naman pupunta si Gab? Wala naman siyang nababanggit. Ay! Nakalimutan ko, hindi nga pala kami ayos kaya malamang, hindi niya sasabihin. Haay buhay!

"Ang alin po?"

"May pupuntahan sila nila Avery, Chelsea saka Laurence. Pupunta sila sa opening ng resort ni Laurence. Ang alam ko ay nauna nang pumunta dun sina Gabby at Chelsea, susunod naman sina Laurence at Avery mamaya. 1 week raw sila mag i-stay dun. Bakasyon na rin raw nila. Ayaw nga sana namin siyang payagan kung hindi ka kasama e kaso mapilit at kilala na rin naman namin sila Chelsea so pumayag na rin kami ng daddy mo." mahabang paliwanag ni mommy.

"Si Laurence yung lalakeng palaging kasama ni Avery dati di ba?" tanong ni dad kay mom.

Tumango si mommy bilang sagot saka sumubo ng sandwich.

Oh. Yun siguro yung kasama ni Ave kanina.

Napabuntong hininga na lang ako at nag paalam kila dad at mom. Tumungo ako sa kwarto at humiga sandali.

Ang tindi naman mag tampo ni Gab. Hindi man lang nag paalam sakin. Haay! Pang ilang haay ko na ba to? Nyemas!

-----

Tiningnan ko ang relo ko at 7pm na pala.

Nandito ako sa open space malapit sa bahay namin. Ang alam ko binili na to nila mommy at daddy kaso hindi pa nila alam kung anong gagawin dito kaya walang nakatayong kahit ano dito.

Dito ako nag pa-practice mag maneho. After ko mag muni muni sa room kanina, dito ako tumungo para mag aral mag maneho. Mejo nasasanay na rin ako. Bukas after ko mag almusal ganito na lang ule gagawin ko. Masaya naman pa lang mag drive.

Mas gusto kong self taught kesa mag enroll sa driving school. Mahal mahal pa ng babayaran. Tss!

Sabi rin ni daddy, bukas makukuha ko na ang lisensya ko. Marami kasing koneksyon sila dad at mom kaya hindi ko na kaylangan problemahin lisensya ko. Malamang malaki na naman ginastos nila dun.

-----

"Ma'am, kumain na po kayo ng dinner niyo." bungad sakin ni manang Cely pag dating ko sa bahay.

Oo nga pala, umalis din sila mommy at daddy kanina, pumuntang Singapore. 1 week raw sila dun. So? Ang ending one week ako dito sa bahay ng walang kasama. Ganito siguro sila dati pa.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Matapos akong kumain ng hapunan ay napag desisyunan kong mag lakad lakad muna sa labas.

Napatingin ako sa mga bituin sa taas at napabuntong hininga.

Meron na akong matatawag na pamilya, nabibili ko na ang mga gusto kong bilhin, meron na akong sariling sasakyan, yung mga wala ako nuon meron na ako ngayon pero bakit feeling ko may kulang pa din?

Wala akong masisisi dito kundi ang sarili kong mga magulang na matagal na akong iniwan. Bakit ko pa ba sila iniisip? Mukhang sila nga hindi nag sisi na iwan ako. Kainis! Naiinis ako pero parang wala namang silbi tong kinaiinisan ko. Makabalik na nga lang sa bahay at kung anu ano na iniisip ko. DAPAT hindi ko na iniisip yung mga taong nang iwan dahil wala na rin lang naman akong mapapala.

-----

Nakahiga na ako sa kwarto ko at nag hihintay dalawin ng antok. Kung sineswerte ka nga naman, mukhang walang balak dumalaw ang antok. Gising na gising pa rin ang diwa ko.

"Two na pala ng madaling araw.." bulong ko sa hangin ng makita ko kung anong oras na.

Tagilid dito dapa duon. Wala talaga!

Maya maya pa ay dinalaw na rin ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.

-----

Nag lalakad na ako pabalik ng bahay dahil tapos na akong mag jogging.

"Good morning ma'am." bati sakin ng isa naming katulong, ang alam ko ay kamag anak ni manang Cely iyon. Inabutan rin niya ako ng towel pang punas ng pawis.

"Ma'am, may nag hahanap po sa inyo." sabi ni manang Cely.

"Sakin?" takang tanong ko sa nakakatanda.

Wala naman akong naging ka-close simula nung ampunin ako ng mga Clayton. Sila Chelsea at Avery pa lang ang nakikilala ko.

"Opo. Kyle Alexis Clayton po ang sabi nila kaya panigurado po akong kayo ang hinahanap nun." pag lilinaw niya.

"Nila!?" gulat na tanong ko sa matanda.

"Opo, apat po sila. Dalawang babae at dalawang lalake." sabi ni manang.

Tumango na lang ako at pumunta sa sala kung nasan ang sinasabing bisita ko.

Pag dating ko ay bumungad sakin ang dalawang magandang babae at dalawang gwapong lalake. Sa tingin ko ay mas matanda ako dun sa dalawa samantalang yung isang lalake at yung isang babae naman, tingin ko ay mas matanda sila sakin.

"Good morning! Anong sadya niyo sakin?" tanong ko sa apat.

Nang makita nila ako ay ngumiti silang apat sakin. Lalo akong nagulat sa sunod na sinabi nung isang lalake..

"Anjan na pala si ate!"

Kyle & AveryWhere stories live. Discover now