Kyle's POV
Dalawang buwan na ang lumipas at isa na akong ganap na Clayton, Kyle Alexis L. Clayton.
Lakas maka foreigner ng pangalan. Wala e, yayamanin yung mga umampon sakin.
Sa dalawang buwan na mabilis na lumipas, maganda ang pakikitungo sakin ng pamilya. Tinuring akong tunay na anak nila mommy Gale at daddy Gabriel.
"Kyle, isang buwan na lang at mag sisimula na ang pasukan. Fourth year na kayo ni Gabby." Masayang sabi ni mommy.
Nasa hapag kainan kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng hapunan.
"Don't worry dear, you'll be with Gabby and Patrick. Same school lang kayo. Are you excited?" Ngiting ngiting sabi ni mommy.
"Kind of but at the same time nervous."
"Well that's normal." Sabi ni daddy at sumubo ng hiniwa niyang steak.
Kumain lang kami nang may sumagi sa isip ko.
"Dad.." Tawag ko sa atensyon ni father earth. LOL!
"Yes?" Tugon niya.
"Sabi mo last time may ibibigay kang book sakin, about marketing strategies." Sabi ko habang nakatingin sa pag kain ko.
"Dalawang beses ko na kasi nabasa yung tatlong book na binigay mo sakin about management & operations." Sabi ko tapos tumingin kay dad.
Ngiting ngiti si dad habang nakatingin sakin. Maging si mommy at Gabby ay naka ngiti rin.
"Ah guys? What's with those creepy smile?"
Bigla naman silang nagkatinginang tatlo at sabay sabay na tumawa.
I love this feeling. May pamilya na akong maituturing kong sakin. Masaya akong sila ang naging pamilya ko. Shet! Drama ko.
Tumigil na sila sa pagtawa at nag salita si dad..
"Tell me Kyle, anong kurso ang gusto mong kuhanin?"
"Anything as long as it's related to business."
Oh ha? Napapa ingles ako. Pano ba naman sa dalawang buwan ko dito puro sila ingles pati mga katulong.
"Kyle you need to choose kung sa Management ka, Financial, or Marketing." Nakangiting sabi ni Gab.
"I'll go with management." Sabi ko kay Gab at ngumiti rin sa kanya.
"Okay! May taga pag mana na pala ako." Masayang turan ni dad.
Si Gab kasi gustong maging chef so she'll be taking culinary. Matagal nang alam nila mom and dad pero di sila tumutol. Eto ang isa sa gusto ko sa pamilyang to, walang sapilitang nagaganap.
"And regarding the books, pumunta ka sa office ko after dinner. I'll give it to you." Dugtong pa niya.
Ngumiti ako at sinabing..
"Okay dad."
-----
Nagising ako sa tunog ng alarm clock kong napaka eskandalosa.
Antok na antok man ay pinilit kong bumangon.
"5 o'clock.." Mahinang sabi ko nang makita ko ang orasan.
Tumungo ako sa banyo para maghilamos at mag tooth brush. Matapos nun ay nag bihis na ako ng pang jogging ko.
Simula nang tumira ako dito.. Jogging, mag gym, basa ng libro, tulog at kain lang ang ginagawa ko. Madalang pa sa madalang akong lumabas at mag mall.
Pag ka baba ko ay nag kakape sina mom and dad sa dining.
"Good morning mom and dad!" Masigla kong bati.
Tumingin naman sila sakin at bumati rin.
"Good morning baby girl." Sabi ni mom.
"Good morning taga pag mana ko." Nakangiting sabi ni dad.
Nakasinghot ng utot ang mga magulang ko. Lakas maka baby girl ni mommy ganun si dad.
Natawa na lang ako sa tinawag nila sakin.
"Dad, mom mauna na ako. Mag ja-jogging pa ako."
"Ingat sa pag punta niyo sa work and please don't forget to eat on time." Pahabol na sabi ko at humalik sa pisnge nila.
"Take care hon, see you later!" Sabi ni mom.
"By the way, pag inaya ka ni Gab later, sumama ka ha? I have a gift for you." Sabi ni dad.
Tumango na lang ako bilang sagot at lumabas na.
Gift?
Ano kayang gift tinutukoy ni dad? Tapos naman na ang birthday ko. Bahala na nga, makikita ko rin naman mamaya.
Sinimulan ko nang tumakbo.
Kamusta na kaya ang mga bespren ko?
Kelan kaya kami ule magkikita kita nila James, Ron at Theo? Alam ko namang next week ay makikita ko na ule si Patrick. Haay sobrang miss ko na sila.
Sa lalim ng iniisip ko ay 'di ko napansing may nabangga akong babae na nag ja-jogging rin.
"Ouch!" Mahinang sabi nung babae nang mapaupo siya.
"I'm sorry. Lumilipad kasi ang utak ko." Pag hingi ko ng paumanhin sa babae at iniabot ko ang kamay ko para tulungan siyang makatayo.
"Sorry sorry, nasa outer space kasi ang utak ko e."
"Sorry talaga." Sabi ko ule.
Tumawa ng mahina yung babae dahilan para mapatingin ako sa kanya. And oh..
'She's beautiful'
Black wavy hair, kinis ng balat, maputi, ang ganda ng black na black niyang mata, matangos na ilong at ang natural pink lips niya ay talaga namang kaakit akit.
Wait--what the fuck!?
Attracted ba ako sa kanya? Maybe. LOL! Kung anu ano na pumapasok sa isip ko, palibhasa hindi pa ako nag almusal.
"You're drooling." Sabi ng babae at pag katapos ay tumawa ng mahina.
Alam ko namang hindi ako nag lalaway e, inaasar lang ako neto kasi siguro napansin niyang nakatitig ako sa kanya. Sasakyan ko na lang din ang trip niya. 😏
"Not my fault. You're gorgeous." Sabi ko at ngumiti ng pag ka laki laki.
Luh? Namula yung mukha niya. Baka nainis siya sa sinabi ko, ayaw niya siguro ng sinasabihan ng compliments. Pero sa ganda niyang yan imposibleng wala pang nag sabi sa kanya nun. Okay nag o-overthink ka na Kyle.
"My name is Kyle. Kyle Alexis Clayton." Pag iiba ko ng topic at inilahad ko ang kamay ko.
"I'm Avery York. Ave or Avery would be fine." Pag papakilala niya at inabot ang kamay ko para makipag kamay.
Binitawan ko na ang kamay niya. Nag paalam na rin ako sa kanya dahil iba ang dadaanan ko sa dadaanan niya. Kumaway ako at tumakbo na palayo. Hindi na ako lumingon pa dahil feeling ko mag kikita pa naman kami. Napapangiti ako sa naiisip ko.
What a beautiful day it is!
Di ko alam kung bakit pero feeling ko sobrang saya ko ngayon. Di mawala wala ang ngiti sa labi ko.
I know we'll meet again.
YOU ARE READING
Kyle & Avery
Novela JuvenilMag papauna na po ako. :) This is a girl to girl love story. Pipz who are not comfortable reading this kind of story, please don't bother to click. Ciao! :) ----------------------- Kuntento na ako sa kung anong meron ako dati. Lumaki man ako sa baha...