Chapter 5

22 0 0
                                    

Kyle's POV

"Hi Kyle!"

"Avery.." iyon lang ang nasabi ko nung makita ko si Avery.

I don't know if I'm being weird or what but gosh she's so beautiful, hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

Nabalik ako sa reyalidad ng mag salita si Gabby.

"Avery? Chelsea?"

Chelsea pala pangalan nung kasama ni Avery. She's pretty.

But wait.. Kilala ni Gabby si Avery?

Tiningnan ko si Gabby ng may pagtataka hanggang sa nag salita yung tinawag niyang Chelsea.

"Hi Gabby!" sabi niya at nakipag beso siya kay Gab.

"Hi Kyle! I'm Chelsea, Avery's cousin." nakangiting sabi niya at inilahad ang kamay niya.

"Hi! Nice to meet you." sabi ko at inabot ang kamay niya upang makipag kamay.

"What are you guys doing here?" tanong ni Gabby kay Ave at Chelsea.

"Nothing important." sabi ni Chelsea.

"How about you? What are you doing here?" dugtong pa niya.

Tumingin sakin si Gab at inirapan ako bago sumagot kay Chelsea. Luh? E sa ayaw ko nga mag suot ng dress tapos pipilitin niya ako, siya pa may ganang magalit. Kung di ko lang kapatid to e.

"Well, I want to buy Kyle a dress but she doesn't want because she said she's not wearing that kind of clothes. Pss, whatever."

"Whatever." sabi ko at ginaya ang tono ng boses niya.

Wala lang. Pang asar ko lang sa kanya.

Hinampas lang ni Gab ang braso ko. Ouch ha! Alam kong suntok dapat yun, nahiya pa siya. Natawa na lang sila Avery at Chelsea.

"Hey, let's go to Gabby's favorite ice cream parlor. Para makaupo tayo habang nag uusap." pagbabago ko ng usapan.

Tumango sina Chelsea at Avery samantalang inirapan naman ako ni Gab. Sungit! Kanina lang ang sweet e. Malambing na nga baka magalit pa lalo.

Sinundan ko na agad si Gab dahil nauna na siyang nag lakad. Nasa likuran naman namin yung dalawa.

Lumapit ako kay Gab at inakbayan siya.

"Gab.." malambing na sabi ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama. Ba yan! Kasi naman bat naisipan niya akong bilhan ng dress.

"Sorry na.." nag pout pa ako para maawa siya. Di ko sigurado kung bagay ko pero alam ko mukha kong engot ngayon.

"Tss." sagot niya at binilisan pa ang lakad papasok sa ice cream parlor.

Nakahanap ng mauupuan si Gab sa bandang dulo. Ako na ang nag order para sa kanya tutal alam ko naman na din ang gusto niya.

Nang maka order na rin sila Avery at Chelsea, sabay sabay na kaming pumunta sa table. Katabi ko sa kanan si Gab at nasa tapat ko naman si Chelsea.

"San pala kayo nag kakila kilala?" tanong ko sa tatlo habang kinakain ang chocolate ice cream ko.

"Mag kakaklase kaming tatlo since 1st year kami and I think this coming senior year, mag kakasama ule kami." sagot ni Chelsea.

"How about you and Gab?" tanong ni Avery habang nakatingin lang sa ice cream niya.

May lungkot akong nahimigan sa boses niya.

"How did you two meet?" dugtong pa niya.

Nag katinginan kami ni Gab. Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung paano ko sasabihin na inampon ako ng mga magulang ni Gabby. Kahit papano, nakaramdam ako ng hiya. Buti siguro kung simula baby ako, kasama ko na sila Gabby pero hindi e. 15 years old na ako nung inampon nila ako. Baka kasi isipin ng iba ay oportunista ako. Mga tao pa naman ngayon napaka judgemental. Haay! Kung sana hindi ako iniwan ng magulang ko nun, wala ako sitwasyon na to.

Nakita ko sa mga mata ni Gabby ang pag aalinlangan. Siguro di niya rin alam kung anong sasabihin.

Napayuko na lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Biglang tahimik ang table namin.

"No offense Gab and Kyle but.. Are you guys dating?" tanong ni Chelsea habang naniningkit ang mga mata niya.

Nag katinginan ule kami ni Gab but this time ngumiti kami sa isa't isa.

Nakita kong napakunot noo si Chelsea at napayuko si Avery.

Is there something bothering her? Para kasing may mali sa kinikilos ni Avery.

"No we're not dating. I'm her sister." sabi ko kay Chels. Napansin kong lalong napakunot noo si Chelsea habang tumingin sakin si Avery nang naka kunot noo din. Siguro na confuse sila dahil all this time they knew na only child lang si Gabby.

Bago pa sila mag tanong ng mag tanong, inunahan ko na sila.

"I'm adopted." sabi ko.

Alam kong marami silang tanong at bahala na si Gabby sumagot nun dahil mag kakaibigan naman sila.

"Save your questions guys, I'll explain the next time we see each other. For now, Kyle and I really have to go." sabi ni Gab.

"Nag text kasi si Mommy, pinapauwi na kami ni Kyle. I promise I will explain everything." dugtong pa niya at saka tumayo at nakipag beso kay Avery at Chelsea.

Tumayo na ko at tumango na lang kay Chelsea at Avery.

"Mauuna na kaming umuwi." paalam ko sa dalawa.

Bago pa kami humakbang palayo ay hinawakan ni Avery ang braso ko.

Tiningnan ko siya ng may pag tataka.

"Can I have your number Kyle?" tanong niya na para bang nahihiya.

Nginitian ko siya at saka ako tumango.

Iniabot niya ang phone niya at dun inilagay ko ang number ko.

"Thanks!" sabi niya ng nakangiti.

"No prob. Pano? Una na kami." sabi ko.

Nag lakad na kami ni Gab palabas at tumungo na sa parking lot.

I don't know what is happening to me pero ang weird ng nararamdaman ko pag nasa malapit si Avery.

Hindi pa ako na inlove at hindi pa ko nag ka crush kaya hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko towards her and to think that Avery is a girl too.

I just met her this morning so what's with this weird feelings?

Naputol ang pag iisip ko ng mag salita si Gabby.

"We're here." walang ka emo-emosyon niyang sabi.

Sa tagal nang pag iisip ko, di ko namalayang nasa bahay na pala kami.

Ugh! Galit pa din si Gabby. Ampotpot naman oh!

Nakipag beso kami kina mom and dad na halatang kararating lang galing work.

"Kyle.." tawag sakin ni dad sabay abot ng susi.

"Anong paggagamitan ko nito dad?" takang tanong ko.

Ngumiti si dad at sinabing..

"Your car."

Kyle & AveryWhere stories live. Discover now