Chapter 7

24 0 0
                                    

Gabby's POV

Ang ganda dito at nakaka relax ang lugar.

Andito kami sa Palawan, sa may resort ni kuya Laurence. Inimbitahan kasi kami ni kuya Laurence sa opening ng resort niya pag dating na pag dating niya dito sa Pinas.

Mas masaya siguro kung andito si Kyle. Nag gagalit galitan lang naman ako dun, gusto ko kasing nilalambing niya ako. Feel na feel ko ang pagiging mag kapatid namin.

Ano kayang ginagawa niya sa bahay? Alam ko kasing wala dun sila mom and dad, tulad ko, one week sila bago umuwi. Naawa naman ako bigla kay Kyle. Sana pala sinama ko na lang siya dito.

Speaking of Kyle, kahapon mag hapon text ng text, ang sweet sweet tapos ngayon isang beses lang nag text tapos wala na. Ay bahala siya!

"Huy!"

"Ay Kyle!" napasigaw ako. Gulatin ba naman ako ni Ave. Gosh!

"Gosh Ave! Aatakihin ako sa pinag gagagawa mo e." pagalit ko dito.

Tumawa lang ang gaga.

"San pala sila Chels at yung kuya mo?" tanong ko dahil mag isa lang ni Ave na pumunta dito sa pwesto ko sa tabing dagat.

"Andun sila ineentertain ang mga bisita ni kuya." sagot niya.

"Iimbitahin ko sana si Kyle nung bago kami pumunta dito, nag kita kasi kami nung nag jogging kami ni kuya kaso nung binati niya ko, tumakbo rin siya agad tapos hindi ako pinansin nung tinawag ko siya." dagdag pa niya.

Ano bang kinahiligan nila sa pag ja jogging sa umaga e papagurin mo lang sarili mo tapos mag papawis ka pa. Eew!

"Hindi rin naman mahilig mag lalalabas ng bahay yun." sabi ko.

Maya maya ay tumunog ang phone ko. Baka si Kyle na ang nag text, namimiss ko na talaga ang kapatid ko na yun. Kahit di kami mag kadugo talaga. Wala siyang arte, hindi siya maluho, nakakatawang kasama at marami pa siyang ugaling gusto ko.

Nanlumo naman ako nang nakitang hindi si Kyle ang nag text.

Subscriber lang pala.

"Tara balik na tayo dun Ave. Let's enjoy! Next week ay pasukan na." nakangiti kong sabi kay Ave.

Tumango naman si Ave at sabay na naming pinuntahan sila Chelsea at kuya Laurence.

-----

Ang bilis lumipas ng oras. Ngayon ay andito na ako sa bahay.

Sobra akong nag enjoy dun sa Palawan. I'll definitely go back there.

Masaya akong pumasok at hinanap ng mata ko si Kyle, sobrang miss ko na yun, ngunit nalungkot ako nung sinabi sakin ni manang Cely na pag katapos niyang mag almusal ay umalis siya at sinabing gagabihin ng uwi. Hindi rin daw sinabi kung san siya pupunta. Nabanggit ni manang na madalas siyang lumabas nitong mga nakaraang araw at gabing gabi na kung uuwi.

Pansin ko rin na parang may iba kay Kyle. 5 days rin siyang hindi nag text sakin nung nasa Palawan pa kami. Hindi naman siguro nag da-drugs yun. Erase erase! Hindi ganun si Kyle.

Maya maya na din pala darating sila daddy at mommy. Matutulog muna ako.

I quickly went to my room and sleep.

-----

Nandito na kami nila mommy at daddy sa dining para mag hapunan. Tapos na rin kami mag kamustahan at mag kwentuhan pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Kyle.

Tahimik lang kami habang kumakain para bang hindi na kami sanay nang wala siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain nang dumating ang kanina pa namin hinahanap.

"Kyle anak!" ngiting ngiting sabi ni mommy sabay tayo at niyakap siya.

"Good evening po." walang emosyong sabi niya.

There's definitely something wrong with her. I can feel it.

"Join us." pag anyaya ni dad sa kanya.

"I already ate dad." walang gana niyang tugon.

Nag katinginan kami nila dad at mom. Alam kong ramdam nila na may something dito sa kapatid ko.

Ano bang nagyari habang wala kami?

"I'll go to my room na po." dugtong pa niya.

Tumango na lang sila mom and dad.

"Did you two fight?" tanong ni mommy sakin.

Well, nag katampuhan pero hindi naman sapat na dahilan yun para maging ganun siya and I know na hindi yun ang rason niya.

"No mom. Baka pagod lang siya."

"Sana nga yun lang." sabi ni dad.

-----

Lumipas ng mabilis ang araw and Kyle become distant to us. Madalang na siyang makipag kwentuhan samin nila dad at mom, hindi na rin siya madalas sumabay kumain samin at palagi siyang umaalis sa bahay. Para bang iniiwasan kami. Nag bago siya sa hindi namin alam na dahilan. Naiinis na ako at maging sina mommy at daddy ay hindi na rin mapakali.

Andito ako sa room ko, nag hahanda ng mga gamit ko para bukas. Pasukan na kasi bukas.

Plantsado na ang uniform ko at nakaayos na rin ang mga dapat dalhin.

Bumaba muna ako para mag meryenda, bigla akong nagutom sa pag aayos.

"Mom, dad!" bati ko kila mommy at daddy.

Ang aga ata nila ngayon?

"Where's Kyle?" tanong ni dad. Mukhang galit si dad.

"Dear, kumalma ka." pag papakalma ni mommy kay daddy.

"No! We deserve an explanation from Kyle. Bakit all of a sudden nagbago siya? It started nung dumating tayo galing Singapore. Meron bang nangyari nung wala tayo!?"

"I can't focus myself on work knowing that my daughter changed in a snap. Alam kong ganito rin ang nararamdaman mo mommy!" galit na sabi ni daddy.

Malamang meron talagang nangyari nung wala kami. Ngayon ko lang nakitang nagalit si dad ng ganito.

Kyle what the heck happened to you?

"Dad, she's not here. Like the other days, pagkatapos niyang mag almusal umalis siya." sabi ko kay dad.

Galit na umupo si dad sa couch na nasa sala at tumabi naman si mommy sa kanya. Umupo ako sa tapat nila mommy.

"Ma'am, sir."

Lumingon kami sa nag salita, si manang Cely lang pala.

"Ano yun manang?" tanong ni mommy.

"Eh narinig ko po ang sigaw ni sir. Ayaw ko po sanang mangielam kaya lang baka po makatulong yung sasabihin ko sa nangyayari kay ma'am Kyle."

Sumensyas lang si mommy na ituloy ni manang ang sasabihin.

"Nag simula po siyang mag bago matapos po siyang kausapin ng mga bisita niya nuong nasa Singapore pa po kayo at nasa Palawan naman si ma'am Gabby. Ang iniwan nilang mga pangalan sa pag kakatanda ko po ay Lexus, Lexa, Lexie at Lex Griffin. Ang tingin ko po'y mag kakapatid sila dahil magkakamukha sila."

Huminto si manang sa pag sasalita at tumingin sa baba saka muling nag salita. Nakatingin lang kami nila mommy at daddy sa kanya.

"Hindi ko naman po intensyong makinig sa usapan ng iba kaya lang po nung inabot ko yung meryenda nila narinig ko pong tinawag nung isang lalake na ate si ma'am Kyle at narinig ko rin pong tinawag na little sister nung isang babae si ma'am Kyle."

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni manang. Lalong lalo na si dad.

Kyle & AveryWhere stories live. Discover now