CHAPTER 2 First Impression

92 4 0
                                    

5 years ago...

"Ang Cute niya talaga"-ako habang nakapangalumbaba

"Ano ba yan! Kanina pa ko nagsasalita dito, di mo napapansin?!"-sabi ni Dindin na parang naaasar na

"Ano ba yon?"

"Wala! Nakita mo lang si Welson lutang ka na diyan!"

"Hindi nohh!"-pagdedeny ko

Si Dindin talaga. Palibhasa alam niya lahat ng secrets ko. Siya nga pala ang bestfriend kong si Dindin Agoncillo, siya lang naman ang makulit na makulit pero pinagkakatiwalaan ko. Simula Grade 1 bestfriend ko na siya.

"Ok dismiss"-Ma'am

Yeeyyy! Uwian na! Grade 6 section B ako sa Palace Elementary School. Ang bilis ng panahon, parang kahapon Jun lang....

"Halaaa O___O"-ako

"Oh bakit?!"-Welson

"Ah wala..^__^ Nakita mo ba si Dindin?"- tanong ko habang nakangiti

"Oo sabi nga niya sumunod ka nalang daw sa baba, may bibilhin lang daw siya, Di mo ba narinig?"-siya

"Ahh.. si-sige!"-nauutal-utal kong sagot

"Kanina ka pa nakatungo diyan ah! Ano bang iniisip mo?"-paguusisa niya

(ikaw)"ahh wala naman.."

"ah ok sige una na ako sa baba"-siya

"Sige, babay!"-pagpapaalam ko

"......"

MELLY'S POV

Waaaaahhhhh! nakakahiyaa.. nauutal-utal pa ako. OO NA! dahil sa crush ko, kay Welson, nagulat ba naman ako noh! Pagtingin ko sa classroom kami nalang natitira. *v* haaay..

Naalala ko tuloy nung 1st day of school, kaming dalawa din yung naiwan sa room, kaso pangit yung nangyari eh...

*flashback*

Lalabas na sana ako kaso pagtayo ko, di ko namalayan na bukas pala yung file case ko -__- ayun!

sumabog lahat ng gamit kong laman non... pinulot ko pa isa-isa. Nagtataka ba kayo kung bakit ang dami kong dala eh first day palang? sipag ko kasi eh hahah XD joke, excited lang talaga kong gamitin yung mga bagong pens, papers, notebooks, etc. Iniwan pa kasi ako ni Dindin eh, sinundo kasi siya ng mama niya!

Habang pinupulot ko yung papers, nakita ko yung isang lalaki na nakaupo sa last row, nakita kong nagdadrawing siya. Seryoso pa nga yung mukha niya eh. Nacu-curious tuloy ako sa drawing niya.. eh basta ewan ko ba doon..

Pinagpatuloy ko lang yung pagpulot ko nang biglang tumayo na siya at parang malungkot.

"ahmm.. kuya, wala kang kasabay?"-tanong ko

"wala"-siya

"bakit parang malungkot ka?"-hindi ko alam kung bakit ko natanong ang bagay na iyon..

Ewan ko kung bakit natanong ko pa iyon, sadyang friendly lang ako pero nainis lang ako sa attitude niya nung sinabing....

"wala.. anong paki mo?"-siya

Grabe taray naman niya, puro "WALA" yung sagot niya sa lahat ng tinanong ko, pero parang familiar yung itsura niya. Eh basta ewan ko.

Ayan bumaba na rin ako sa hagdan. Nasa harap ko siya ngayon tapos biglang humarap siya sa akin at napatigil naman ako at nagulat, nagtataka ko kung bakit siya tumigil

"sinusundan mo ba ko?"-pagtataka niyang tanong sa akin

"Ano??! Helloo? iisa lang po ang punta natin. ang makaalis na dito sa building. Natural uuwi na ako, uwian na eh, baket, may iba pa po bang daanan para bumaba? kasi kung meron, baka doon ako dumaan! Masyado ka namang assuming na sinusundan kita! At bakit naman kita susundan aber? ha? Ano? di ka makasagot?"-ako habang nakapameywang

"tinatanong ko lang!Ang dami mong sinabi. Daldal. Tssk"-siya

Ughhhh! kainis, badtrip tong lalaking to! akala ko pa naman mabait, gwapo pa naman. Oo gwapo siya, medyo maliit nga lang, kasing liit ko.

*end of the flashback*

Ok, siguro nagtataka kayo kung bakit ko siya naging crush eh ang pangit ng first impression ko sa kanya diba?!

Worth Waiting For... [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon