MELLY'S POV
Katatapos lang ng klase namin. Inutusan ako ni sir Randell, ang guro namin sa matematika na dalhin ang mga test papers sa faculty room.
Dahil sa kabilang building pa ang faculty room, kailangang lumabas ako at makipagsiksikan sa mga estudyanteng papauwi na.
Marami nang mga estudyante ang lumalabas na sa kani kanilang classroom at nagpapaunahan patungong gate. Papalabas na sana ako ng building ng freshmen pero nakasalubong ko si Dindin.
Sa sobrang gulat ko dahil naghalo ang nararamdaman kong saya at pagkamiss sa kanya, bigla ko na lang siyang niyakap kahit ba may dala akong makapal na papel.
Nagulat ako dahil hindi man lang niya ginantihan ang mga yakap ko kaya't napabitiw ako sa kanya habang ipinapakita sa kanya ang aking mukha na nagtataka.
"Ah.. Dindin? Hindi mo ba ko namiss?" -sabi ko kasabay ng ngiting hindi maipaliwanag.
Hindi siya nagsalita at diretso lang nakatingin ang mga mata niya sa dalawang mata ko. Siguro, JOKE time nanaman niya ito. Hindi ko nalang ito pinansin.
Dahil sa pagtataka ko sa kinilos ni Welson kanina, gusto ko siyang tanungin kung may alam ba siya tungkol dito gayong magkaklase naman sila. Agad lumabas sa bibig ko ang mga katanungang iniisip ko.
"Uhmm.. Dindin may napapansin ka ba kay Welson kasi----"
"Welson nanaman?"-cold na sabi niya
Hindi ko naituloy ang dapat na tanong ko dahil sa sinabi niya. Mukha siyang galit at seryoso. Ngayon, alam kong hindi ito isang JOKE time lang. May biglang kaba akong naramdaman sa dibdib ko. Hindi ko siya mabasa at hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya.
"Ah.. Oo kasi kanina hindi niya ako pinansin at---"
"Melly TAMA NA!"- pagputol niya ulit sa sasabihin ko.
"Pupunta ka sa akin para magkwento. Pupunta ka sa'kin para may kausap ka at Pupunta ka sa'kin kapag may kailangan ka!"- dagdag pa niya
Natigil ako sa kinatatayuan ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ako makapaniwalang seryoso siya sa sinasabi niya. Ngayon lang niya ako sinigawan at ngayon lang siya nagalit ng ganito sa akin pero HINDI KO ALAM KUNG BAKIT.
"Natural Dindin, pupunta ko sa'yo! Kaibigan kita eh"-sagot kong malumanay
"KAIBIGAN?! Iyon ba ang kaibigan para sa'yo? Pupuntahan ka lang pag may kailangan siya?" -siya
"Haa? Nandito din naman ako kapag kailangan mo din ako ah!"- sabi ko na parang nagtataka
"Oh TALAGA? Nandiyan ka ba no'ng kailangan kita? Parang wala naman ata"- sarkastikong sabi niya sa akin
"Eh Dindin, ngayon nga lang tayo nagkita ulit eh!"-ako
"Oo nga! Ngayon mo nga lang ako nakita kasi si WELSON lang naman yang nakikita ng mga mata mo, siya lang din laman ng isip mo at bukambibig mo eh!"-sabi pa niya
Hindi ko alam kung bakit kami nag-uusap ng ganito ngayon. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyanteng napapadaan. Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil totoo naman. Parang si WELSON na lang lagi ang nakikita ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hindi ako makapagsalita. Tumahimik saglit hanggang nagsalita ulit siya.
Mahina pero alam kong may kaunting sakit habang sinasabi niya.
"Noong graduation natin, kasama ko sa honor students, ni hindi mo manlang ako nabati. Pero si Welson, todo ngiti ka pa sa pagbati na parang siya lang yung nakakuha ng awards. Kasi nga Melly, SIYA LANG NAKIKITA MO!" -sabi niya na parang nagseselos
Nakakunot na ang noo ko at may namuong luha sa mata ko.
Hindi ako makapaniwalang nakalimutan ko lahat ng tao sa paligid ko nang dahil kay Welson.
"D-dindin sorry"-iyon nalang ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Melly tinuring kitang matalik na kaibigan at para na ring kapatid ko. Papatawarin naman kita eh, hindi naman kita natitiis, pero sana lang tinutupad mo yung pangako mong di mo ko kakalimutan!"-sabi niya nang mahinahon
Unti-unting lumabas sa mga mata ko ang kanina pang namuong luha dito. Natuwa ako nang marinig ko ang mga iyon.
Oo nga, nangako ako sa kanya at hindi ko nagawa ang pangakong iyon sa unang pagkakataon. Halos makalimutan ko na siya dahil sa sobrang atensyon ko kay Welson.
Yung PANGAKO...
*flashback*
Dindin! Huyy! Bakit hindi ka namamansin?"-pagtataka kong tanong
"Oh, nasaan na yung bago mong best friend? na crush mo din?"-sarkastikong pagtatanong niya
"Haa!!!?? Ano bang sinasabi mo?"-ako
"Bakit ka pa pumunta dito eh nakahanap ka na ng bago mong best friend diba?"-siya
Napangiti naman ako at mukhang alam ko na kung bakit hindi niya ako pinapansin at kinakausap.
"Nakuuu!! Nagtatampururot ang best friend ko?!!"
"Wag ka na magtampo, hinding hindi kita pagpapalit kahit crush ko pa iyon"- dagdag ko
"Talaga lang ha!"-paninigurado niya
"OO naman. Dabest ka eh!"
At iyon, umuwi kami ng may ngiting namumutawi sa aming mga labi.
Matampuhin talaga yung si Dindin, pati DIARY ko pinagseselosan niya eh, kaya nasasabi ko na lahat sa kanya.
Habang pauwi kami, out of the blue niyang itinanong ito...
"Best, promise mo sakin na hindi mo ko kakalimutan kahit ano mangyari ah!"-out of the blue niyang tanong
"Oo naman, I promise. Ikaw talaga! Kung anu-ano na naiisip mo. Paano naman kita makakalimutan eh Grade 1 palang tayo ikaw na lagi nakikita ko?!! Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha mo eh"-pagbibiro ko
"Ahh ganon, sige doon ka na lang sa Welson mo!"-siya
"Syempre, joke lang yon noh! ahahah"-ako
"Sus"
"AHAHAHAHAHAH"
*end of the flashback*
"Oo. Hindi na mauulit. Salamat"-nakangiti kong sabi sa kanya
"Wag ka na nga umiyak! Para yun lang eh. Gusto ko lang marealize mo na nakakalimutan mo na ko. Hindi nga kita matiis eh! Kaya kapag nag-aaway tayo, hindi pa umaabot ng limang oras"
Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Sinamahan naman niya ako sa faculty roon matapos ang kadramahan namin. Natutuwa ako dahil kaibigan ko siya.
Nasaan na kaya si Budoy.. Gusto kong ipakilala siya kay Dindin. Gusto kong magkakilala at maging magkaibigan din ang dalawang itinuring kong tunay na matalik na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For... [On-Going]
Teen FictionThis is a story about a grade school GIRL who tries to wait for a BOY. But can we say that the little boy is WORTH WAITING FOR..? or there is SOMEONE who REALLY WORTH THE WAIT? Let's find out who is this SOMEONE. Enjoy Reading:)