MELLY'S POV
Grabe ang bilis ng panahon magse-Second year High School na ako \m/
Kasalukuyang papunta kami ni Gerald sa building ng Sophies para tignan ang Room II2.
Makikita din namin sa pintuan ng room na iyon kung sinu-sino ang mga kaklase namin.
Pagtuntong na pagtuntong namin sa classroom ay tinignan ko na agad ang papel sa pintuan kung saan nakasulat ang pangalan namin.
O______O
"Oh em GEE!!"
"Bakit? Ano meron at nanlalaki yang mata mo?" tanong ni Gerald sa akin
.
.
May classmate kaming Welson Vargas????
Wala naman akong natatandaan na may kapangalan siya dito sa campus eh.
Siya lang naman kilala kong Welson at Vargas ang apelyido.
.
.
So, ibig sabihin ba nito..
CLASSMATE KO NA SIYA??
Pero bakit siya napunta ng section 2 e ang tali talino non?
"Huuy! Ano ba yan?" si Gerald sabay tingin sa papel na kanina ko pa tinitignan
Nakita kong nanlaki din ang mga mata niya nang makita niya ang pangalang "Welson M. Vargas"
"So, classmate natin siya ha" sabi ni Gerald at napatingin sa akin
"Ahh.. Oo nga Budoy, sa wakas naging classmate ko din siya" sabi ko na parang nag aalangang sabihin sa kanya
"Uhh.. Akala ko ba matalino yang pinagmamalaki mong Welson?" sabi niya habang nakangisi
"Ang yabang mo! Malay mo may nangyari lang, tsaka mataas pa din naman ung section 2 ah!?" pagtatanggol ko sa kanya
Pero habang sinasabi ko iyon kay Gerald, napangiti na lang ako bigla.
.
Dahil natupad yung hiling ko. Ang maging kaklase ko ulit siya.
Maya maya..
"Melly, promise mo nga sa'kin! Hindi mo pababayaan pag-aaral mo dahil natupad mo na yung hiling mo ah!" Kita sa mga mata ni Gerald ang sinseridad niya nang sabihin niya ito sa akin
"Oo naman noh! Hindi lang naman yun yung hiling ko, mas marami pa akong pangarap. Hindi naman umiikot ang buhay ko para lang makasama yun eh" desididong sagot ko sa kanya
"Buti naman" bulong niya ngunit rinig ko
WELSON'S POV
Papunta na ako sa bagong room ko ngayong second year para tignan ang papel sa pintuan.
Lahat ay required tignan ito dahil kokopyahin na namin ang schedule namin, kung sino ang mga classmates namin, at i dodouble check kung tama ang spelling ng buong pangalan.
Ayaw ko sanang pumunta kaya lang niyaya ako ng isa ko pang classmate na si Patrick
Malapit na kami nang makita ko sila Melly at yung Lalaking ewan na lagi niyang kasama
Nakita ko sila sa tapat ng ROOM II2 kung saan yung new room namin.
.
.
Tekaa, bakit sila nasa harap ng room namin? Wag mong sabihing magiging classmate ko sila?
"Pre ok ka lang?" tanong ni Patrick
"Haa.. O-oo okay lang! Saglit lang cr muna ko" pumunta agad ako ng cr pagkasabi ko non.
.
.
.
Hindi ko alam, pero may part sa sarili ko na gusto kong maging kaklase ulit si Melly pero parang may part na AYOKO NA lalo pa't may bago na siyang lalaking kaibigan, o ewan ko kung ano niya yon.
Sa tingin ko kasi parang hindi kami magkakasundo ng lalakeng ewan na iyon eh
Pero kung ganon, edi OK LANG..
Hindi pa ako sigurado sa ngayon kung kasection ko nga sila kaya pagkatapos ko mag-cr, tinignan ko muna ulit kung naroon pa sila bago ako lumapit dito.
Nakita ko namang wala na sila kaya dali dali kong pinuntahan si Patrick.
"Antagal mo naman mag-cr -,-" reklamo ni Patrick
"May nakapila pa kasi eh" pagdadahilan ko na lang
"Sus! sige na kopyahin mo na ung sched naten" utos niya
"Sched natin??" nagtataka kong tanong
"Sige na! tinatamad akong kumopya eh, paxerox na lang ako maya" pangungulit niya
"Oo na oo na! Pasalamat ka kaibigan kita" naiinis kong pagkakasabi sa kaniya
"Hahaha THANK YOUUUU!" Pangaasar niya
-___-
At iyon! Wala na kong nagawa kundi kopyahin iyon.
Pero habang kinokopya ko yung sched., tinignan ko na din ang pangalan ng mga magiging kaklase ko, as expected, kaklase ko nga siya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi.
Kasi parang wala na kong gusto sa kaniya eh.
Minsan kasi, pag hindi mo na gaanong nakikita, nakakausap at nakakasama ang isang tao, mawawala na yung koneksyon at nararamdaman niyo sa isa't isa.
Nabaling na sa ibang bagay yung atensyon ko hindi tulad ng dati nong 1st year na hanggang 2nd quarter, sinusulyap sulyapan ko pa siya.
Pero iba na ngayon eh, hindi na tulad ng dati, kung may nararamdaman pa ko sa kaniya ng pagkagusto, hanggang kaibigan na lang.
NAHIHIYA ako sa kanya.
Minsan hindi ko pa din maiwasan na maisip siya dahil malaki ang naging parte niya ng pagkabata ko.
Ewan ko na ngayon, bagong buhay na kasi, hindi na kami elementary, HIGH SCHOOL NA KAMI..
Ano namang ikakahiya ko sa kanya diba? Ako lang naman ang may gusto sa kanya noon. At lahat ng bagay, pwedeng magbago.
Sa pagdaan ng panahon, marami nang nagbago, hindi lang sa paligid namin kundi sa mga sarili din namin.
Kaya ngayon, ewan ko pa sa sarili kung ano siya sa akin pero sa tingin ko, GUSTO KO PA DIN SIYANG MAGING KAIBIGAN.
Ok lang naman talaga sana na magkaroon siya ng ibang kaibigan, pero parang ang panget ng impresyon ko sa lalaking ewan na lagi niyang kasama. Ewan ko ba, parang may tinatago.
Pagkatapos naming puntahan ang Room II2 ay agad kaming nagtungo ni Patrick sa ministop. Medyo nagutom din kasi kami at sa di inaasahan pangyayari,
Nandoon din si Melly kasama yung lalaking ewan.
.
.
-,-
[AN: Waaaahh! Guys! Antagal ko di nakapagUD dahil tinapos ko lang yung isa kong ONE SHOT STORY. Ang title po niya is "GROUP ACTIVITY" I hope na mabasa niyo. Naging busy din po ako dahil may bago lang akong inaaral na kanta sa piano. So ayun, kahit naging busy ako, nagkaroon ako ng time na mag update Huehue XD haha SALAMAT]
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For... [On-Going]
Teen FictionThis is a story about a grade school GIRL who tries to wait for a BOY. But can we say that the little boy is WORTH WAITING FOR..? or there is SOMEONE who REALLY WORTH THE WAIT? Let's find out who is this SOMEONE. Enjoy Reading:)