CHAPTER 22 Pagbabago

30 3 0
                                    

Kinabukasan ay nakausap ko na siya.

Nakausap ko na siya ulit.

Sobrang saya ko dahil sa wakas, magkaklase na kami.

PERO pagkalipas ng mga araw..

Hindi ko inaasahan

Na sa loob ng isang taon,

Nagawa niyang magbago..

At ayaw ko ng pagbabagong iyon.

Bilang tagahanga niya noon-hanggang ngayon, hindi ko nagustuhan ang pagbabago niya..

Sa tingin ko ay ibang tao na ang kinakausap ko.

Hindi na siya tulad ng dati

Yung dating tahimik lang, Maingay na ngayon.

Yung dating matalino at masipag, tamad na ngayon

Yung dating sa akin lang makulit, sa lahat na ngayon.

Sa loob ng isang taon, marami na talagang nagbago. Hindi ko alam pero kahit hindi ko gusto ang pagbabagong iyon, may nararamdaman pa din ako sa kanyang hindi ko maipaliwanag.

Sa pag-uusap namin.. Parang hindi na siya yung Welsong kakilala ko noon.

Para siyang nahihiya noong una pero nang maglaon, pinakita na niya yung totoong siya ngayon.

"Melly, may assignment ka ba sa biology?" tanong ni Welson sa akin

"Ha!? O-oo meron"

"Pwedeng pakopya ako? Anong oras na kase ko nakauwi sa bahay kahapon eh" normal lang niyang pakiusap sa akin

"Ah sige"

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang ganito na siya ngayon..

Actually, pangatlo na niya ngayon akong kinokopyahan sa takdang aralin namin. Ang iba naman, sa iba niya kinokopya

Alam kong dapat akong "ma-turn off" sa kanya pero hindi ko lang ito pinansin.

Nasa ikatlong markahan na kami ngayon at ganoon lang palagi ang ginagawa niya. Pinagsasabihan na nga ako ni Gerald na sa susunod ay wag na akong pumayag dahil nawiwili na daw siya.

Pero ito ako ngayon, pinapabayaan lang..

Nakakasagot pa din naman si Welson sa mga discussions namin pero sadyang tamad lang talaga siya.

Magaling parin siyang magdrawing kaya sumali siya sa art club ng school. Dito na lang siya bumabawi pang dagdag ng grades.

*LUNCH*

Si Gerald pa rin hanggang ngayon ang kasa-kasama ko kahit saan. Siya pa lang din ang natitirang kaibigan ko.

Si Cesca ay sa una ko lang naging close pero ng malaman kong may issue at inaasar siya kay Welson, parang hindi na kami nakakapag usap.

Ewan ko kung paano nangyari yung issue sa kanilang dalawa. Ang sabi lang ni Patrick na kaibigan ni Welson, may gusto daw siya kay Cesca.

Kaya naman medyo nasaktan ako no'ng panahong iyon. Pero hindi ko na inisip dahil may CRUSH lang naman ako sa kanya.

"Sinabi ko nang wag mo na pakopyahin yung lalaking yun eh!" sabi ni Budoy

"Eh nakakahiya namang tanggihan eh" pagdadahilan ko sa kanya

"Anong nakakahiya? Siya kaya ang nakakahiya! Biruin mo nasa mataas na section siya, tapos kumokopya lang siya!" naiinis na sabi ni Gerald

"Budoy wag ka nga masyado maingay! Mamaya marinig ka niya eh.. Dito din kaya siya kumakain minsan" mahina kong sabi sa kanya

"Eh ano kung marinig niya? Buti nga yon para mahiya naman siya! Kapal ng mukha" nakakunot pa din ang noo ni Gerald habang sinasabi ito sa akin. Halatang inis na inis siya kay Welson dahil sa ginagawa nito.

"Pabayaan mo na" mahinahon kong sabi sa kanya

"Pabayaan?? Bahala ka nga dyan!" Nakabusangot na yung mukha niya sabay kagat sa burger niya

"Hahaha" natawa naman ako sa itsura niyang iyon

"Walang nakakatawa Melly ah!" Tinignan niya ako ng masama

"Haha meron kaya! Yung mukha mo!" ito nanaman ako inaasar ko nanaman siya. Masaya talaga ko pag inaasar ko siya eh ewan ko kung bakit

"Nahahawa ka na sakin ah! Hoy Melly! Hindi ko na pinagtatawanan mukha mo kaya please, wag mo na gawin sakin yan" seryosong sabi niya pero kita ko naman na medyo ngumingiti ngiti na siya.

"Hahah Ok Budoy!"

Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming pumunta ng room.

Nakangiti pa kami parehas pagpasok namin sa room

Hindi pa namin time sa next subject kaya yung mga classmates namin ay nagkakagulo..

Pero parang sobrang gulo naman nila ngayon?

"Uyy Angelou, Anong meron? Bakit naghihiyawan kayo diyan?" tanong ko doon sa isa naming kaklase

"Ahh, nako kasi sinagot na ni Francesca si Welson! Nakakakilig nga eh!" sabi naman niya sa amin ni Gerald

O____O Nagulat naman ako sa sinabi niya

Grabe, ang ibig sabihin nito, SI WELSON NA AT SI CESCA?

Grabe hindi ko man lang nabalitaan na nanligaw si Welson sa kanya.. Nalaman ko na lang na SILA NA!?

"Ok lang yan!" si Budoy sabay himas sa likod ko

"Ok lang naman talaga ko eh!" palusot ko sa kanya pero ang totoo, parang biniyak yung puso ko at pinag tutusok ng maraming karayom

"I know you're not" bigla nalang akong niyakap ni Budoy

Hinila niya ako papuntang school garden namin at hindi ko alam pero bigla nalang pumatak yung luha ko.

"Thank you Gerald ha" sabi ko sa kanya matapos ko magemote emote

"Ano ka ba! Para saan pa ba na naging best friend mo ko!"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya

"Grabe Budoy! Crush pa lang yun ha! Nabroken-hearted na ko! tapos kelangan ko nang magmove on hahahaa" tawa kong pilit

Niyakap naman niya ako bigla ulit

Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa kanya. Atleast alam ko ngayon na mayroon taong laging nandiyan para sa akin. Walang iba kung hindi si Gerald.

Worth Waiting For... [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon