Pagkalipas ng ilang mga linggo, lalo pa kaming naging close at nagkaroon ng pagkakataon kung saan inaasar na kami ng aming mga kaklase at maging mga guro.
Dahil dito, lalo akong napapalapit, lalo akong nagkakagusto sa kanya at hindi niya alam iyon. Ayaw ko kasing magbago sa pagiging magkaibigan namin.
Pauwi na ako ngayon at hinahanap ko si Dindin.
Kanina pa niya ako hindi kinakausap. Ewan ko pero parang iniiwasan niya ako.
AYUUUUN!
Nakaupo lang pala siya sa canteen.
"Dindin! Huyy! Bakit hindi ka namamansin?"-pagtataka kong tanong
"Oh, nasaan na yung bago mong best friend? na crush mo din?"-sarkastikong pagtatanong niya
"Haa!!!?? Ano bang sinasabi mo?"-ako
"Bakit ka pa pumunta dito eh nakahanap ka na ng bago mong best friend diba?"-siya
Napangiti naman ako at mukhang alam ko na kung bakit hindi niya ako pinapansin at kinakausap.
"Nakuuu!! Nagtatampururot ang best friend ko?!!"
"Wag ka na magtampo, hinding hindi kita pagpapalit kahit crush ko pa iyon"- dagdag ko
"Talaga lang ha!"-paninigurado niya
"OO naman. Dabest ka eh!"
At iyon, umuwi kami ng may ngiting namumutawi sa aming mga labi.
Matampuhin talaga yung si Dindin, pati DIARY ko pinagseselosan niya eh, kaya nasasabi ko na lahat sa kanya.
Habang pauwi kami, out of the blue niyang itinanong ito...
"Best, promise mo sakin na hindi mo ko kakalimutan kahit ano mangyari ah!"-out of the blue niyang tanong
"Oo naman, I promise. Ikaw talaga! Kung anu-ano na naiisip mo. Paano naman kita makakalimutan eh Grade 1 palang tayo ikaw na lagi nakikita ko?!! Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha mo eh"-pagbibiro ko
"Ahh ganon, sige doon ka na lang sa Welson mo!"-siya
"Syempre, joke lang yon noh! ahahah"-ako
"Sus"
"AHAHAHAHAHAH"

BINABASA MO ANG
Worth Waiting For... [On-Going]
Teen FictionThis is a story about a grade school GIRL who tries to wait for a BOY. But can we say that the little boy is WORTH WAITING FOR..? or there is SOMEONE who REALLY WORTH THE WAIT? Let's find out who is this SOMEONE. Enjoy Reading:)