CHAPTER 13 Silay

67 5 0
                                    

Papasok na ako ng school ngayon. Naglalakad na ako sa hallway at kusang tumigil ang aking mga paa nang matapakan ko ang sahig sa tapat ng room nila. Hindi ko siya nakita kaya pinagpatuloy ko lang ang lakad ko ng dahan dahan. Malapit na akong lumagpas sa room nila nang biglang may kumalabit sa akin.

"Huyyy! Sino hinahanap mo dyan?"

Nagulat ako dahil ang nagsasalita sa likuran ko ay walang iba kundi ang kanina ko pa hinahanap. Si Welson. Sobrang napangiti ako pero hindi ko pinahalata. Para akong timang na nakatulala at di ko maigalaw ang katawan ko paharap sa kanya, kaya bigla siyang lumipat ng pwesto sa harapan ko. Winagayway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko at nagsalita ulit.

"Huyyy! Sabi ko sino hinahanap mo sa classroom namin!?"-siya

"Ha? Ah-wala-- si Dindin hinahanap ko"-nauutal-utal kong sabi habang nakangisi

"Ah ganoon ba? Matutuwa na sana ko, akala ko pa naman ako ang hinahanap mo! Uhmm.. Wala pa si Dindin eh"-sabi niya na parang hindi gusto ang narinig

Ginawa ko nanamang palusot si Dindin...

Pasensya na Welson kung hindi ko pa din masabi sa iyo. Hindi pa kasi ako handa eh pero sana, wag magbago ang tingin mo sa akin. Balang araw, magkakalakas din ako ng loob na sabihin ito sa 'yo, maghintay ka lang.

"Sige pasok na ko sa loob ah"- pagpapaalam niya

*KRIINNNGGGG* (Bell ringing)

Ayan na! Simula nanaman ng klase. Hindi pa naman ako late dahil nasa pintuan na ako ng room nang magring ang bell

Panibagong aralin nanaman ang tatalakayin namin. Hindi ko maiwasan na sa tuwing Recess o Break ay kusa nalang akong magcCR-kuno na sa totoo lang ay SISILAY lang naman.

Pagkatapos kong magCR slash SUMILAY, dumiretso na kami ni Gerald sa canteen para kumain.

Naghihintay lang ako mag isa dito sa lamesa dahil si Gerald ang bumili ng pagkain naming dalawa. Maya maya ay dumating na siya.

"Melly oh!"- abot niya sa akin ng sinangag na may siomai at shake

"Budoy gusto ko ng flavor ng shake mo! Gusto ko ng cookies n' cream! Palit nalang tayo! Nagsasawa na ko sa chocolate eh"-request ko sa kanya

"Ayoko nga! Favorite ko na to eh!" :P- pag-aangal niya

"Sige na pleaseeee!!"-pagmamakaawa ko

"O sige na! Pero hati dapat tayo! Hati tayo sa cookies n' cream, hati din tayo sa chocolate! Deal?!"-pag-aayos niya ng usapan

"Oo na oo na! Deal!"- payag naman ako noh. Buti makakatikim kaysa wala

Hinigop ko bigla yung cookies n' cream shake at bigla kong nakita si Welson sa loob ng canteen. May kasabay siyang babae at Take note! Silang dalawa lang ang magkasabay:(

Tinitignan ko siya sa mga mata niya at bigla siyang napatingin din sa mga mata ko.

Yung pagkakataong nagtama ang mga mata namin ay para akong nakuryente at biglang ngumiti ng abot tainga, pero napawi lahat ng kuryenteng naramdaman ko at ngiti sa labi ko nang hindi niya ako nginitian. Nakakunot pa yung mga mata niya at iniwasan ang tingin sa akin.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ko no'ng hindi niya ako nginitian at may kasabay pa siyang magandang babae habang kumakain.

Maya maya ay bigla nalang akong inakbayan ni Gerald at pinisil yung isang pisngi ko.

"Hoy! Kumain ka na nga! Wag mo na pansinin kung hindi ka nginitian. Malay mo may problema lang yon, o kaya hindi naman pala sayo nakatingin!"-sabi niya habang nakangiti

Worth Waiting For... [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon