CHAPTER 15 Meeting

58 4 0
                                    

MELLY'S POV

Kinabukasan ay agad kong kinausap si Budoy na mamaya bago kami kumain ng lunch ay ipapakilala ko siya kay Dindin. Pumayag naman siya dahil gusto daw niyang kilalanin lahat ng importante sa akin.

Natuwa naman ako sasinabi niya. Ang swerte ko talaga na may sweet akong kaibigan^__^

*fastforward*

Pangkaraniwan lang naman ang mga nangyari sa klase namin. Nagsulat, nagbasa, nagturo ang mga guro, nagreport, at iba pa.

Kriinggggg!!

Nang marinig ko ang bell ay agad kong hinila si Budoy pero pinigilan niya ko dahil hindi pa niya napapasok ang notebook niya sa loob ng bag niya.

"Budoy, bilisan mo! Baka mainip na iyon!"- sabi ko sa kanya

"Oo saglit lang! Eto na! Lalagay ko lang to sa bag ko!"- pagmamadali niya

Pagkatapos na pagkatapos nito ay agad ko nang hinatak ang braso niya at sabay kaming tumakbo hanggang sa room nila Dindin.

Sakto naman ay may kaklase siya sa pintuan kaya tinanong ko na.

"Uhmm.. Kuya pwede pong patawag kay Dindin?"- tanong ko

Bigla siyang tumingin at laking gulat ko na si Welson pala ang tinanungan ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya dahil napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Gerald na kagagaling lang sa paghatak ko sa kanya

Agad ko naman itong binitawan

"Ah si D-dindin ba? Saglit lang M-melly ah!"-nauutal-utal pa niyang sagot

"Ah-Salamat"

Tinawag naman niya si Dindin. Pagkarating na pagkarating naman niya sa pintuan ay pinakilala ko na siya kay Budoy

"Dindin! Siya nga pala si Gerald, pero Budoy yung tawag sa kanya ng nakakarami" -pagpapakilala ko sa kanya

"Ah.. Siya ba yung kinuwento mo sa akin kahapon?"- nakangiti niyang tanong

"Oo siya nga!"

"Teka, kinekwento mo ko sa kanya?"- nagtatakang tanong ni Budoy

"Oo naman. Best friend ko siya eh kaya lahat ng taong nakikilala ko at napapalapit saken e kinekwento ko sa kanya"-paliwanag ko

"Ahh.. Nice meeting you Dindin. Ikaw den lagi ka niyang kinekwento sa kin"-sabi naman ni Budoy

"Ah. Hello! Gwapo ka naman pala eh. Sabi ni Melly sa kin mukha ka daw unggoy haha pero Joke lang daw yon"-natatawang sabi ni Dindin

"Hoy! Dindin wala akong sinasabi sayong ganyan!"-pagdedeny ko

"Ah ganoon pala Melly ah! Humanda ka mamaya!"-pagbibiro ni Gerald

Nagngitian naman silang dalawa. Natutuwa naman ako ngayong araw dahil nagkakilala na ang dalawang tinuring kong matalik na kaibigan.

WELSON'S POV

Kanina, bago ko kumain ay tumambay muna ako sa pintuan ng classroom namin. Biglang may kumalabit mula sa likuran ko at nagtanong kung nasaan ang kaklase kong si Dindin

"Uhmm.. Kuya pwede pong patawag kay Dindin?" -tanong niya

Nanlaki ang mata ko nang malamang si Melly ang naghahanap kay Dindin at lalo pang nanlaki ang mga mata ko no'ng makita ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ng lalaking kasama niya palagi. Yung lalaking ewan.

"Ah si D-dindin ba? Saglit lang M-melly ah!"-nauutal-utal ko pang sagot

"Ah-Salamat"-pagpapasalamat naman niya sa akin

Agad ko namang tinawag si Dindin na nasa upuan niya lang naman

"Dindin tawag ka ni Melly!"- sabi ko kay Dindin na walang buhay

"Ah.. Saan?!"

"Sa pintuan"-wala paring kabuhay buhay na sagot ko

Nakita ko naman tumaas ang kilay niya at umiwas nalang ako ng tingin

"Sige.. Salamat pupuntahan ko na sila"- rinig ko namang sabi niya sa akin

Pumunta naman agad si Dindin

Kay Melly kasama yung lalaking ewan.

Nawalan na ko ng ganang kumain kaya umupo nalang ako sa armchair ko.

Tinitignan ko silang nag-uusap sa tapat ng room namin. Hindi ko maiwasang hindi sila tignan.

Nakita ko na parang pinapakilala ni Melly yung lalaking ewan kay Dindin. Bakit naman niya iyon pinapakilala? Sino ba siya?

Nababadtrip na ko

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko ba sila tinitignan

Tumungo na lang ako at naghintay ng oras. Wala na dapat akong pakialam kay Melly, wala na nga din ata siyang pakialam sakin eh.

-___- Hanggang kailan ba ko magiging isip bata!? Pati ba naman iyon pinoproblema ko. Pabayaan ko nga siya! Itutuon ko nalang yung oras ko sa iba. Ilalaan ko nalang yung panahon ko sa ibang bagay.

[AN: Sorry po medyo matatagalan pang magUD, super busy po ako ngayon and laging puyat, Dagdag pa no'ng nag-BIRTHDAY ako. Dami ko pang inasikaso. Ayoon, Sweet na ko XD 16 na ang lola niyo huehue. Thank you Lord:)]

Worth Waiting For... [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon