Enrollment naa!! Ngayon din ang araw na ilalagay sa bulletin board kung ano ang mga section namin.
Imbis na ang pangalan ko ang hinahanap ko, ang pangalang VARGAS, WELSON A. ang gustong makita ng mga mata ko =,= haaayy.. Kailan pa nagkaroon ng sariling utak ang mata ko!!???
"VargasVargasVargas
Vargas...
Vargas..
Vargas.."-bulong ko habang hinahanap ang pangalan niya
"Uhmm... Ate! Sa "boys" ka nakatingin kaya siguro hindi mo makita ang pangalan mo!"-sabi ng isang hindi ko kilalang lalaki na parang hinahanap din niya ang pangalan niya
"Ahh... Hindi naman pangalan ko yung tinitignan ko eh^___^"-sabi ko nang nakangiti
"Ah ganoon ba, sige sorry ^___^"
"Ok lang"
Nagbalik ako sa pagkakaconcentrate ko na hanapin ang pangalan niya and ayuun! Nakita ko din!
WOW! Section 1 siya!! Ano pa bang aasahan ko? Eh 2nd Honorable mention siya at matalino naman talaga siya..
Sunod kong hinanap ang pangalan ko.
"Sala.. SalazarSalazar
Salazar
Salazar.."
Ayoon! Section 4 ako T__T
Ok lang, mataas din naman yung section ko. Hanggang 15 kasi ang sections dito sa Ranger High School so, Ok na ito! Kaya lang hindi ko siya kaklase:(
Nanlumo ako sandali hindi dahil sa section 4 ako kundi hindi kami magkaklase ni Welson. Sana sa 2nd year, 3rd year, at 4th year, may chance na maging classmate ko siya.
Habang neg-eemote ako ay bigla nalang akong kinausap no'ng kaninang kumausap sa akin habang hinahanap ko ang pangalan ni Welson.
"Ate.. Anong section mo!?"-siya
"Uhh.. 4 eh"-sagot ko
"Wow, Great!! Classmate kita, may kilala na din ako"-tuwang tuwa niyang sabi
"Ahhh"-binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti dahil naeepalan ako sa kanya at feeling close agad
"Ayy sorry, hindi pa pala kita kilala. By the way, I'm Gerald Santos but you can call me "Budoy".. And you...?"-pagpapakilala niya
Natawa naman ako sa alias niyang "BUDOY" hahah parang yung dating soap opera ni Gerald Anderson na "Budoy:)" na kung saan yung bida eh eengot-engot o may sakit ata. Nabalik ako sa katinuan ko nang magsalita ulit siya
"Huuuy! Ano name mo sabi ko!!?"-tanong niya ulit
"Ahh ako si Melly"-simpleng sagot ko
"Oh Hi Melly! See yah sa pasukan"-Pagkasabi nya nito ay bigla nalang niya kong kinindatan at nag ba-bye na siya pero hindi pa siya nakakalakad ng tinanong niya ulit ako
"Uhmm.. Can I get your number? Kasi hindi ko pa talaga alam tong school, para lang sana may katanungan ako and kasama kapag may hindi ako alam"
"Sa tingin mo alam ko din tong school na to?? eh pareho lang naman tayong freshmen dito oh!!"-pagtataray ko sakanya
"Eh sorry na pero incase lang para parehas tayo at magkasama tayong alamin ang bawat sulok nitong school na to!"-paliwanag pa niya
"Osige na sige na! Para matahimik ka! O ito 09******7*9"
"Salamaaat"-sabi niya habang nakangiti ng malapad
"Oo na sige na, Magpakilala ka at wag mo kong tatadtarin ah!"-ako
Pagkaalis ni Gerald este Budoy, ay nagtaka ko sa sarili ko kung bakit ko binigay ang numero ng telepono ko sa kanya..
Haaay.. Bahala na nga, ok na din siguro iyon para may kakilala agad ako sa section namin.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For... [On-Going]
Teen FictionThis is a story about a grade school GIRL who tries to wait for a BOY. But can we say that the little boy is WORTH WAITING FOR..? or there is SOMEONE who REALLY WORTH THE WAIT? Let's find out who is this SOMEONE. Enjoy Reading:)