CHAPTER 3 Sitting Arrangement

89 5 2
                                    

Bakit ko nga ba siya hinangaan??

another *flashback*

1 week na nakakalipas after 1st day of school. Nag arrange ng bagong sitting arrangement si Ma'am Mary Bonifacio, she arrange it not alphabetically, inarrange niya kami nang BY HEIGHT para daw may chance ang lahat na makita ang nakasulat sa pisara.

.

Since maliit ako, sa harap ako pinaupo at ganoon din si Welson. Nagkataon ay katabi ko siya.

At first, naiinis ako na siya pa yung nakatabi ko because of what happened nga last week nung 1st day of school pero habang tumatagal na kinakausap niya ko, gumagaan yung loob ko sa kanya at nalaman ko rin na Welson Vargas ang real name niya.

Sobrang natuwa pa ako nung time na nagdrawing siya ng "puno", napaka realistic nung pagkakagawa. Kitang kita ko kung paano siya magdrawing at napahanga ako doon.

Saludo kasi ako sa mga taong artistic, yung magagaling magpinta, magdrawing, at kung anu ano pa. Pinagkatiwalaan sila ni God ng ganoong blessing. Ang galing!

"Ang galing mo naman magdrawing!"-pagpuri ko sa kanya

"talaga?! Salamat:) gusto mo itry?"-pagaalok niya sa akin

"nyeekkk. Di ako marunong niyan noh"-pagtanggi ko syempre nahihiya din ako

"Alam mo bang lahat ng tao marunong magdrawing?! Kaya nga tayo binigyan ni Lord ng kamay eh. para gumawa ng mga bagay na hindi natin alam na magagawa natin. Although hindi nga lang magaling yung iba at kulang sa practice pero kaya namang linangin yung bagay na yun eh"- sambit niya

"ha?pero..?"-ako

"Sige na, itry mo lang tutulungan kita madevelop yung drawing skills mo!"-siya

Ayon, kaya sobrang nabaitan ako sa kanya nung araw na iyon. Hindi naman pala siya kasing sama ng iniisip ko eh.

Nawala si "Bad impression" ko sa kanya at napalitan ito ng "good" hanggang unti-unti akong napapahanga sa kanya at narealize ko nalang na crush ko na pala siya.

First time ko lang magkaroon ng ganoon. First time ko humanga sa isang lalaki na pag nakikita ko siya, natutuwa ako.

*end of the flashback*

(AN: Magkaiba ang CRUSH sa LOVE, "Crush doesn't mean you are already in love, It's just a product of attraction that comes from the qualities of your ideal person".)

Worth Waiting For... [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon