CHAPTER 20 Kamay

33 3 0
                                    

GERALD'S POV

Pagkatapos naming magkulitan,

mag-asaran, at magtawanan sa ministop, inaya ko na siyang umuwi na dahil medyo dumidilim na.

"Tara na nga! Ang dami mo pang sinasabi eh" sabi ko sa kanya habang nakaakbay

"Oo na Budoy! Ang bigat ng kamay mo tanggalin mo nga" sabay hawak niya sa kamay ko habang tinatanggal ito

Sa pagtanggal niya ng kamay kong nakapulupot sa leeg niya,

ramdam na ramdam ko ang malambot niyang kamay na nakahawak sa kanang kamay ko

Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya

Ramdam kong nag init ang mukha ko ng mga oras na iyon. Buti na lang at medyo padilim na. Hindi niya ako nakitang namumula.

"Oh ayan! Hindi na mabigat yan ah" sabi ko na lang habang hawak pa din ang kamay niya

Grabe ang sarap sa pakiramdam na hawak ko yung kamay niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon dahil hindi na siya nagsalita

Maya maya, napadpad na kami sa bahay nila

Tinanggal na niya ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko

Nalungkot ako saglit at napaisip kung mauulit pa kaya ang pangyayari kanina, yung pangyayaring masaya kami, yung paghawak ng kamay niya sa kamay ko.

"Ah. Si-sige Budoy pasok na ko" nauutal niyang sabi sa akin

"Sige pasok ka na" sagot ko naman

"Uhh.. hindi ka pa ba uuwi?" hindi ko alam pero parang kinakabahan siya at parang hindi siya mapakali

"Uhm.. uuwi na pero hintayin muna kitang makapasok:)" sabi ko sa kanya

"Ah! Sige Ingat ka ah" sabay ngiti niya sa akin

"Sige! Ikaw den. Ingat sa pagpanik sa hagdan" biro ko

"Hahaha ikaw talaga! Osige na! Pasok na ko! Babu"

Pagpasok na pagpasok niya, hinintay ko muna siya makapanik sa kwarto niya.

Titignan ko yung ilaw kung bumukas na

Nagulat naman ako nang sumilip siya sa bintana

"Huy! Akala ko ba uuwi ka na?" sigaw niya

"Oo nga! Ito na nga oh! Naglalakad na!" sigaw ko pabalik sabay kaway sa kanya

Pagtalikod ko ay bigla na lang akong napangiti

Hindi ko mapigilang matuwa sa nangyari sa aming dalawa! Grabe napakabata lang namin ngayon. Magsesecond year High school pa lang kami pero ganito na pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan talaga.

Maaari na bang maramdaman ng isang trese anyos lang ang salitang PAG-IBIG? Iniibig ko na ba siya? MAHAL KO NA BA SIYA?

MELLY'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto at nag iisip ng magulong bagay. Hindi ko alam pero..

"Ughhh.. Angulo!" napalakas na sabi ko

"Melly ano ba yang ginagawa mo? Sino kausap mo diyan?" sabi ni mama

"Wala ma! Yung manika ko lang kausap ko, naglalaro ako mag-isa eh" palusot ko nalang.

Alam naman kasi ni mama na kahit medyo matanda na ko, naglalaro pa din ako pag walang magawa kaya iyon na lang ang sinabi ko.

Iniisip ko pa din yung nangyari kanina

Yung oras na masaya kami ni Budoy.

Sa ministop, sobrang saya ko kahit alam kong nagkakasakitan kami, kahit pinapalo palo ko siya, kahit kinikiliti niya ko hanggang maubusan ng hininga XD ANG SAYA lang.

Kahit anong gawin namin, ok lang. Minsan siya magpapalibre sa akin, minsan ako ang magpapalibre sa kanya..

Parehas kami ng trip lagi.

Minsan naisip ko

Mas BEST FRIEND ko pa siya kaysa kay Dindin eh..

Bihira ko na lang kasi si Dindin nakikita

Haaay.. Pero noong nahawakan ko ang kamay niya, hindi ko alam pero parang ang sarap sa pakiramdam. Lalo na no'ng hinigpitan niya ito.

Hindi ako makapagsalita no'ng mga oras na iyon. Feeling ko ineenjoy ko lang..

Ewan ko ba..

Parang kakabahan ako lagi kapag gagawin niya iyon

Hindi naman kasi ako sanay hawakan ang kamay ng isang kaibigan.. Si Dindin nga hindi ko pa ata nahahawakan ang kamay non eh.

Pero no'ng nangyari sa amin ni Gerald yon, parang ang saya pala sa pakiramdam na may humahawak ng kamay mo..

Feeling mo, safe ka at hindi ka niya papabayaan at papakawalan..

Ewan ko pero ang korni nung feeling na iyon..

Sa sobrang korni nung "feeling",

Kakabahan ka pa.

Di ko talaga ma-explain eh..

----zz

"Melly! Kakain na!" sigaw ni mama

Grabe nakatulog pala ko sa sobrang pag-iisip sa hawak KAMAY na yan..

"Sige ma! Sunod na ko" sabi ko kay mama tutal nagugutom na ulit ako. Hindi ko na kasi nagawang kumain pa ng kanin pag-uwi ko kanina eh dahil nga sa pag-iisip ko ng kung anu-ano

Pagkatapos kong kumain, nanood lang ako ng TV, at naglinis na ng katawan.

Hindi ako agad nakatulog dahil katutulog ko nga lang kanina

Kaya ang nangyari, INIISIP KO NANAMAN

Iniisip ko nanaman yung KAMAY namin.

Ano bang meron sa kamay ngayong araw?

----

[AN: Hohoh ^O^ KAMAAAY! Haha XD Thanks readers and Thank GOD nakapagUPDATE na ko. Sorry KAMAY lang ang kinaya today! Vote and Comment please^__^Haha]

Worth Waiting For... [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon