Lumipas na ang maraming araw at hindi ko na lang inintindi ang mga nangyari.
Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Welson.
Nang naging sila ni Cesca, doon ko lang narealize kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Ang tanga tanga ko talaga.
Kung kailan hindi na pwede at kung kailan huli na ang lahat, tsaka ko pa nalaman na MAHAL KO NA PALA SIYA.
Ang tanga tanga ko talaga. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko nang mga oras na iyon. Feeling ko napakabata ko pa para maramdaman ang sinasabi nilang "PAG-IBIG".
Pagkatapos ko siya hintayin ng halos dalawang taon..
Simula ngayon, hindi ko na lang sila papansinin. Iiwasan ko na lang sila. Mas mabuti yon kesa makita ko silang masayang magkasama.
Hindi naman sa ayaw ko silang maging masaya, pero ayaw ko lang masaktan.
Mas mabuti nang ako na ang didistansya para hindi masaktan at para makalimutan ko na.
Kaya lang..
Kaklase ko sila.
Hindi ko maiwasang hindi sila makita at hindi mapansin.
---
Kasalukuyang nagrereport si Cesca sa harapan tungkol sa Florante't Laura
"Ang cute niya talaga" sabi ko sa sarili ko
Totoo namang cute siya at charming ang mukha niya. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit marami din ang nagkakagusto sa kanya.
At hindi din ako magtataka na nagustuhan siya ni Welson.
Ito nanaman ako.
INSECURE NANAMAN! -,-
Nabigla naman ako nang naghiyawan ang mga kaklase ko. Hindi kasi ako nakikinig. Tinitignan ko lang siya. Kung ano ang mayroon siya na wala ako.
Lagi naman eh. Insecure nga kasi. Hindi ko lang talaga maiwasan.
Masakit kasi hindi ko man lang nasabi kay Welson yung nararamdaman ko.
"Oh ano Cesca?" tanong ng guro namin sa Filipino sa kanya
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinaguusapan nila kaya tinanong ko na lang kay Angelou na nasa harapan ko
"Angelou! Bakit daw?"
"Sabi ni ma'am, ihalintulad daw niya yung pag-iibigan ni Florante't Laura sa pag-iibigan nila ni Welson! Hahah natatawa nga kami dito eh.. Kitang kita na ang pula pula nilang dalawa" sabi sa akin ni Angelou na parang kilig na kilig
== Sana pala ay hindi ko na itinanong
"Wag ka na makinig!" bulong sa akin ni Budoy na katabi ko lang
"Hindi ko na maiiwasan iyon!" bulong ko pabalik sa kanya
"Iwasan mo padin! Magtakip ka ng tenga!" normal na lang niyang sabi tutal wala naman silang pakialam sa amin
"Baliw ka ba!? Mamaya tanungin pa nila ko bakit ako nagtatakip ng tenga eh! Baliw!" nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya kay medyo parang nakiliti siya
"Oo na hahaha" si Budoy habang hinahawakan ang tenga niyang nakiliti
"Anong tinatawa mo diyan Santos?" Sabi ni ma'am Ramos na guro namin sa Filipino. nagulat ako dahil tahimik na pala sila lahat at tanging kaming dalawa na lang ang nagtatawanan
Napatigil ang lahat sa ginagawa nila at agad na nilingon kaming dalawa ni Gerald.
Tumayo naman siya at halata sa itsura niya na kinabahan siya bigla, maski ako naman ay kinabahan dahil ako ang kausap niya habang tumatawa
BINABASA MO ANG
Worth Waiting For... [On-Going]
Teen FictionThis is a story about a grade school GIRL who tries to wait for a BOY. But can we say that the little boy is WORTH WAITING FOR..? or there is SOMEONE who REALLY WORTH THE WAIT? Let's find out who is this SOMEONE. Enjoy Reading:)