PAGSUBOK

27.3K 97 51
                                    

May 23,2017

PAGSUBOKby AR RAMOS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGSUBOK
by AR RAMOS

Minsan gusto ko nalang sumuko,
Sumuko sa paraang alam ko,
Kasi ako to e, sino ba naman ako?
Isang maliit at walang boses na nilalang.
Mahirap at madalas malinlang.

Ngunit kahit tinanggihan ako ng mundo,
Lumaban ako,
Kasi akala ko malakas ako,
Akala ko kaya ko na ang mundo,
Na akala ko madali lang ang lahat.
Oo, totoo, hindi ako ang perpektong tao sa mundo,
Sino ba naman ako?
Ano ba naman ako?

Yun ang akala ko,
Mga bagay na gusto kong paniwalaan hanggang sa ngayon,
Na kaya kong umahon kapag nadapa,
Na kaya kong umahon kapag nahulog,
Na kaya kong umahon kapag natapakan,
Na kaya kong umahon kapag nasaktan,
Na kaya kong umahon kapag kaya ko.

Sobra, sobra sobra, di mapantayang tiwala sa sarili.
Bilib, Bilib na bilib ako sa kakayahan ko,
Kasi nga akala ko malakas ako,
Akala ko nga kasi kahit ang mundo ay kaya ko.

Yun ang napakalaking kamalian ng buhay ko,
Kasi pinagkatiwalaan ko ang sarili ko.
Nakalimutan ko na may isang Siya pala na nagsasabing,
"Nandito lang ako lagi sa tabi mo!"
"Di kita iiwan!"
"May plano ako para sa buhay mo!"
Bagay na kinalimutan ko dahil natakot ako.
Natakot ako na baka isang araw magulat ako kasi iwan Niya rin ako.

Sino ba naman ako diba?
Mga bagay na tila laging tanong sa isipan ko.
Bagay na kahit ako di ko mabigyan ng kasagutan,
Pero sinagot Mo.
Sagot na nakakatakot paniwalaan,
Kasi sabi Mo sakin,
"Anak kita!" "Tagapagmana kita!" na "Mayaman ka!"

Sinabi mo pa na kailangan kong maging masaya dahil malulungkot Ka.
Ginawa ko naman, naging masaya naman ako,
Ngunit lumipas ang mga araw tila yung ginagawa, humantong nalang sa sinusubukan.
Na sinusubukan ko nalang maging masaya,
Bagay na madali lang pagtakpan dahil sa talentong Ikaw din ang nagbigay.

Hanggang isang araw,
Sinabi Mo sakin muli na pagkatiwalaan kita,
Na kumapit ako Sayong muli,
Dahil itatakas Mo ako sa lungkot na nararamdaman ko.

Muli akong nagtiwala, humawak at kumapit ng mahigpit,
Nagbabakasakaling hindi mo ako iwan.
Totoo nga 't niyakap Mo ako at di iniwan.
Onti-onting kumurbang muli ang mga ngiti sa aking labi.

Maraming salamat sa pagsubok,
Tinuruan mo akong bumangon kasama ka.

-End-

(AN: I dedicated this Spoken Word to God. He never let me see the darkness in my life. He never failed to give me inspiration. He never let me go. I love you, Jesus. Thank you for saving me from the darkness and led me where the light is.
-AR RAMOS)

Spoken Words (Inspire By God)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon