Brunch

21 3 0
                                    

Tanghali na nagising ang magkakaiban. Pagkagising nila agad naman nagluto si Wendy. At sabay-sabay silang kumain ng Breakfast and lunch at the same time (o brunch).

After kumain at magligpit nagsiesta muna ang mga magkakaibigan. Kanya kanya ng hawak ng cp. Nag insta face agad si Wendy at tinignan nanaman niya ang profile ni Gwen.

Wendy: Tignan mo talaga friendsis!!! Hindi ka tinitigilan nitong babae na iisang guhit nalang ang kilay. Tignan mo oh nagpost naman ng picture nila mag-asawa may caption pa. "No matter how you try, you can't seperate us." Itsura!! Akala mo naman kaagaw agaw yung pangit niyang asawa. Che!!

Franchelle: Hayaan mo friendsis! Isaksak niya sa pisnge at kilay niya. At sana isaksak siya sa dangerous chin ni Rain hahaha. Itsura kala mo gwapo. Akala mo hinahabol ko. Yuck!

Wendy: True ka jan friendsis! Walang wala nga yan sa mga ex at manliligaw mo na talagang gwapo. Bagay lang sila magsama parehas gago hahaha.

Hillary: Hayynako yang Gwen nanaman topic nyo noh. Kayo talaga, oo nga pala tinulugan nyo ako kagabi hindi pa tapos ang storya ha.

Wendy: Hahaha sorry, Ating nakatulog na kasi ako sobrang busog haha.

Franchelle: Ako nakatulog naman kakahintay sayo haha.

Hillary: Nako! pasensya na tagal kasi lumabas ng pupu ko eh hehe. So anyways, tuloy na natin ang chikahan. Oh ano na pala nangyari kay Andres? Sana binigay mo na lang sakin hehe.

Wendy's Narration

  Edi ano pa ba? Edi basted. Hahaha Paano ba naman si Franchelle. Wala na ata talagang balak mag jowa nung mga panahon na yun. Panay paligaw ng paligaw walang sinasagot. Kaya ayan nakaramdam si Andres kaya siya na mismo ang umiwas. Hindi naman niya sinabi mismo sa mukha ni Andres na basted siya. Pero syempre nakaramdam din naman yung tao. Biglang isang araw hindi na nag paramdam. Tapos na balitaan na lang namin nasa ibang kompanya na pala. Hahaha si loko na broken ata kay Friendsis. Pinag-usapan nga namin yan sa pantry ni friendsis eh.

Wendy: Uy! Friendsis. Balita ko umalis na daw si Andres. Ikaw kasi pinaasa mo.

Franchelle: Oh? Wala naman akong sinabing umasa siya noh.

Wendy: Grabe naman to'. Wala ka na bang puso? Okay naman siya. Alam mo kung sakin yun may gusto pinatos ko na.

Franchelle: Wendy, hindi napipilit ang puso. Eh sa wala nga akong gusto sa kanya eh. Sinubukan ko naman diba? Kaso nagfail. Kung gusto mo siya sana nilandi mo na.

Wendy: eh sayo nga may gusto diba? Tska grabe ka naman. Sa "nilandi" ganun ba tingin mo sakin?

After kong sabihin yun hindi na umimik si Franchelle. Baka daw kasi magkainitan pa kami at mag away. Pero the whole shift hindi niya ako kinausap. Kaya naman ako na lumapit dyan para magka ayos kami agad. Ma-pride kasi yan hehe.

-

Hillary: Grabe naman si bebegirl. Ang haba ng hair. Siguro hindi pa  siyang handang magmahal nun. Kakagaling nga lang niya sa breakup diba.

Wendy: Sabagay, pero baka gumaganti lang din siya sa mga lalaki dahil nga niloko siya.

Nagtinginan naman ang dalawa kay Franchelle habang kumakain ito ng pakwan. Ngumiti lang si Franchelle sa kanila.

Hillary: So paano naman nagka-away yang Gwen na yun at itong si Franchelle natin?

Wendy: Hayynako! Ating, mahabang storya. Pero dahil friendship ka namin ishashare namin sayo. Pero mas mabuti kung kay Friendsis manggagaling ang buong katotohanan.

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon