Friendsis meet up

37 3 0
                                    

     Kahit bago pa lang ako dumami na agad ang mga kaibigan ko. Ang saya nga, kilalang kilala na ako sa work namin.

      After ilang days, may mga dumating na bagong batch ng newbies. Ang dami nila pero 3 lang din ang makukuha. 1 month training din sila. Isa naman ako sa mga nag-assist sa kanila bilang isa sa mga top employee.

      Every wednesday to friday ko sila tinitrain. Sa batch 2 ko nakilala yang si Wendy. Sobrang tahimik nyan noon. Akala nga namin hindi niya kakayanin yung work. Paano ba naman hindi nagsasalita. Ako nga una nagapproach dyan eh.

Franchelle: Hi! I'm Francelle and you are??

Wendy: Hi po. I'm Wendy.

Franchelle: I've notice you were so quiet. Okay ka lang ba?

Wendy: Opo. I'm just a little bit shy.

Franchelle: Naku, wag ka ng mahiya. Lalo na sakin as a sales person hindi dapat nahihiya. And one more thing, they have just assigned me to be your personal trainer. Oppps... Don't think it is a special treatment. Each and everyone of you in your batch has their own trainer. So, you're lucky you have me.

Wendy: Ayyy...Talaga po?

Franchelle: Yup! and we can also be friends.

Wendy: Sssuure! Sure! Yes we can be friends.
    

Akala ko naman sobrang mahiyain ng babaeng to. Akala ko hindi kami magkakasundo. Pero dahil palagi ko siyang kasama nagkasundo nadin kami. Mabait at kalog din pala tong si Wendy. Siya nga ang nakaisip ng tawagan namin.

Wendy: Franchelle. Tara kain tayo.

Franchelle: O sige, sunod na ako.

Wendy: Ito naman, bakit ang problemado mo dyan?

Franchelle: Ito kasing isang client natin they want to cancel. Nauubusan na ako ng rebuttals. Hayyy sakit sa ulo ngayon pa talaga.

Wendy: Chiiilll! Alam mo ikaw, ikain mo na lang muna yan para makapag-isip ka ng maayos. Tutulungan pa kita mamaya.

Franchelle: Hayyy ikaw talaga. Okay. What you have in there? Pahingi.

Wendy: O ayan burger and coffee.

Sabay kaming kumain ni Wendy at totoo nga ang sinabi niya nawala ang sakit ng ulo ko nun. Pero hindi lang yun hindi tumigil yang si Wendy kakachika habang kumakain kami. Panay tawa ko tuloy kaya nagood mood din ako. Nagulat ako nung natahimik sya yun pala nag-iisip siya ng tawagan namin.

Wendy: Ffffffrrie... Fre? Frieee

Franchelle: Hoy! anong binubulong bulong mo dyan?

Wendy: Ay! Frenchfries. Opppss.. Haha sorry alam mo nag-iisip kasi ako ng tawagan natin dahil magkaibigan na tayo.

Franchelle: Sus, uso pa ba yun? Hahaha.

Wendy: Oo naman. Ang sweet kaya nun sa magkaibigan.

Franchelle: Edi yung sinabi mo kanina. French fries ba yun?

Wendy: To' naman nagulat lang ako nun. Ano yun pagkain lang? French fries?? Pero maganda kung katunog nun. What if friendsis na lang??

Franchelle: hahaha korni.

Wendy: Ano ka sweet nga eh! Uy friendsis..  Odiba ang sweet haha.

Franchelle: Ewan ko sayo bahala ka haha. Ubusin mo na yan madami pa tayong gagawin.

Wendy: Okay friendsis! hihi.

   Tinulungan naman ako ni Wendy sa problema ko sa client. Hindi ko din akalain mareresolba niya yun samantalang trainee pa lang siya. Napapayag niya ang client na wag na lang magcancel. At nung evaluation na ng batch nila si Wendy ang nagiging Top 1. Nagulat ako akala ko kasi hindi siya tatagal sa pressure ng job namin. Pero natuwa din ako for her. Samantalang ako nung training days ko top 3 lang ako Hahaha. Nung naregular naman si Wendy mas lalo kaming naging close. Palagi kami magkasama pagkakain. Kami na din dalawa palagi ang top seller. Palitan kami niyan buwan buwan. This month ako, the other month sya naman. Pero wala kaming inggitan. We support each other. Kung sino man ang top siya palagi manlilibre. Maganda nga din bigayan ng incetives namin noon. Once nagbayad na yung client on the spot commission agad agad.

Madalas din kami ni Wendy sa mall tumatambay. Yung tipong napapagsasarhan na kami ng mall haha. Palagi kaming foodtrip niyan. Kahit may anak na si Wendy hindi yan papahuli sa mga gala. Lalo pa't kasama ako. Sobrang naging close ko siya sa work. Yung tipong pag aabsent siya malulungkot talaga ako.  Lahat ng bagay nasasabi ko sakanya. Ganun din naman siya sa akin. Kahit yung mga problema sa boyfriend ko noon na si Vince kinukwento ko sakanya. Hanggang nagbreak kami ni Vince dahil may iba na siya. Alam lahat niyan ni Wendy.

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon