The truth

19 2 0
                                    

Franchelle's Narration

Ganito kasi ang totoong nangyari..... I was enjoying my single life tapos yun dumami na manliligaw ko nung nabalitaan nilang wala na akong boyfriend. 1 month na nakalipas biglang may dumating na bagong trainees. Pang batch 12 na siguro yun. tatlo kami nila Scarlet, Faye at ako na nag guide sa mga bago. Tapos favorite nilang magpunta ng ibang newbies sa akin kasi approachable daw ako.

Ang naalala ko palaging pumupunta noon sa tabi ko sila Rico, Cecil, at Jack. Di ko din alam yung tatlong yun pala may crush sa akin. Sinabi lang nung main trainee nila na may gusto daw sa akin yung tatlo kaya palaging lumalapit sa akin. Si Cecil kasi tomboy at yung dalawa chickboy naman daw.

That time ang daming nagresign sa office kaya hindi lang tatlo ang kailangan namin. Mga sampu siguro silang nakapasa sa batch nila. Dahil tatlo ang kulang sa team namin tatlong baguhan ang napunta sa amin. At sabay sabay silang pinakilala nung supervisor namin.

Boss: Listen team! Meet your new teammates from batch 12. This is Rico, Billy, and Rain.

Kumaway at bumati naman sila sa lahat at binati din namin sila. Hindi ko inaakalang makakateam ko si Rico yung pinakamakulit na bago. Iniinggit niya noon si Cecil at Jack dahil nga kateam ko siya. Mas lalo pati siyang nakipagclose sa akin.

Boss: Oh! Paalala lang, dito sa team lahat parang magkakapatid lang ang turingan. Walang magbabalak ng iba. Si Franchelle at Aiko mga bunso ko yan. Lagi silang dapat babantayan dahil madaming lamok ang nakapaligid sa tabi tabi.

Yung ang paalala ni boss sa kanila. Masyado kasi kaming binibaby ni boss alam niya kasing ligawin ang mga bata pag sa work. Syempre pag nagkalove life na masisira na ang career.

Samantala, May iba't-ibang ugali naman yung tatlo. Si Rico, sobraaaang friendly nyan lalo na sa mga babae. Medyo matanda siya sakin ng 12 years pero hindi naman gaanong halata. Mahilig manlibre ng pagkain sa mga chix.

Si Billy naman, sobraaang tahimik. Hindi nga namin alam kung tatagal to sa work namin. Akala nga ng ilang kateam namin hindi talaga siya nagsasalita kaya tinuturuan nilang magsalita haha. Pero mabait naman siya sa lahat.

Si Rain naman...... Hindi ko masyadong napapansin yun eh. Simpleng ka-team lang talaga sya. Medyo tahimik pero hindi kasing tahimik ni Billy hah. Parang medyo suplado at feeling magaling. Ewan di ko talaga sya close nun. Ang close nya si Aiko talaga. Kasi parehas sila ng mga trip, mag-inom, magyosi, at kung ano-ano pa. Bibihira lang namin pati yan makasama kasi nga palaging nagmamadaling umuwi. Dahil palaging pinapagalitan ng jowa hahaha.

Sa totoo lang wala naman gwapo sa kanilang tatlo. Pero mukha naman silang matatalino. Lahat pati sila degree holder. Well inabangan na lang namin kung sino matitira sa tatlo.

Naging close pati silang tatlo simula nung naging magkakateam sila. Isang beses sa pantry narinig ko naguusap si Rico at Rain.

Rico: Ang swerte natin pare! Inggit yung iba sa atin. Kase kateam natin si Franchelle. Ganda ganda nun chix!!

Rain: Maganda ba yun? Puro make-up naman.

Rico: Grabe ka naman. Maganda kaya sya! Ang lakas nga ng dating. Yung nga batchmate natin crush siya.

Rain: Di ko type. Gusto ko yung simple lang. Katulad ni Trixie, pare. Yung trainer natin.

Rico: Sus! Chickboy ka din pala. Pakunwari ka pang loyal sa gf mo hahaha.

Hindi napansin ni Rico at Rain na magkatalikod lang ang mga upuan namin. Medyo na beastmode ako sa narinig ko. Kapal kasi mukha nung Rain na yun. Kung makapintas sa akin itsura naman! At kunwaring loyal chickboy naman. Kawawa naman yung jowa niya. Dahil sa narinig kong iyon mas lalo ko siyang nilayuan at hindi naging close.

Mas naging close kami ni Rico. Kami kasi palagi magkapartner at nagtutulungan. Ito kasing si Wendy nalipat na sa ibang team. Kaya gusto ko talagang hasain mabuti si Rico para maging top seller padin kami. Di naman ako nabigo kay Rico. Palaging maganda ang bentahan niya. Si Billy at Rain naman medyo sablay sa bentahan.

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon