Back to start

27 2 0
                                    

Hillary: Hayyyy. Bebe girl, wag mo na sisihin sarili mo. Kasalanan naman din nya siguro. Kung malabo man edi sana nilinaw nya?

Wendy: Oo nga friendsis, he's not just man enough for you.

Franchelle: It hurts, pero hindi naman yung malala. Natanggap ko din naman talaga. Baka nga infatuation lang lahat ng yon.

Hillary: Sa palagay ko nga. Can you continue pls?

Franchelle's Narration

Nagtuloy naman yung ganung set up namin e yung back to courting stage. Masaya naman parang I'm getting ready again. Almost there. Mukhang babalik nanaman kami. I mean konting konti na lang handa na ko na sagutin sya ulit.

Ang sweet sweet na nga namin eh.
Like pag pumupunta kami sa fast food at pipila para bumili ng oorderin nakayakap pa ko sakanya. Sobrang clingy ko kasi, which he actually love with me.  PDA kung PDA, we don't give a fuck sa mga nakakakita if we kiss, if we hug. Pero oo nga pala hindi pa kami.

We still tease each other pero pag may napikon na tska lang maglalambing ang isa. Tumatambay padin kami sa tambayan. Hinahatid nya padin ako sa bahay pag umuuwi. Sa namin bahay na kasi ako nakatira nun. Umalis na ko sa apartment. Pero pag hinahatid nya ko sa tapat lang sya ng bahay. As in tapat ng bahay hindi sa harap ng pinto o gate. Hindi ko sya pinapapasok sa loob. Sila mama kasi baka magtanong kung sino sya, isa pa hindi pa ko handa na ipakilala sya. Hindi naman kami e. I mean hindi pa naman kami ulit. Hindi pa ko ready na papasukin sya sa buhay ko.

Which I think okay lang sakanya. Basta ang mahalaga maenjoy lang namin what we have NOW.

We really don't care if there will be tomorrow for us.

And one day we've dated. Sinamahan ko sya bumili ng mga damit and stuff sa apartment nila. And then sinamahan naman nya ko magpamasahe at magpasalon. After that kumain kami ng pizza. Favorite namin kasi pareho madaming pinya on top. And after that, we've watched movie as well. Medyo drama nga ng konti yung movie. Pero kami tinatawanan namin yung mga drama moments ng story. Ganun kami kabaliw together.

Pag-uwi ko ng bahay after ng date namin ni Rain, nagpahinga muna ako at kumain. Habang nagpapahinga ko nun biglang may nag message sakin.

Si Gwen pala.

Hi Chelle!
Sana maging masaya kayo ni Rain, sige na pinapalaya ko na kayo. Alagaan mo sya. Sana mahalin mo sya ng sobra gaya ng pagmamahal ko sakanya. Ganyan lang talaga yan si Rain pero sobrang bait nyan. Nagpapasalamat ako sa anim na taon na ginugol nya sakin. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Siguro nga kayo talaga. At sana kayo na talaga. Pinapalaya ko na kayo. Simula ngayon wala ng gugulo sa inyo. Yun lang naman request ko ang ingatan at alagaan mo din sya kagaya ng pagmamahal ko sakanya. Sige hanggang dito nalang. Paalam.

Yun yung message ni Gwen. Nung nabasa ko yun, hindi ko alam pero bakit ganon? Parang may kirot. Nasasaktan ako na ganun yung message nya. Bakit feeling ko ako yung masama? Bakit feeling ko ako yung nang agaw? Kahit hindi naman. At the first place ako yung niligawan.  Ang sakit kasi may nasasaktan ako. Bakit ganun parang hindi ako masaya???
Alam nyo yung feeling ng ang sama sama kong tao. Parang may mali.

Pinabasa ko yun kay Rain nakita ko medyo malungkot din yung mukha nya. Hindi ko nga lang alam kung ano nararamdaman nya. Niyakap nya lang din ako. Maybe to comfort me o dahil may bigat din syang nararamdaman. Ewan di ko alam.

Pero after naman nun okay na ulit. Bumalik kami sa dati. Masaya, nagkukulitan, palagi magkasama.

Pero hanggang ngayon hindi padin namin inaamin kay Rico ang tunay namin nararamdaman para sa isa't isa. Ayaw kasi namin may magbago o lumayo si Rico. Ewan? Ayoko din naman maging unfair. Isa pa hindi na namin nakakasama ng madalas si Rico. Promoted na kasi, mas madaming obligasyon at busy sya lagi. Pero ang alam ko nakakaramdam din naman si Rico hindi nya lang din sinasabi. Hinihintay nya siguro na sabihin ko, o sabihin namin. Isa pa sanay kasi si Rico na lagi ako nagsasabi sa kanya. Pero yung bagay na yun hindi ko padin sinabi sa kanya eh.  Ayoko sya lumayo at masaktan in the first place.

______

Hillary: I get your point baby girl, kung bakit hindi mo sinasabi kay Rico. Ayaw mo sya masaktan. Oo, at ayaw mo din na may magbago sa friendship nyo. That's given. Pero hindi ko din sya masisi kung magagalit o lalayo sya. Right??

Franchelle: Yah! Tama ka, Ating. Even me. I couldn't blame him as well. If that's gonna happen.

Wendy: Kaya nga nung nalaman e todo iwas. Diba Friendsis?

Makulit na tanong ni Wendy, sabay ngiti.

Hillary: Oo nga. Paano pala nya nalaman. And ano ginawa nya after???



She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon