Continue courting

12 2 0
                                    

Hillary: Eh loko naman pala kasi yang Gwen na yan, hindi makamove on masyado kay Rain. Pinapababa nya sa sarili niya. Jusko! Pag ayaw na sayo let go na. May ibang mahal na yung tao eh,

Wendy: Eh desperada na nga, Ating. Akala nya kasi pag mamay-ari niya si Rain. Di nya alam sukang suka na sakanya yung tao.

Franchelle: Sa totoo lang hindi na yun pinansin ni Rain, he already moved on at enjoying my company.

Franchelle's Narration

Nagpatuloy si Rain sa panliligaw sakin. Palagi nya akong hinihintay pag maglulunch time na. Palagi nya ako nililibre ng food minsan naman binibigyan nya ako ng baon nya. Na niluto pa ng kapatid nyang si Cloud. At nung minsan lumuwas yung mama nila dito sa Maynila may dalang pasalubong yung nanay niya at binigyan nya ako nun.

Franchelle: Para sakin to? Ang dami naman. Hindi ka na ata nagtira para sa sarili mo.

Rain: Okay lang, sawa naman na ako jan. Para sayo talaga lahat yan. Para matikman mo specialty samin.

Franchelle: Thank you ha. Tara na kain na tayo.

Rain: Sige, Chelle! Kamusta na nga pala kayo ni Rico??

Franchelle: Okay naman, actually nagkausap na kami. Nagbigay pa nga sya ng chocolates eh. Kayo nagkausap na ba kayo?

Rain: Oo naman.

Franchelle: Talaga? Hindi ba sya nagalit sayo?

Rain: Hindi naman, sabi lang nya "May the best man win."

Franchelle: HAHA may pag ganun talaga? Alam nyo tama yan, sana our friendship remains. May sagutin man ako o wala sa inyong dalawa. Sana magkakaibigan padin tayong tatlo.

Rain: Oo naman. Sports naman kaming dalawa ni Rico.

Franchelle: Buti naman kung ganun. Ayoko kasing masira ang friendship natin tatlo. Alam mo naman parang kuya na tingin ko sa inyong dalawa.

Rain: Grabe naman sa kuya.

Franchelle: Eh bakit? Mas matanda naman talaga kayo sakin noh.

Rain: Okay lang yun. Age doesn't matter haha.

Franchelle: baliw!

Rain: Oo. Sayo

Franchelle: Yuck!

Pagkatapos namin mag-usap as usual back to work na kami. At sobrang frustrated ko sa isang client ko kasi ang labo kausap kaya nakasimangot na ako sa desk ko. Napansin naman yun ni Rain. Kaya nilapitan nya ako.

Rain: Bakit ka malungkot?? Ang tangos nanaman ng nguso mo oh. HAHAHA 

Franchelle: Che!! ikaw nga eh, bakit galit ka? HAHAHA parang laging galit ka kasi may patalim ka oh.

Inirapan naman ako nito na pakunwaring napipikon. Maya-maya dumating si Rico sa desk ko na may dalang chocolates. Nandoon nun si Rain at nag ngitian silang dalawa. Ang awkward pala pag dalawang magkaibigan nanliligaw sayo, at mas awkward pag kaibigan mo din silang dalawa.

Habang inabutan ako ni Rico ng mamahaling chocolate from Switzerland pa daw napansin ko naman si Rain na parang naiinis din kasi medyo naangatan na siya ni Rico sa panliligaw. Si Rain kasi palagi na lang dinadaan sa biro. Pero palagi ko naman sya kasama kasi hindi na namin ka teammate si Rico eh. Tska si Rain masyado akong guarded sa kanya, palagi nya ko hinihintay umuwi at maglunch palagi sya sumasabay sakin sa pagkain,dinadala nya yung bag ko, nanglilibre ng food. Ewan ko ba, iba din naman ang diskarte nya eh. He acts like he's my boyfriend samantalang si Rico naman typical na manliligaw. But I respect them both, importante kasi silang dalawa sakin eh. Minsan naman mag kakasama kaming tatlo tatambay sa apartment ni Rain. Pag petsa de peligro na kami mean wala ng pera tapos abang ng sahod. Tipid-tipid muna kaya sa bahay na lang kami tambay, food trip. Favorite namin kumain ng fishball. 

Pareho si Rico at Rain na halos 3 months na nanliligaw pero wala pa talaga akong sinasagot. Kasi nga wala pa ko nagustuhan tska nasa isip ko padin si Vince. Hanggang ngayon umaasa pa ako na babalik sya. Pero ang tanga ko lang kasi 3 buwan na wala pa rin siya.

Isang araw pumasok ako na sobrang devastated wala ako mapagsabihan. Hindi ko alam pero I feel so sad. Busy si Wendy nun, si Rain naka leave at si Rico naman hindi ko malapitan kasi laging busy. Nag lunch lang ako nun mag-isa. Pagbalik ko sa desk ko nagulat ako kasi may flowers sa desk ko. Isang bouquet ng bulaklak nagtataka ako kasi baka naipatong lang sa desk ko. Kaya tinanong ko mga katabi ko.

Franchelle: Uy! kanino to? Sayo ba to. Angie?

Angie: Hala hindi ah, kita mong nakalunch tayo kanina. Baka naman galing sa manliligaw mo.

Napaisip tuloy ako kung sino, pag tingin ko sa note may nakalagay na "You put smile on me, if you see these flowers please smile for me. I hope it brightens your day. I love the way you are." Yun yung naka note pero walang name. Naisip ko galing yun kay Rico, hindi naman kasi pwedeng kay Rain kasi wala nga sya nakaleave. Tinext ko na lang si Rico.

    Franchelle: Uy! Rico salamat sa flowers at chocolate ha?

    Rico: HA? flowers?? Welcome sa chocolate basta ikaw. Pero wala akong binigay na flowers.

Yun lang text ni Rico pero hindi ko na sya na replyan kasi nga iniisip ko sino nagbigay sakin nun. Pag out ko naman nakita ko si Rain sa labas ng lobby.

  Franchelle: Uy, tol! Bakit ka nandito? Diba nakaleave ka?

   Rain: Nakaleave nga, pero namimiss kasi kita. Hindi kumpleto araw ko pag hindi kita nakikita e. 

   Franchelle: Wow ha! Pick up line ka pa jan. Oy! Sayo ba galing tong flowers na to?

  Rain: Lah! Hindi noh.

   Franchelle: Talaga?? Pag nalaman ko nagsisinungaling ka hindi na kita papansinin kahit kailan. Busted ka na, unfriend ka pa. 

  Rain: A...e... Hehe oo, sakin nga sana nagustuhan mo.

 Franchelle: Sus! Sabi na eh, pero salamat ha. Pinagaan mo araw ko ngayon. Sobrang depress kasi ako kanina.

 Rain: Ha? Bakit anong problema? 

 Franchelle: Wala naman, I just feel down kanina.

Rain: HAHA kasi namimiss mo ko noh? Alam mo sinadya ko yun para ma miss mo naman ako.

Franchelle: Adik ka! Baka nga haha wala kasi akong maasar. 

Rain: Grabe ka talaga ang savage mo lagi sakin.

Franchelle: HAHA alam mo naman ganyan ako maglambing sayo.

Rain: Sabagay, sanay na sanay nako Chelle, o so? ano tara kain tayo?

Franchelle: Libre mo?

Rain: he.. he.. ano bang bago? Lagi naman haha

Franchelle: HAHAHA ganun talaga.

___________

Nagkatinginan naman ang tatlo pagkatapos magkwento ni Franchelle at nagsalit bigla si Hillary na may pag hampas pa.

Hillary: Naks! Nakakakilig din naman kasi diskarte nito ni Rain diba? Aminin at ikaw halatang halata na namimiss mo siya noh?

Wendy: Ayiie! Friendsis aminin, hehe.. Pakilig din naman kasi sya masyado.

Franchelle: Normal naman yun. I mean yung mamimiss ko sya.

At bigla naman tumawa si Wendy at Hillary na parang kinikilig.

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon