Team Outing

27 2 0
                                    

And there was a time na nag team outing kami. Naghiking kami sa bundok. As in buong team kami walang hindi sumama. Pumunta kami sa Mt. Ulap. It was too extreme for some of us kasi first time na makapunta kami sa taas ng bundok. Nakakapagod at nakakatakot. Sobrang kabado ko pero hindi ko pinapahalata kila boss. Binibiro ko pa nga sila eh.

Franchelle: Boss.... Hintayin ko na lang kayo dito sa baba hindi na ako aakyat. Ichecheer up ko na lang kayo hehe.

Nagpapatawa pa ako nun pero nininerbyos na ako..

Boss: Franchelle!! No. We all have to climb up..Just trust the team okay?

Tumango lang ako sa sinabi yun ni boss at sumunod sa kanya. Hindi naman ako pinabayaan ng mga Ka-team ko lalo pa't isa ako sa mga bunso nila. Si Rico naman laging nakaalalay sa akin. Sya nagbubuhat ng bag ko para daw hindi ako mahirapan. Pinasan nya sa harap niya yung bagpack ko kahit may dala na syang bag nya. Nakakapagod ang umakyat pero sobrang saya nung narating nanamin yung tuktok.

Boss: Goodjob team!! Sobrang proud ako sa inyong lahat. Ngayon sumigaw kayo at irelease nyo lahat ng stress.

Sabay sabay naman kaming sumigaw sa tuktok ng bundok. Hindi na nga namin naririnig ang sinasabi ng isa't-isa. Pero ang alam lang namin after that moment gumaan ang pakiramdam namin. Nagpahinga muna kami saglit. Nagpicture taking at snacks.

After ng mahigit isang oras nagdecide na silang bumaba na.

Aiko: Boss baba na tayo. Masyado na akong nininerbyos kailangan ko ng bumili ng yosi.

Boss: Oo baba na tayo. Tara na team let's go!

Nung pababa na kami nauna sila boss at ibang teammates namin. Sobrang nangangatog tuhod nung nakita ko na ang taas na pala namin at natatakot akong bumaba. Nagpahuli si Rain at ako naman natatakot tumayo sa kinauupuan ko hindi naman ako pinabayaan ni Rico. Hindi siya umalis sa tabi ko hanggat hindi pa ako tumatayo.

Rico: Franchy!! Tara na!

Franchelle: Huhu natatakot ako Rico. Parang hindi ko na kayang bumaba.

Rico: Ano ka ba wag kang matakot nandito naman kami ni Rain oh. Di ka namin papabayaan. Diba Rain?

Tumango lang si Rain sa sinabing iyon ni Rico.

Rico: Gusto mo ba ipasan pa kita?

Franchelle: Sira ka talaga. Wag na.. huhu.

Rain: Tara na! Bilisan nyo maiiwanan na tayo nila boss.

Tumayo na si Rain at nanguna sa pagbaba. Sumunod naman ako at si Rico ang nasa likod ko na buhat buhat padin ang bag ko.

Rico: Franchy!! Kanta na lang tayo habang bumababa para hindi ka kabahan at mainip.

Franchelle: Sige. Pero anong kanta naman?

Rico: Wait. Patugtog lang ako sa cp ko. Ito mga kanta ng PTX magaganda to.

Nagsimula naman ng pasoundtrip si Rico at nakikanta na din kami pati din si Rain kumakanta na din.

Derederecho lang kami sa paglalakad ng hindi ko namalayan may isa pa lang bato sa dadaanan namin hindi kasi sinabi ni Rain kahit siya naman tong nauna. Dahil dun na tisod ako at gumulong gulong.

Rico: FRANCHYYYY!!!!!!!

Sumigaw si Rico at napalingon naman si Rain nakita nya na gumugulong ako at malapit na sakanya. Buti na salo niya ako.

Rain: Okay ka lang ba???

Medyo matagal akong nakasagot dahil nanghina ako sa pangyayaring iyon. Di ko din namalayan na tinitigan nadin pala ako ni Rain. Medyo namutla ako first time kasing may tumitig sakin ng ganon katagal. At mas nakakahiya kasi walang kaayos ayos ang mukha ko. Syempre alangan mag make up ka sa bundok diba.

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon