Get closer

37 2 1
                                    

Wendy: Sus. Oo wala ka na dun pero obvious naman nung mga panahon na yun papansin na yan si Rain sayo.

Hillary: Alam mo tama si Wendy. Una pa lang nagpaparamdam na sayo si Rain.

Franchelle: Ano ba kayo, syempre wala lang sa akin yun kasi nga unang una hindi ko siya type, pangalawa he's my great competitor remember? At lastly may gf siya. Kaya hindi na dapat magbigay pa ng motibo.

Hillary: Sa bagay. Eh teka pano naman kayo nadevelop sa isa't isa?

Franchelle Narration

Wala naman, nagtuloy tuloy kasi yung friendship namin. Sa buong team close na kami lahat. Isang beses nga nag after shift meeting kami. Ako nasa likod lang tapos nag aasaran sila. Tapos biglang napatanong si boss sa gf ni Rain.

Boss: Gaano na kayo katagal ng girlfriend mo Rain?

Rain: 6 years po boss.

Boss: Tagal na ah, tagal nyo ng naglolokohan hahaha.

Sabay tawa naman lahat sa biro ni boss.

Boss: Sino mas matanda sa inyo?

Rain: Siya boss.

Boss: Ilang taon na sya?

Rain: 25.

Boss: Ah 2 years.....

Rain: Di po boss 24 months lang hehe.

Nagulat kami biglang nag seryoso mukha ni boss at nagsmirk.

Boss: Niloloko mo ba ako ha?

Sabay biglang hampas sa station niya ng hawak nyang stick, medyo nagulat at tumahimik kami lahat tapos biglang tumawa si boss. Wala, ganyan lang talaga kalakas mga trip ng team namin.

Boss: Ni minsan hindi ka tumingin sa iba?

Sabay umiling naman si Rain.

Boss: Very good! Pero maganda gf nito kahit paano ha. Hindi pang malakasan pero pwede na. Kaya lang mas matanda sayo. Bakit hindi mo i-try mas bata sayo? Nandyan naman si Aiko.

Sabay turo kay Aiko.

Aiko: Lah! Ako talaga?

Boss: Nandyan din si Franchelle.

Tapos ako naman tinuro.

Rain: Pwede boss???

Boss: Anong sabi mo?!!

Medyo pakunwaring galit pa yung mukha ni boss tapos pinutol ung stick na hawak niya.

Rain: Di boss. Joke joke lang hehe.

Kami naman pinapanuod lang namin magbiruan yung dalawa.

Pero sa amin wala lang yung mga biro na yun. Sobrang close na kasi kami. Umabot nga sa point na wala na lang samin ni Rain kahit kami lang magkasama kumakain sa labas. Madalas kami sa food park kumain ni Rain tambay talaga kami dun hanggang madaling araw. Napag usapan namin mga personal life parang getting to know each other stage ganun. Nagkwekwento siya about sa family niya then siya naman magtatanong ng question about me. Minsan sinasama namin sila Bea at Neil.

Tapos one time sa office, may sakit ako nun. Si Cecil yung kabatchmate nila Rain at Rico yung tomboy, palagi akong pinupuntahan nun sa table ko. Nung napadaan siya nung araw na yun nagdala siya ng chocolate at cake na mamahalin pa nga.

Cecil: Oh para sayo bebe.

Franchelle: Ay, thank you. Para saan pala to??

Cecil: Para sayo! Para gumaling ka na. Magpagaling ka alam mo naman ayokong nagkakasakit ka eh.

Tapos niyakap ako ni Cecil.

Napasilip bigla si Rain at nilakihan ako ng mata.

Rain: Wow! May pa-cake pa ha. Tamis naman. Kainin na yan.

Franchelle: Che!

Rain: Sungit nito!

Sabay tinulak niya yung upuan ako. Inirapan ko naman siya. Nacurious siya siguro kung bakit ko siya inirapan kaya lumapit siya sa tabi ko.

Rain: Galit ka ba sa akin? Bakit ganyan ka???

Franchelle: Hindi! Masama lang pakiramdam ko.

Rain: Ah okay. Teka,

Hinawakan at tinignan naman niya ang cake at chocolate na binigay ni Cecil.

Rain: Bakit ka palaging binibigyan ng mga kabatchmate ko ng mga ganito? Ako hindi.

Franchelle: Hahaha edi tanong mo sa kanila, praning! Ayy hindi. Alam mo kung bakit??? Mas mabait kasi ako sayo. BEH!!!!

Rain: Ah ganon? Pag maganda lang may cake. Pag chix lang ganun.

Franchelle: Inggit ka nanaman eh. Di kasi chix. Uy, oh tignan mo may free na kutsilyo yung cake. Hahahaha andito ka pala eh.

Rain: Hmp!! Dyan ka na nga! Liit mo.

Biglang napikon si Rain kaya umalis na siya.

Then the other day hindi ko naman akalain na aayain niya ko kumain sa burger house after ng shift. Pumayag naman ako kasi ililibre niya daw ako. Doon kami kumain malapit sa office. Nakita pala kami ni Cecil. Sira ulo yung Rain na yun balak palang pagselosin si Cecil haha. Nung mga panahon na yun naman hindi na namin nakakasama si Rico busy kasi siya palagi.

--

Hillary: Uy, I like it. Nagiging interesting ang bawat storya. Ang haba naman pala ng hair ng kaibigan mo, Wendy haha. Kukulutin natin yan mamaya.

Wendy: Sinabi mo pa, Ating. Pero alam mo wala naman kasalanan tong si friendsis kasi hindi naman talaga siya nag bigay ng motibo as in friendship lang talaga offer niyan. Sa dami ba naman ng manliligaw sa kanya noon. Mapapansin niya pa ba yun? Eh walang wala naman yun si Rain eh may sabit pa haha.

Franchelle: True! Geniune friendship lang talaga nothing else.

Hillary: So paano ka naman nainlove ka sakanya???

Wendy: Gusto mo ba ako na magkwento? Hahahaha.

Franchelle: Hayyynako friendsis! Alam ko na yung tawa mong ganyan. Ako na lang baka kung ano ano pa sabihin mo. Char lang! Labyu friendsis!!

Hillary: Ay! Wait lang habang nagkwekwento ka aayusan ko kayo ng mga buhok.

Franchelle: Sige, Ating. Ikulot mo yung sakin ha yung may volume.

Wendy: Haha maganda yan. Pero habang kinukuha ni Ating ang mga pangpaganda niya order lang ako ng pizza para may malapang tayo hehe.

Franchelle: Okay sige.

Tumayo naman si Wendy at umorder ng pizza at si Hillary pumunta sa kwarto para kunin ang mga dala niyang pangpaganda. Nang makabalik na ang dalawa pinagpatuloy ni Franchelle ang pag kwento.

She already moved onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon